KABANATA XV: Ang Pagbabagong Hatid ng Bagong Prinsesa

5.1K 196 24
                                    


"Mahal na prinsipe pakiusap po huwag niyo na pong ipilit pa ang inyong nais." Ang sabi ni ginoong Shen habang pinipigilan si prinsipe Lee Shin na makalabas kanyang tahanan.


"Ginoong Shen, pumayag na kayo, hindi lang talaga ako makapaghintay pa, tiyaka ilang linggo na lang din naman ay magiging reyna ko na ang prinsesa ng kaharian ng Suzaku, kaya ginoong Shen pakiusap ako ay inyo nang paraanin." Ang sabi ni prinsipe Lee Shin na nagpupumilit pa ding makaalpas sa mga kawal na inutusan ni ginoong Shen na harangin ang mahal na prinsipe.


"Patawarin niyo ako kamahalan ngunit hindi ko kayo maaaring paalisin, alam niyo naman po ang tradisyon ng kaharian na maaari mo lamang na makita ang inyong magiging reyna sa takdang araw po mismo ng inyong pag-iisang dibdib." Ang sabi ni ginoong Shen bilang pagpapaliwanag kay prinsipe Lee Shin.


"Ginoong Shen, hindi naman malalaman nila ina at ama ang tungkol dito, kaya sige na ginoong Shen, hindi niyo na ba ako ginagalang bilang prinsipe ng kahariang ito?" ang sabi ni prinsipe Lee Shin upang kunsensiyahin si ginoong Shen.


"Patawarin niyo ako kamahalan ngunit kailangan ko pong sumunod sa tradisyon ng kaharian, at ayoko din pong maparusahan ng mahal na hari at reyna, at bukod doon ay iniiwas ko lamang kayo sa kapahamakan, sana'y maunawaan niyo po ako mahal na prinsipe." Ang sabi ni ginoong Shen at yumuko siya ng ilang ulit bilang pagpapakita pa din ng respeto at paumanhin sa mahal na prinsipe.


"Ginoong Shen akala ko pa man din ay kakampi kita." Ang sabi ni prinsipe Lee Shin na hindi naiwasan ang mapanguso, sa mga ganitong pagkakataon na hindi mapagbigyan ang kagustuhan niya ay tila nagiging isip bata ang mahal na prinsipe Lee Shin at ginagawa iyon ng prinsipe dahil alam niyang mas madali niyang mapapapayag ang ginoo sa kanyang mga kagustuhan.


"Ano ba ang nangyayari dito?" ang malakas na sabi ni reyna Lee Hanna na siyang dumating sa tahanan ng palasyo, napalakas ang kanyang pagkakasabi dahil na din sa nakita niyang pagharang ng mga kawal sa kanyang anak na prinsipe, agad namang yumuko sila ginoong Shen upang magbigay galang sa mahal na reyna ng dinastiya.


"Ginoong Shen, ano ang ibig sabihin nito? Maaari mo bang ipaliwanag sa akin kung bakit inyong hinaharang ang mahal na prinsipe sa kanyang paglabas?" ang muling pagtatanong ni reyna Lee Hanna na nakatingin kay ginoong Shen.


"Patawarin niyo po ako mahal na reyna, ngunit hinaharang lamang po namin siya dahil nagnanais ang kamahalan na magtungo sa kaharian ng Suzaku upang makita ang mahal na prinsesa Bong." Ang agarang pagsagot ni ginoong Shen na walang halong pagsisinungaling sa mahal na reyna, at nang madinig iyon ni reyna Lee Hanna ay agad naman niyang ibinaling sa mahal na prinsipe ang kanyang atensiyon.


"Mahal na prinsipe totoo ba ang itinuran ni ginoong Shen?" ang tanong ni reyna Lee Hanna sa kanyang mahal na anak.


"Opo mahal kong ina, totoo po iyon." Ang sabi ni prinsipe Lee Shin bilang tugon sa kanyang mahal na inang reyna, bahagya siyang napayuko dahil alam niyang di na talaga siya makakaalis pa patungo sa kaharian ng Suzaku, bilang alam ng mahal na prinsipe kung gaano kaistrikto ang kanyang inang reyna pagdating sa pagsunod sa mga nakaugalian at tradisyon ng kaharian.


"Ginoong Shen, ako ay nalulugod sa iyong ginawa, tunay na alam mo nga kung ano ang makakabuti para sa aking anak, hindi kami nagkamali ng mahal na hari na ikaw ang italagang tagapagbantay para sa kanya." Ang pagpuri ni reyna Lee Hanna kay ginoong Shen, at yumuko ng nakangiti si ginoong Shen upang magpasalamat sa pagpupuri na binigay sa kanya ng reyna.

The Queen's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon