KABANATA XVI: Hudyat ng Nakatakdang Araw

4.9K 186 4
                                    


Dahil sa mga pagbabagong naganap sa palasyo bahagyang naging maingat sa kanilang kilos sina punong ministro Kim at ang mga kapanalig nitong ministro, si kapitan Bok Jin ay nanatili pa ding tapat sa mga ministro na kanyang pinaglilingkuran, nanatili siyang nag-uulat ng palihim sa punong ministro tungkol sa kalagayan o sa mga kilos na ginagawa ng dalawa nilang kasaping inilipat at ibinaba sa posisyong sina Lady Shang at doktor So sa pangambang bumaliktad ang mga ito at magsumbong sa mahal na hari tungkol sa mga anomalya at masasamang gawa ng kanilang samahan.


Dalawang araw bago ang kaarawan ni prinsipe Hwang, ang mga ilang kagamitan, libro, at likhang sining na si prinsipe Hwang mismo ang gumawa na nasa bahay pahingahan sa lihim na hardin ay inilipat sa tahanan ng prinsesa bilang doon na mamamalagi si prinsipe Hwang dahil nga siya na ang tumatayong si prinsesa Bong.


Nang mailipat at maayos na ang mga kagamitan ay naiwan na sa kanyang silid tanggapan si prinsipe Hwang, agad niyang kinuha ang isang libro ng mga tula na ibinigay sa kanya ng yumaong kapatid na prinsesa bilang regalo sa kaarawan nila, muli niyang nanumbalik sa alaala ni prinsipe Hwang ang masasayang araw nila ng kanyang mahal na kapatid mula noong pagkabata nila hanggang sa huling mga sandaling nagkausap sila, hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha, niyakap niya ang libro na tila ba iniisip na ito ang kanyang mahal na kapatid.


"Nangungulila na ako sa iyo aking kapatid, sobrang nangungulila na ako sa iyo." Ang pabulong na sabi ni prinsipe Hwang habang patuloy ang kanyang pagluha.


Sa labas ng tahanan ng prinsesa ay nakatayo lamang at tahimik na nagbabantay sina Hyun, Chun-Jun, Lady Bam Sang, at ang iba pang kawal at tagapaglingkod, nang biglang dumating sina haring Yang Jong at reyna Yang Geum, agad silang nagbigay pugay sa mga kamahalan.


"Punong kapitan Taeyang Hyun, nariyan ba ang mahal na prinsesa?" ang bungad na tanong ni reyna Yang Geum sa malumanay na pananalita.


"Opo mahal na reyna, kasalukuyan po siyang nasa kanyang silid tanggapan." Ang agad namang tugon ni Hyun sa tanong ng mahal na reyna Yang Geum.


"Kung ganoon ay maaari mo bang sabihin na narito kami at nais namin siyang makausap?" ang sabi naman ni haring Yang Jong.


"Opo kamahalan, ngayon din po ay ipaaalam ko sa mahal na prinsesa ang inyong pagdating." Ang sabi ni Hyun at sabay yumuko upang magpakita ng paggalang at agad itong pumasok sa loob ng tahanan ng prinsesa.


Sa labas ng silid tanggapan ng prinsesa ay tumayo si Hyun sa tapat ng pinto nito, ngunit nang sasabihin na niya sana ang tungkol sa pagdating ng mga kamahalan ay narinig ni Hyun ang mga paghikbi na nanggagaling sa loob ng silid.


"Hwang? Hwang? Ayos ka lamang ba?" ang pagtawag at pag-usisa ni Hyun mula sa labas ng silid tanggapan. Nang marinig ni prinsipe Hwang ang pagtawag na iyon ay agad siyang tumigil sa pagdadalamhati kanyang inilagay ang libro ng mga tula sa mga librong kasama nito, pinahid niya ang kanyang mga luha at inayos ang sarili.


"Oo Hyun ayos lamang ako, huwag mo kong alalahanin, may kailangan ka ba na sabihin?" ang agad na pagtugon ni prinsipe Hwang nang maiayos na niya ang kanyang sarili.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon