Kinabukasan ay naghanda na sa kanilang paglalakbay pabalik sa kaharian ng dinastiyang Lee sila prinsipe Hwang at Hyun kasama ang kanilang pangkat, bago magpaalam ay nagpalitan ng regalo sila prinsipe Hwang at reyna Yon Sang Byeol tanda ng kanilang pagiging mabuting magkaibigan at tapat na magkapanalig.
"Nawa'y maging ligtas ang inyong paglalakbay pabalik sa kaharian ng dinastiyang Lee, ipabatid niyo rin kamahalan sa mahal na haring Lee Shin na bukas ang kaharian ng Byeol Yeosin para sa kanyang pagbisita." Ang sabi ni reyna Yon Sang Byeol bilang pagpapaalam at yumuko ito upang magbigay pugay kay prinsipe Hwang.
"Makararating ang iyong sinabi reyna Yon Sang Byeol, at ipinapangako ko na magiging ligtas ako at ang aking pangkat sa aming paglalakbay pabalik sa kaharian ng dinastiya, muli ay nagpapasalamat ako reyna Yon Sang Byeol sa inyong mainit na pagtanggap sa amin, at sa iyong pagpayag na maging kapanalig ng kaharian ng dinastiyang Lee." Ang sabi ni prinsipe Hwang, bago tuluyang umalis ay pinagmasdan niya muli ang lahat ng mga ministro at opisyal maging ang pangkat ni Il na naghatid sa kanila sa pangunahing tarangkahan ng palasyo ng Byeol Yeosin, "maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap sa amin." Ang dagdag na pasasalamat ni prinsipe Hwang sa lahat ng naroon.
"Isang karangalan sa amin kamahalan ang inyong pagdating at hiling namin ang inyong ligtas na paglalakbay pabalik sa kaharian ng dinastiyang Lee." Ang sabi ni punong ministro Songha at pagkatapos sabihin iyon ng punong ministro ay sabay sabay na yumuko ang lahat upang magbigay pugay, magpasalamat, at hilingin ang ligtas na paglalakbay na pangkat nila prinsipe Hwang.
Nang matapos ang pagpapaalam at pasasalamat ay nagpasya na si prinsipe Hwang na umpisahan na nila ang paglalakbay pabalik sa kaharian ng dinastiyang Lee na dala ang isang magandang balita para sa kaharian at para kay haring Lee Shin.
Dalawang araw ang nakalipas mula nang umalis sa kaharian ng Byeol Yeosin ang pangkat nila prinsipe Hwang ay bumisita si punong ministro Kim sa kaharian ng dinastiyang Lee upang makita at makausap ang pamangking si Lady Kim Eun Ro, ngunit upang di siya pagdudahan o maging ang kanyang pamangkin ay lihim silang nagtagpo sa bayan ng kaharian, sa isang panuluyan ay doon sila nagkita ng kanyang pamangkin na ang kasuotan ay katulad lamang sa mga pangkaraniwang kasuotan upang di ito makaagaw ng pansin.
"Kamusta sa palasyo ng dinastiya? Wala pa bang balitang dumarating sa inyo na patungkol sa reyna?" ang tanong ni punong ministro sa kanyang pamangkin, sinalinan ni Lady Kim Eun Ro ang kanyang tiyo ng tsaa sa pusuwelo nito, at nang matapos ay ininom naman ito ni punong ministro Kim.
"Simula nang umalis ang reyna sa kaharian ay wala pang dumarating na ulat tungkol sa kanya, sana nga'y hindi na sila makabalik sa kaharian." Ang sabi ni Lady Kim Eun Ro na hinihiling ang kapahamakan nila prinsipe Hwang at nang madinig naman iyon ni punong ministro Kim ay di niya magawang pigilan ang kanyang pagngisi.
"Mukhang malaki ang galit mo sa mahal na reyna aking pamangkin, mayroon ba akong dapat na malaman?" ang sabi ni punong ministro Kim at muli siyang uminom ng tsaa.
"Ang totoo niyan tiyo ay nais kong maging reyna, nais ko na ako ang maging reyna ng kamahalan, at ako ang magdalang tao na siyang magiging susunod na hari ng dinastiyang Lee, hindi lang para sa mga kagustuhan mo tiyo ngunit gusto kong maging reyna dahil gusto kong matamasa ang lahat na mayroon ang reyna ngayon lalo na ang puso ng hari." Ang sabi ni Lady Kim Eun Ro, kinuha niya nag tsarera at kanyang sinalinan ng tsaa ang kanyang pusuwelo at pagkatapos ay mahinhing uminom, sandali na pinagmasdan ni punong ministro Kim at di niya mapigilan ang mapangiti sa ideya na nakikita niya ang kanyang sarili sa kanyang pamangkin, ang pagnanais nito na mangibabaw at makuha ang lahat ng naisin ay hindi naiiba sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...