Naging pormal ang turingan nila Hyun at prinsipe Hwang sa isa't isa, noong una ay nahihirapan si prinsipe Hwang sa ganoong sitwasyon nila ni Hyun ngunit sa patuloy na pag-iisip ni prinsipe Hwang na darating din ang araw na di na nila kakailanganin pa ang magpanggap ay unti-unting kinakaya ni prinsipe Hwang ang pagturing kay Hyun na isang normal na punong kawal lamang, natuto siya na magpanggap na hindi espesyal sa kanya si Hyun.
Sa paglipas din ng mga araw, ay naging madalas din ang pagkikita nila haring Lee Shin at prinsipe Hwang, minsan ay si haring Lee Shin ang bumibisita sa tahanan ni prinsipe Hwang at minsan naman ay si prinsipe Hwang ang bumibisita sa tahanan ng hari. Madalas na hingin ni haring Lee Shin ang mga suhestiyon at payo ni prinsipe Hwang sa tuwing may nais itong gawing desisyon o plano para sa kaharian, at si prinsipe Hwang naman ay malugod at masaya na makatulong sa hari, lahat ng naging pasya ng hari para sa kaharian ay naging positibo ang kinalabasan, at lahat ng papuri para sa hari ay malugod namang inialay ni haring Lee Shin kay prinsipe Hwang, di din lingid sa mga ministro at opisyal ng kaharian ang tulong na ibinibigay at itinutulong ni prinsipe Hwang sa mahal na hari kaya naman sila na din mismo ang humiling kay haring Lee Shin na isama nito ang kanyang reyna sa tuwing magkakaroon ng pagpupulong na labis namang ikinagalak ng lubos ni haring Lee Shin.
At simula nga nang maging bahagi ng pagpupulong si prinsipe Hwang ay labis na din itong hinangaan ng mga ministro at opisyal ng kaharian dahil sa angkin nitong talino at galing sa pagbibigay ng payo, suhestiyon, at ideya, dahil nga doon ay mas naging maayos ang lahat ng kanilang mga nagiging pagpupulong at pagpaplano na ang resulta ay minsan nagiging higit pa sa kanilang inaasahan, naging mabilis ang pag-angat ng kaharian ng dinastiyang Lee sa lahat at naging dahilan iyon upang ang iba pang kaharian ay magtiwala sa kanila at magpasailalim, sa pagdami ng mga kaanib na kaharian ay naging maganda din ang takbo ng kalakaran sa buong kaharian, naging maganda ang pamumuhay, at itinuturing na ang pamumuno ni haring Lee Shin at prinsipe Hwang ang ginintuang panahon ng kaharian ng dinastiyang Lee.
Tatlong buwan ang nakalilipas ay naging maganda pa din ang lahat para sa kaharian ngunit sadyang di maiiwasan na sa kabila ng mga kasiyahan at kasagaanaan na tinatamasa ng kaharian ng dinastiyang Lee ay may mangyari na di kanais nais, at iyon ay ang pagpanaw ng amang haring Lee Yuan dahil sa isang karamdaman na hindi na nahanapan pa ng lunas, naging matagal din ang pagluluksa ng kaharian at ang pagkawala ding iyon ng amang haring Lee Yuan ay nagdulot ng malaking pagbabago para sa mahal na inang reyna Lee Hanna.
Dahil sa pagkawala ng kanyang mahal na kabiyak ay tila nagkaroon din ng malaking pagbabago sa ugali ng mahal na inang reyna Lee Hanna, ang dating mahigpit na inang reyna ay mas naging mahigpit at istrikto sa lahat ng bagay, ang dating masayahin nitong ugali ay nawala na din sa halip ay naging seryoso ito, ang mainit nitong pakikitungo noon sa kanyang mga tagapaglingkod ay naging malamig na din, lahat sa palasyo ay labis na nababahala at nag-aalala dahil sa pagbabagong iyon ni inang reyna Lee Hanna.
Limang buwan ang lumipas, sumapit na ang tagsibol sa kaharian ng dinastiyang Lee, ang pagbabago na naganap sa inang reyna Lee Hanna ay tila naging permanente na nakasanayan na din ng buong kaharian, maging ng kanyang anak na hari na si haring Lee Shin, ngunit isang desisyon ang ginawa ni inang reyna Lee Hanna ang hindi nagustuhan at labis na tinututulan ni haring Lee Shin kaya naman agad na nagtungo sa tahanan ng inang reyna si haring Lee Shin upang kausapin ito.
"Mahal kong ina, bakit ninyo agad pinagpasyahan ang pagkakaroon ko ng mga babae? Hindi niyo ba iniisip na malaking insulto ito sa aking reyna? At bukod doon aking mahal na ina masaya na ko na tanging ang aking reyna lamang ang aking maging kabiyak at makatuwang sa pamumuno." Ang sabi ni haring Lee Shin upang kumbinsihin nito ang mahal na inang reyna Lee Hanna.

BINABASA MO ANG
The Queen's Secret
Historical Fiction[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan ng pagsakop at pamumuno ng iba't ibang imperyo at kaharian. Isang bahagi ng kasaysayan ang hindi nait...