Hello readers! I just wanna say thank you sa ever supportive kong LDF na sina Beshy Jessa Fe at Beshy Sarah. Palagi niyo talaga tinutunaw hart hart ko haha :*
This is the last chapter. Enjoy reading!
_______________________________
After 16 years
Neolardo Rios
"Papa! Oh my goodness! I just caught Deo watching porn in his room!" histeryang arte ni Dianne habang niyuyugyog ang braso ko. Nanlalaki ang mga mata sa nasaksikang kababalaghan.
Kakatapos ko lang uminom ng tsaa at pagbabasa ng mga reports para sa bagong produkto na ilalabas sa susunod na buwan ng makitang kumaripas siya ng takbo patungo sa akin. Halos gumegewang na ang sofa na kinauupuan ko sa pagyugyog niya.
"Kalma lang, anak. Hindi makakabuntis ng babae riyan ang kambal mo." Hinawakan ko siya sa kamay para tumigil. Haist, ang sakit sa ulo ni Dionne! Ba't ba kasi hindi niya sinaraduhan ang pinto niya.
He's old enough to secure his own privacy.
"Aww! Hindi ma-take ni Ate Yann ang nakita. Masyadong innocent si Ate pagdating dyan, Dad." Humagikhik na sabi ni Vian na nasa harapan ko lang na kanina pa instagram ang inaatupag.
"Pakshit 'yang Kuya mo masyadong malibog!" Dianne cursed. Pinandilatan ko siya ng mga mata para tumigil. Signal iyon na hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Ayaw na ayaw ko talaga pag naririnig ko silang nagmumura sa harapan ko.
Lumabi naman siya at naglalambing na tumabi sa'kin at yumakap. "Sorry na po, Papa."
"Just don't curse again like that. How many times do I need to remind you that?"
Tumango tango siya at itinaas ang kamay na parang nanunumpa. "Promise po, hindi na mauulit."
"Ang galing mo ring tumayming, ano? Nandun na, eh! Normal lang 'yon sa'ming mga lalake, palibhasa kasi virgin ka pa!" Dionne suddenly appeared somewhere. Nilingon ko siya at nakitang sinamaan niya ng tingin ang kambal.
Napailing na lang ako nang may giyera na namang naganap. Palagi na lang nagbabangayan ang dalawa kaya nasanay na ako. Palagi ko namang sinusuway ang mga kilos nila kasi hindi na sila mga bata pero habang lumalaki ay parang may mga saltik sa utak kung magbangayan.
And there, Vian just shrugged and didn't mind her brother and sister. She's just cool in every thing. Ngumiti lang siya ng nakakaloko sa'kin bago muling ibinalik ang atensyon sa cellphone.
Ibinalik ko na rin ang tingin sa gagawin. Another report from my other business.
I am now handling one of the most known hospital here in the Philippines, the Diadionne Hospital that was owned before by Demin. Sabi niya naman dati ay papalit palit sila ni Amber sa paghawak ng hospital pero siya pa rin ang totoong may ari noon dahil hindi lubos na tinanggap ni Amber ang hospital kahit na ipinangalan nito sa kambal namin. Demin passed the decency of the hospital to my name and now I owned it.
*
"Dadalo ka ba mamaya sa selebrasyon ng mga Zavanda, Anak?"
"Yes, Ma. Napangakuan ko na kasi sina Amby at Demin noong nakaraan." I said to her. Simula pa noon ay sinubukan kong tawagin si Sereal na Mama dahil iyon ang tama. Payag naman na siya dahil hindi na siya bumabata para tawagin ko siya sa kanyang pangalan. Isa pa ay siya ang ina ko, kailangan ko siyang respetuhin.
Unti unti nang pumuputi ang buhok niya pero dahil siya ang ina ko ay napapanatili niyang maganda ang katawan niya. It's in our genes that we can still look young even if we age but then my mother's look now is slowly pulling down to her age. She's no longer a young looking mother but still she's beautiful. No one can deny that.
BINABASA MO ANG
Her Sacrifices (COMPLETED)
RomanceEvery sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo Highest rank achieved #1 in Child Highest rank achieved #3 in Sick Highest rank achieved #10 in Twind Hi...