Chapter 32

5.2K 130 22
                                    

Mamili

Neo's POV

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko kay Sereal habang hinahaplos ang buhok niya. Kasalukuyan siyang nakahiga hospital bed niya. Laking pasasalamat naming nagising na siya kahapon lamang. Hindi ko maipaliwanag ang tuwa na naramdaman ko sa mga oras na iyon.

Nang magtanong sa'kin si Amber tungkol sa kalagayan ni Sereal ay hindi ko nasabi dahil narin saiguro sa nasasabik akong makasama siya. Bihira na lang kasi kami kung magkita.

Ngumiti siya ng marahan at ngumuso-nguso. "A little bit. Akala ko namatay na ako though I wish I really did."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wish? Gusto mo tutohanin ko?"

"Pwede?"

Napaigik siya ng kurutin ko ng mariin ang ilong niya. Umakto siyang para bang katapusan niya na ng mamula iyon. Umangat ang gilid ng labi ko.

"Tss. Napakasensitibo mo talaga. Gusto mo palang mamatay ah? Eh kung saktan kaya kita ng mas malala pa diyan?" Pananakot ko.

"No! You don't have the rights to hurt me, Neolardo!" Sigaw niya na para bang tuturtyorin ko siya. Dinuro niya pa ako pero ng makita ang matalim ko paring titig ay pasimple niyang binaba ang kamay at sumipol na parang isang adik sa kalye.

Humalakhak ako at dumukwang upang halikan siya sa noo. Bahagya akong lumayo at kumuha ng monobloc chair saka tinabi sa kama niya. "Wag mo na kaming takutin ng ganun ulit, ha? Masyado mo kaming pinag-alala."

Umamo ang kanyang mukha at umiwas ng tingin sa'kin. "S-sorry... medyo lasing kasi ako at hindi ko naman ginusto na maaksidente. Hindi ko lang kasi gustong makasama si Demin ng malapitan but still meron talagang parte sa puso ko na gustong gusto siya makasama kahit anong gawin kong pag-iwas. N-nasasaktan ako, Neo. Lalo na't pinagmukha niya sa'kin na he's already married at may a-anak na..." dumaloy ng sunod sunod ang kanyang luha. Nalukot ang kanyang mukha dala sa pagpipigil na mapahagulgol.

Kumuyom ang kamao ko at nanliit ang mga mata.

"Putanginang gago siya." Malutong kong mura. Kung nandito lang ang gago na 'yon, mapapatay ko talaga siya!

"I thought the woman was just his girlfriend. I thought he was just doing those to make me jealous and so I am playing along with him. Akala ko sinasakyan ko lang ang pagpapanggap niya pero naiwan na pala ako kasi tutohanan na. Nag mukha akong tanga at assumera. Oh Neo, pray for me not to rot in hell for he made me his mistress that I didn't even know! Matagal na pala siyang may asawa. Bakit ko ba siya sinagot noon? Nangaliwa pala siya at ako ang minalas. Did he ever loved me? Or did he just played with my feelings? Shit, Neo! Ang sakit! What a fucking life! Ang sabi niya pa ay isa siyang bakla! My God! Did anyone put a bomb on my brain? Kasi sumabog na ang utak ko eh!" hesterikal niyang kwento na ginagalaw pa ang kamay na para bang ginuguhit ang bawat salita. Nanlalaki pa ang mga mata.

Napahilamos ako ng mukha. Pati ako naguguluhan na. Pilit kong pinagdugtong dugtong ang kinuwento niya pero hindi ako makabuo ng tamang imahe. Napaka misteryuso.

Tsk. Kung sino man ang asawa ng Demin na iyon napakamalas ng babaeng 'yon.

"Tahan na. I already told you to forget him, right? Pero hindi mo ginawa." Inabot ko ang kanyang pisngi at pinunasan ang mukha niyang halos basang basa na ng luha. Galit man ako ay napaisip ako na hindi ito ang tamang oras para sakyan ang emosyong gustong kumuwala sa akin. "Nandito lang ako. Hindi kita pababayaan. Mahal na mahal kita."

Humikbi siya at bahagyang ngumiti. "Thank you, Neo, for being there by my side whenever I feel like dying and for everything. I love you, too."

Ngumiti ako. Bigla ko tuloy naisip si Amber. Ang Amber ko. Nasan kaya 'yon? Gustong gusto ko na talaga siyang makasama. Namiss ko ang yakap niya, ngiti, pagtawa... lahat.

Her Sacrifices (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon