KABANATA XX: Ang Pagdating sa Kaharian ng Dinastiyang Lee

4.6K 192 9
                                    


Sa loob ng dalawang araw na paglalayag ay nakarating din sa daungan ng kaharian ng dinastiyang Lee sila prinsipe Hwang, pagdating roon ay sinalubong sila ng ilang kawal na mula sa palasyo ng kaharian ng dinastiyang Lee, agad na yumukod upang magbigay pugay sa kanya ang mga kawal na sumalubong sa kanilang pagdating, ang daungan na kanilang kinaroroonan ay malayo pa sa palasyo ng kaharian ng dinastiyang Lee kaya naman isa sa kawal na sumalubong sa kanila ang inatasan ng isa sa nakakataas na kawal na kung ang kasuotan nito ang pagbabasehan ay isa itong kapitan sa palasyo, inatas nito sa kawal na ihatid na sa palasyo ang ulat tungkol sa pagdating nila prinsipe Hwang, agad itong sinunod ng kawal at nilisan ang daungan.


"Muli ay binabati namin kayo na maligayang pagdating sa kaharian ng dinastiyang Lee kamahalan. Ako po si kapitan Cheol Go, kami ay naparito upang salubungin ang inyong pangkat kamahalan at gabayan kayo sa daan patungo sa palasyo." Ang sabi ni kapitan Cheol Go na sa kabila ng matapang nitong mukha ay mababanaag ang kabutihan nito.


"Ikinagagalak ko na ikaw kapitan Cheol Go at ang iyong pangkat ang sumalubong sa amin at gumabay." Ang tugon naman ni prinsipe Hwang at pagkatapos ay magiliw na ipinakilala ni prinsipe Hwang sila Hyun at ang iba pa niyang kasama sa mga kawal ng kaharian ng dinastiyang Lee.


"Kung ganoon po ay mabuti pa na simulan na po natin an gating pagtahak sa daan patungo sa palasyo dahil tiyak na naghihintay na ang mga kamahalan sa inyong pagdating." Ang sabi naman ni kapitan Cheol Go, pagkasabi ni kapitan Cheol Go ay tinugon ito ng isang ngiti ni prinsipe Hwang at pagkatapos ay sumakay na siya sa karosa na binuhat muli ng mga kawal na kasama nila sa pagpunta sa kahariang iyon.


Ang kawal na inutusan ni kapitan Cheol Go ay naging mabilis ang pagkilos, mabilis niyang narating ang kakahuyan na dadaanan din nila prinsipe Hwang sa pagtungo sa palasyo ng dinastiyang Lee. Payapa ang kakahuyang tinatahak na iyon ng kawal ngunit sa isang iglap ay isang palaso ang tumarak sa kanang binti ng kawal dahilan upang mapaluhod ito, dahil sa nabatid ng kawal na siya ay nasa panganib ay agad niyang hinugot ang kanyang espada, hirap man na tumindig ay pinilit ng kawal na tumayo upang maprotektahan nito ang kanyang sarili, hindi siya nanatili sa kanyang posisyon, naging alisto siya habang paika-ika na naglalakad patungo sa direksiyon ng palasyo ngunit ilang sandali pa lamang ang nakakalipas simula nang magsimula siya maglakad ay isang palaso muli ang tumarak sa kanya, at sa pagkakataong iyon ay sa kaliwang binti naman niya ang tinamaan ng palaso at muli ay napaluhod siya, sa pagkakataong ding iyon ay tila nakaramdam ng pamamanhid ng katawan ang kawal at bumagsak ito ng padapa sa lupa.


"Akala ko pa naman ay malalakas at alisto na tuna yang mga kawal na mula sa dinastiyang Lee ngunit sa tingin ko ay nagkamali ako." ang sabi ng isang lalaki na nakasuot ng itim na kasuotan at nakatakip ang mukha, kasama nito ang ilan pang mga kalalakihan na ang kasuotan ay katulad din ng sa lalaking nagsalita.


Lumapit sa nakadapang kawal ang lalaking nagsalita, habang ang kawal naman ay pilit na iniaangat ang kanyang ulo upang makita ang lalaking lumapit sa kanya, ang kamay ng kawal na may hawak ng espada ay hindi na din nito maigalaw pa.


"Ma-ma-ma-maa-a-a-a-wa k-k-ka." Ang hirap na sabi ng kawal dahil sa nararamdaman na din nito ang pamamanhid ng kanyang mga panga at bibig, at tumalungko sa kanyang harapan ang lalaki na tinitigan lamang ito.


"Hmm, kung ganoon ay magaling lang pala sa pagmamakaawa ang mga kawal ng kahariang ito, inakala ko pa naman ay mahihirapan ako na tapusin ang mahal na prinsesa dahil sa dumating pa ang pangkat niyo para salubungin sila." Ang sabi ng lalaki na tila ba natutuwa sa kanyang nakikitang paghihirap ng kawal.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon