"Prinsipe Hwang, kamahalan." Ang sabi ni Lady Shin Bae bilang pagtawag kay prinsipe Hwang na nakatayo di malayo sa kanya, at nang marinig ni prinsipe Hwang ang kanyang pagtawag ay agad niyang nilingon ang punong babaylan, nang makita ni prinsipe Hwang ang punong babaylan na nakatayo di kalayuan sa kanya ay binigyan niya ito ng isang ngiti na tinugunan naman ng punong babaylan.
"Lady Shin Bae." Ang nasasabik na pagsambit ni prinsipe Hwang sa pangalan ng punong babaylan, at hahakbang pa lamang ang prinsipe upang lapitan si Lady Shin Bae ay agad siyang pinigilan nito.
"Huwag mahal na prinsipe, hindi mo na ako kailangan na lapitan, nandito lamang ako upang sabihin na masaya ako na nagawa kitang pangalagaan hanggang sa araw na ito." Ang sabi ni Lady Shin Bae sa malumanay na tono.
"Masaya din naman ako na ikaw ang nangalaga sa akin, nagturo, at nagsilbing aking ikalawang ina, at hindi lang sa araw na ito ko ipapasalamat kundi habang buhay ko ipagpapasalamat iyon, at saka matagal pa naman tayo magsasama hindi ba?" ang masayang sabi ni prinsipe Hwang, ngunit isang ngiti lamang ang tinugon ni Lady Shin Bae at pagkatapos noon ay ilang minutong katahimikan na ang sumunod, nakatingin lamang ang punong babaylan sa prinsipe habang ang prinsipe naman ay nakatingin lamang din sa punong babaylan na tila naghihintay ng itutugon nito.
Tumalikod ang punong babaylan kay prinsipe Hwang at nagsimula itong maglakad palayo, nang makita iyon ni prinsipe Hwang ay nagsimula na siyang habulin ang punong babaylan pero kahit anong bilis ang kanyang gawin sa pagtakbo ay tila parang hindi man lang siya nakakaalis sa kanyang kinaroroonan, ilang sandali pa ay huminto ang punong babaylan sa kanyang paglakad at siya ding paghinto ni prinsipe Hwang sa pagtakbo.
"Prinsipe Hwang, kamahalan, ako ngayon ay mamaalam na sa iyo ngunit lagi mong tatandaan na ako ay lagi lamang sa tabi mo, babantayan kita hanggang sa maganap ang itinakda ng tadhana para sa'yo." Ang sabi ni Lady Shin Bae na hindi humaharap kay prinsipe Hwang.
"Lady Shin Bae, ano po ba ang sinasabi mo, hindi mo ako pwedeng iwan, ikaw lang ang madalas kong makasama sa loob ng malawak na hardin na iyon, ikaw lang..." ang putol na sabi ni prinsipe Hwang at nagsimula na siyang lumuha dahil sa pakiramdam niya na parang mawawala sa kanyang piling ang punong babaylan na matagal niyang nakasama.
"Nagkakamali ka mahal na prinsipe, lagi akong mananahan sa iyong puso't alaala, hindi lang din ako ang tao mong makakasama, dahil may mga nakatakda na tao para ikaw protektahan, samahan, at iyong pagkakatiwalaan, hanggang dito na lamang ang aking parte sa buhay mo, huwag kang lumuha aking kamahalan." Ang sabi ni Lady Shin Bae, at isang malakas na hangin ang umihip na may kasamang mga talulot ng seresa, halos di makadilat sa lakas ng hangin ang prinsipe ngunit naaaninag niya pa rin ang punong babaylan na palayo sa kanya, paulit-ulit niyang tinawag ang punong babaylan hanggang sa mawala na ito ng tuluyan at ang sumunod ay ang pagbalot sa kanya ng liwanag.
"Lady Shin Bae!" ang malakas na sigaw ni prinsipe Hwang, sa pagdilat ng kanyang mga mata ay agad siyang napabangon sa kanyang higaan, isang panaginip lamang pala ang lahat, ngunit magkagayon ay basa ng luha ang kanyang mukha, kanyang pinahid ang kanyang mga luha, pagkatapos ay tumayo siya at binuksan ang bintana ng silid, agad na pumasok sa loob ng silid ang malamig na hangin at ang sikat ng araw na may dalang init, binalot siya ng lamig at init, agad din niyang napansin ang pagkain na nasa mesa kung saan nakalagay ang plorera ng bulaklak ng galanthus, sa tabi nang pagkain ay isang nakatuping papel din ang kanyang nakita at agad niya itong kinuha.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...