Chapter 9

5.6K 125 7
                                    

Kompleto (part 4)

Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang cellphone ko.

Neo:

Hi, Amber!

Sumimangot ako nang ganoon na text ang natanggap ko galing sa kanya pero hindi ko mapigilang mapangiti.

Me:

Hi! It's so nice of you 😐

Neo:

Huh? What's with the emoji?

I rolled my eyes. Hindi ata alam kung kailan maging sweet.

Me:

Nothing 😑

Neo:

May ginawa ba ako Amby?

Halos ibato ko ang cellphone ko nang mabasa ang pangalan na 'yon. Tumirik ang mga mata ko at inis na tumipa ng sagot.

Me:

WTF, Neo? WTF. Amby? Are you crazy?😬

Neo:

Uh-oh... anong ginawa ko?

Me:

Hindi mo alam?

Neo:

Nope.

"Ugh!" Mainit na nga ang ulo ko kagabi hindi dahil may lagnat ako kundi dahil inasar na naman ako ng leche kong kambal.

Me:

You just called me Amby!😠

Neo:

Ha? Eh ano ngayon?

Me:

I don't want you to call me by that name again!

Neo:

Bakit naman?

Napasabunot ako sa'king buhok at pabagsak na hiniga ang katawan sa kama. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago muling tumipa ng text.

Me:

Nakalimutan mo atang pangalan iyan ng kakambal ko 😒

Neo:

Oh, sorry Amber. Nakalimutan ko, hindi na mauulit. Malapit lang kasi ang Amber sa Amby eh hehe. Bakit mainit ata ang ulo ng Amber ko?

"Psshh... ano to? Lambingan sa text Neo?" Wala sa sariling banggit ko at pigil na ngumiti. Bigla atang lumamig ang ulo ko na kanina lang ay maiinit.

Me:

Wala ako sa mood.

Neo:

Hindi ibig sabihin na wala ka sa mood ay pati ako na damay niyan?

Me:

Malamang😑

Neo:

Huhu bad ka! Ke aga-aga ay inaaway mo ako!

What the?...

Is this his other side? 'Di ko alam to ah!

Three weeks na mula noong sinagot ko si Neo. At sa tatlong linggo na iyon ay ramdam ko ang pagmamahal niya sa'kin ngunit minsan lang siya sweet sa'kin. I may be a typical girl that wanted her man to be like what I read in romance novel, sapat na sa'kin ang mga pinaramdam ni Neo. Walang labis ngunit may kaunting kulang lang ako na hinahanap sa paraan na hindi niya maibigay.

Her Sacrifices (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon