Chapter 40

4.9K 119 12
                                    

Away

Amber's POV

Puno ng pagtataka kong binuksan ang pinto papasok sa kwarto ni Neo. Habang bitbit ang box na naglalaman ng mga lumang laruan ng kambal at sa ibabaw ng box ay sinadya kong ilagay ang isang album.

Nabuklat ko na kanina ang album at sobra akong nagulat sa nakita. But I want to make sure what I am thinking is right.

Nabungaran kong nakangiti sakin si Neo pagkatapos kong ilapag sa sahig ang kahon. Mabigat ang labi kong pilit inaangat para makaganti ng ngiti sa kanya.

"Ba't ganyan ang mukha ng Amber ko?" Neo curiously asked when I get the album above the box and open it to see the pictures.

Hinila ko ang kamay niya para sabay kaming umupo sa kanyang kama.

"Neo, can you tell me about this?" tinuro ko ang isang litrato na seryuso ang kanyang mukha at ang background ay ang Effel Tower.

"Ahh... nagbakasyon kami ni Sereal kasama ang kambal sa Paris, France mga apat na taon nang nakalipas." Sabi niya at bahagya pang tumawa sa mukha niya sa litrato.

4 years ago... 4 years ago...

Tumango tango ako. Shit.. .so he visited the place where I lived after I left them.

"How about this?" turo ko naman sa litratong nasa gilid siya ng pool kasama si Sereal na magkaakbay.

The pool is so familiar...

"Sa isang hotel 'yan. Niyaya ako ni Arlyn para may kasama siyang magswimming. Pinilit niya pa nga ako diyan kahit ayaw ko."

I nodded again. I flipped the pages that was occupied of their vacation in Paris. All of their pictures were memories that they had been into a wonderful place, the city of love. Pero ang mas nagpakaba sakin ay ang isang litratong nakatalikod siya habang karga sa isang kamay si Dionne at nakahawak sa doorhandle. Sa gitna ng pinto ay ang room number na 53.

Nanginginig ang daliri kong tinuro ang litratong iyon.

"What's the exact date when you had your vacation in Paris?"

"Teka, ba't mo naman natanong?"

"Just answer me, Neo..." namumungay ang mga matang pagpapaawa kong sabi.

Ilang segundo muna siyang tumingin sa mga mata ko. Para bang may binabasa siyang sulat na hindi niya maintindihan.

"March 25."

4 years ago... March 25.

Mas lalong lumakas sa pagkabog ang aking puso. Sinapo ko ang dibdib ko at marahang hinaplos para manlang maibsan ang sakit na dinulot ng kakaibang kaba sakin.

That's the day when... when... when something happened between me and Demin. Damn.

"Sa h-hotel 'to, 'di ba? Anong hotel, Neo?"

"Ah, ano nga ba 'yon," napakamot siya ng batok at bahagyang tumingala, inaalala ang lugar na itinanong ko. I swallowed hard. "Ah! Sa Sha... sha...--"

"Shangri-La Hotel?"

"Ayon!" Napapitik siya at tumango tango sakin. Umawang ang labi ko. Pakiramdam ko ay may kung anong sumabog sa utak ko at hindi na ako makapag-isip ng maayos. Nang makita niya ang reaksyon ko ay natigilan siya pagkatapos ay kumunot ang noo. "Sandali, paano mo nalaman na sa Shangri-La Hotel? Hindi mo naman siguro basta bastang nahula lang yan?"

 "Sandali, paano mo nalaman na sa Shangri-La Hotel? Hindi mo naman siguro basta bastang nahula lang yan?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Her Sacrifices (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon