Chapter 2

11.9K 207 5
                                    

Akin

"Hi, Neo!" I greeted with a big smile.

He was about to head in the elevator nang napahinto siya sa paglalakad at hinarap ako. Sumalubong sa'kin ang malamig niyang titig. He look at me as if I am a stranger.

"What?"

"I... uhm... can I go with you?" I asked shyly.

Kumunot ang noo niya. "You're our boss--"

Mabilis akong umiling. "It's very much fine 'cause I own this Hospital, anyway. I can do whatever I want. So... can I?"

Bumalik sa blanko ang kanyang ekspresyon at nang bumukas ang elevator ay pumasok siyang inignora ako. Bumuntong hininga na lamang ako tsaka dali daling pumasok din. May dalawang doktor na nasa likuran at nang mukhang nakilala nila ako ay bumati silang nahihiya kaya sinuklian ko sila ng kontentong ngiti.

Nang marating namin ang floor na lilinisan niya ay sumabay akong lumabas sa kanya. Pangiti ngiti pa ako sa kanyang likuran habang sumusunod hanggang sa tumigil siya dahilan para mabunggo ako sa matigas niyang likuran. I stiffened as our body touch pero panandalian lamang iyon. Lumingon siya sa'kin.

"Ano'ng ginagawa mo?" suplado niyang tanong.

Lumabi ko. "Sabi ko kanina ay kung puwede ba akong sumunod sa'yo."

"May sinabi ba akong sumunod ka sa'kin?"

Malungkot akong umiling.

Tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad at ako namang si tanga ay patuloy ring sumunod sa kanyang likuran hanggang sa marating namin ang hallway ng mga private rooms. He sat down first like he's waiting for something to happen like... waiting for me to dissapear. Nakatayo lamang ako sa kanyang gilid at pinagmasdan ang lukot niyang noo habang hawak ang map. Sigurado akong naiinis na siya sa akin.

"Uhm... Neo... puwede bang sama tayo mamayang lunch?" I asked.

Kailangan dapat ako talaga ang mauna, ano!

"Hindi. May kasama ako." He stood up and started sweeping the floor.

"E, mag-dinner?"

"No."

Hay... what to do? Gusto ko lang naman makasama ang Neo ko. Ano pa kaya'ng paraan?

"Stay muna ako rito, Neo, ha?" malambing kong tanong.

"Hindi puwede."

"Bakit naman?"

This time ay bumaling na siya sa'kin na mukhang naiinis na talaga... to the highest level.

"Hindi mo ba nakikita, Amber? Work hours ko ngayon."

"So... kapag tapos na ang trabaho mo ay pupuwede na?" sumigla ang aking mukha.

Bumalik sa blanko ang kanyang ekspresyon.

"No."

Ugh. Why so hard on me, Neo?

"Bakit ba hindi puwede?" I pouted.

Hindi na siya nagsalita muli at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. He ignored me again. I played my earlobe using my fingers as I let out a sigh. Para akong tanga rito na patagong sinusulyapan ang mga dumadaang Nurses.

"Neo, gusto mo bang--" naputol ang pagsasabihin ko sana nang tumunog ang cellphone ko.

Pemiara calling...

Ang galing talaga tumayming ni Pemy!

"Sasagutin ko muna, Neo, ha?" paalam ko na hindi niya pinansin.

Lumayo layo ako hanggang sa marating ang dulo ng hallway tsaka ko sinagot ang tawag.

"What do you need, Pemy?"

"Wow ha? Wala man lang hi o hello riyan?"

Umirap ako. Hindi talaga ako nagmamaganda 'pag iniisturbo ako.

"Ano nga?"

"By the way, we are invited at Elvandro's mansion. It's a new C.E.O. welcoming party. Punta tayo ha?"

Hmm... Napaisip ako. Hindi kaya?

"Kasama si Charm?"

"Yes!" maligaya niyang saad.

I smirked. Sa tingin ko ay alam ko na ang magaganap. Charm and her not so filthy thing. Nagsimula ang friendship namin noong nasa Paris kami at dahil wala pa siyang kakilala noon ay ako ang nakauna. I know my friend too well, mabait naman si Charm kaso ngalang ay natabunan ng sakit at galit ang kanyang puso dahil sa kanyang nakaraan. At ito namang si Pemiara ay walang kaalam alam sa mangyayari.

"Kailan ba?"

"I'll just send the details on your email." She answered and drop the call.

Kita mo 'to. Hindi pa nga tapos ang tawag ay pinatay agad! Leche naman, oo.

Tinago ko na sa'king bulsa ang cellphone at bumalik na. I was smiling as I walk along the hallway but when I saw him with a woman my smile vanish like a raindrop. I stop two meters away from them.

"Neo, I've got lunch for you." The woman said and hand him a take-out order.

"Thanks, Sereal." Neo smiled.

Awtomatikong nag-init ang ulo ko sa nakita. Ako kanina, todo tanggi siya tapos itong babaeng kaharap niya ay may pa thanks thanks pa at ngiti?!

And who is she?! Who's this Sereal?!

"You're welcome, Neo. Everything for you." He pinch Neo's cheek and chuckled.

Aba malandi!

Hindi naman ako masyadong mabait pagdating sa ganitong eksena. Kung puwede ngalang ako magalit ay sumugod na sana ako!

"You look more beautiful today." Saad ni Neo sa babaeng si Sereal na nagpabago ng modo ko.

I suddenly felt weak. Am I not beautiful?

"Huwag mo nga akong bolahin." Namula pa ang gaga.

"Totoo naman, ah? Kailan ka ba naging pangit sa paningin ko?" Neo chuckled and held her wrist.

"Really?"

Ang harot mo talaga! Ang landi mo! At ano'ng ginagawa ng babaeng 'yan dito? Hindi naman siya mukhang empleyada, ah. A visitor, maybe.

Tiim bagang akong lumapit sa kanila nang matigilan ako. Neo kissed the woman's hair and I feel like I want to scream in anger. Pero wala akong karapatan.

I felt a pang in my chest. Uminit ang gilid ng aking mga mata nang magdesisyong tumalikod na lamang at umalis.

Who is that woman to him? Is she special? Is she something important? Is she his... girlfriend?

Nang makarating ako sa kotse ay binuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman. I scream and punch the steering wheel so hard until I felt my throat dried and my hand got numb.

I cried silently as I rest my back on my chair.

Kahit sino ka mang impokrita ka ay aagawin ko si Neo sa iyo. I want to get back what is truly mine.

Umpisa pa lamang ay akin na si Neo.

Her Sacrifices (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon