Iniabot ni prinsipe Lee Shin ang kanyang kamay kay prinsipe Hwang, inabot ito ni prinsipe Hwang at inalalayan siya ni prinsipe Lee Shin na akyatin ang ilang baitang na iyon patungo sa altar, nang makarating sa tapat ng altar ay marahang binitiwan ni prinsipe Lee Shin ang kamay ni prinsipe Hwang na noon ay di pa rin makapaniwala sa kanyang nalaman at ilang sandali pa ay nagsimula na ang seremonyas ng kanilang pag-iisang dibdib.
"Sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng mahabaging langit at ng kahariang ito, natiro ako sa inyong harapan upang pagbukludin ang dalawang puso na pinagtagpo ng langit at kapalaran, narito ngayon tayo upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng mahal na prinsipe ng kaharian ng dinastiyang Lee na si prinsipe Lee Shin at ang mahal na prinsesa ng kaharian ng Suzaku na si prinsesa Yang Bong." Ang pambungad na pananalita ng punong babaylan ng kaharian ng dinastiyang Lee.
Nang matapos sa pambungad nitong salita ang punong babaylan ay kinuha nito ang isang gintong kopa na may dalawang tatangnan na naglalaman ng pulang alak na gawa mula sa pinaka mataas na kalidad na mga ubas, iniabot ito ng punong babaylan sa kanila, hinawakan ni prinsipe Lee Shin ang tatangnan na nakatapat kay prinsipe Hwang at si prinsipe Hwang naman ay hinawakan ang tatangnan na nakatapat kay prinsipe Lee Shin.
"Ito ang alak ng buhay, kasiyahan, at kasaganahan, at ako si prinsipe Lee Shin na siyang sumusumpa sa harap ng langit at buong kaharian ng buong katapatan at kadalisayan na gagawin ko ang lahat upang mabuhay ka mahal kong kabiyak ng masagana at maligaya." Ang sabi ni prinsipe Lee Shin at ininom nito ang alak at pagkatapos noon ay si prinsipe Hwang naman ang siyang nanumpa.
"Ito ang alak ng buhay, kasiyahan, at kasaganahan, at ako si prinsesa Yang Bong na siyang sumusumpa sa harap ng langit at buong kaharian ng buong katapatan at kadalisayan na gagawin ko ang lahat upang mabuhay ka mahal kong kabiyak ng masagana at maligaya." Ang sabi ni prinsipe Hwang at uminom din ito ng alak tulad ng ginawa ni prinsipe Lee Shin.
"Ngayon ay ang seremonyas sa inyong ganap na pagbubuklod, narito ang mga singsing na sumisimbulo sa walang hanggang pagmamahalan, isuot niyo ito sa isa't isa upang iselyo ang pangako niyo ng katapatan at tanda ng inyong pagmamahalan." Ang sabi ng punong babaylan na hawak ang isang lalagyan na kinalalagyan ng mga singsing.
Noong mga sandaling iyon ay napatikom na ng kanyang kamao ang walang magawa na si Hyun, dahil hindi kaila sa kanya ang sakit na kanyang nararamdaman sa nasasaksihang pag-iisang dibdib ng taong kanyang pinakamamahal at ng prinsipe ng kahariang kanilang kinaroroonan, masakit sa kanya na makita na ang pinakamamahal niya ay manumpa at igapos nito ang kanyang sarili sa isang pangako na inaasam din niya.
Si prinsipe Lee Shin ang unang kumuha ng singsing at nakangiti niya itong isinuot sa palasingsingan ni prinsipe Hwang na noon ay di na din alam pa ang kanyang gagawin, nang matapos si prinsipe Lee Shin ay kinuha ni prinsipe Hwang ang singsing na kanyang isusuot kay prinsipe Lee Shin, napatitig sa singsing si prinsipe Hwang na tila ba nagdadalawang isip at ilang sandali pa ay napalingon siya sa direksiyon na kinaroroonan ni Hyun, nakita at naramdaman ni prinsipe Hwang ang sakit na nararamdaman ni Hyun noong mga sandaling iyon, di na din naiwasan ni prinsipe Lee Shin na mapatingin sa direksiyong iyon at agad nitong napansin si Hyun na yumuko noong tignan niya ito.
Ilang sandali pa ay ibinaling muli ni prinsipe Hwang ang kanyang atensiyon kay prinsipe Lee Shin at binigyan ang prinsipe na kanyang kaharap ng isang pilit na ngiti, at ilang sandali pa, kahit puno ng pag-aalinlangan at labag man ito sa kanyang kalooban ay isinuot na ni prinsipe Hwang ang singsing sa palasingsingan ni prinsipe Lee Shin na siyang nangangahulugan na ang buhay niya ay iaalay at para na lamang sa prinsipe.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...