"Mahal na inang reyna!" ang gulat na sabi ni Chun-Jun dahil sa biglaang pagdating ni inang reyna Lee Hanna sa labas ng tahanan ng reyna, agad na yumuko sila Chun-Jun, Lady Bam Sam, at ang mga kawal at tagapaglingkod na kanilang kasama noon upang magbigay pugay sa mahal na inang reyna.
"Bakit tila yata nabigla ka sa aking pagdating kapitan Chun-Jun? May problema ba?" ang tanong ni inang reyna Lee Hanna kay Chun-Jun.
"Ah wala naman po mahal na inang reyna, hindi lamang po namin inaasahan na darating kayo dahil sa tagal niyo po na hindi bumibisita sa mahal na reyna." Ang sabi ni Chun-Jun bilang tugon sa tanong ng mahal na inang reyna.
"Ganoon ba, siya nga pala nariyan ba sa loob ng kanyang tahanan ang mahal na reyna?" ang tanong ni inang reyna Lee Hanna.
"Opo mahal na inang reyna, kasalukuyan pong nasa kanyang silid tanggapan ang mahal na reyna at doon ay nagpapahinga." Ang tugon ni Lady Bam Sam habang nananatiling nakayuko, "nais niyo po ban a aming ipagbigay alam na naparito kayo ngayon?" ang dagdag na sabi ni Lady Bam Sam bilang tanong sa mahal na inang reyna.
"Hindi na kailangan, may mga tao lamang akong hinihintay na dumating at pagdating nila ay ako na lamang ang papasok upang surpresahin siya." Ang sabi ni inang reyna Lee Hanna at ngumiti ito kila Chun-Jun na hindi nila nagustuhan ang dating ng ngiti nito sa kanila, wari ba'y pakiramdam nila na may hindi magandang bagay ang mangyayari.
Ilang sandali pang nanatili sa labas ng tahanan ng reyna ang mahal na inang reyna at si Lady Kim Eun Ro upang hintayin ang pagdating ng mga babaeng tagapagsiyasat na ipinatawag ng inang reyna sa kanyang punong tagapaglingkod na si Lady Goo Sil Cheon, noong mga sandali namang iyon ay payapang namamahinga si prinsipe Hwang habang binabasa ang libro ng mga tula na ibinigay sa kanya ni Hyun, sa mga payapang sandaling iyon ay walang kamalaymalay si prinsipe Hwang sa isang pangyayari na siya ang magiging biktima.
Noong araw ding iyon ay nakarating naman sila Lady Park Dal at Lady Nam Sam sa sagradong templo ng langit at lupa, sa labas ng templo ay kasalukuyan namang nagbabantay noon si kapitan San Jeonsa at nang makita sila nito ay agad naman silang nakilala ng kapitan kaya naman lumapit ito sa kanila at nagbigay pugay at paggalang ang kapitan sa punong babaylan ng templo ng palasyo.
"Lady Park Dal, Lady Nam Sam, paano niyo po kami natunton rito?" ang agad na tanong ni kapitan San Jeonsa.
"Ang totoo ay bago pa kayo magtungo rito ay alam na namin na paparito kayo, ang lahat ng ito ay nakatakdang maganap kapitan San Jeonsa." Ang sabi naman ni Lady Park Dal bilang pagtugon sa tanong ni kapitan San Jeonsa, "siya nga pala ang mahal na reyna Yang Geum, nasaan siya ngayon?" ang dagdag na tanong ni Lady Park Dal.
"Ang mahal na reyna Yang Geum ay nasa may bahay dalanginan nitong templo, kasama niya ngayon roon sina kapitan Geol Jeong, ginoong Han Zo, at Lady Yuno." Ang sabi naman ni kapitan San Jeonsa bilang pagtugon sa tanong ni Lady Park Dal, "kung inyong nais ay sasamahan ko kayo ngayon din doon." Ang dagdag na sabi ni kapitan San Jeonsa.
"Aming ikalulugod kapitan." Ang nakangiti namang tugon ni Lady Park Dal.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...