Epilogue

11.4K 203 58
                                    


Wakas

Amber's POV

Years ago...

My vision is back.

Umabot ng tatlong taon upang makahanap ako ng matinong donor para sa mga mata ko. Hindi natuloy ang operasyon noong makabalik ako ng France dahil umatras ang dapat na eye donor ko. I was very depressed that time kaya bumalik na naman ang sakit kong schizotypal personality disorder. Sobra akong nahirapan sa mga oras na 'yon na halos hindi ko na alam ang gagawin. Nagamot ko ulit ang sakit kong iyon pero hindi pa ako lubusang maayos. I still have my interviews with my therapist. Pagkatapos noong nakaraang buwan lang ay sobrang saya ko dahil may eye donor na ako... pero si Demin pala. Hindi ko nga alam na match pala kami para rito.

He wants to sacrifice his own vision for me. Sa una ay ayaw kong tanggapin ang gusto niyang mangyari pero nagpumilit siya. Hindi ko alam kung ilang beses kong iniyakan iyon bago ko tinanggap. And just like that, my vision is back pero si Demin naman ang nawalan ng paningin. Kaya pursigido ako ngayon na makahanap ng eye donor para sa kanya. Gusto ko ang kaibigan kong si Charm ang mag-oopera para maging matagumpay ang operasyon tulad ng ginawa niya sa akin. I am very much thankful to my bestfriensd. She did her best as my eye surgeon.

Inayos ko ang malaking itim na shades na suot ko at itinali ang mahaba ko nang buhok. I am wearing a black and white fashion dress. Inilagay ko ang magkabilang kamay sa bulsa at tahimik na sinusundan ng tingin ang babaeng kanina ko pang hinihintay na lumabas sa cake shop. Nang matapos na siguro siya ay inihakbang ko ang mga paa upang lapitan siya ng makalabas mula sa  shop. Ang akala ko ay may dala siyang kotse pero wala. Naglakad lakad lang siya at ako naman ay nasa likuran lamang niya, nakasunod.

She stopped. I don't know why but I know she felt that someone is following her. I stop too, not planning to hide. She didn't even look back. Muli siyang naglakad at sa kalagitnaan ng papalubog na araw ay muli siyang huminto sa hindi kataong lugar. Malapit na sa Village.

"Whoever you are, stop following me." Mariin niyang sinabi ng hindi lumilingon.

Hindi ako nagsalita. Humakbang ako papalapit sa kanya at sa gulat ko ay mabalis siyang humarap sa akin na may hawak ng maliit na kutsilyo. Nakasentro niyang hinagis iyon malapit sa leeg ko at sa kaba ko'y muntik na akong madaplisan kung hindi lang ako nakaiwas.

Shit!

"Fuck you, Amby! Papatayin mo ba ako?!" I cursed as I took off my sunglasses.

Ang natatakot niyang mga mata ay nanlaki ng makita niya ako.

"Amber?! H-how did you-- I mean why are you here?!" gulat na gulat niyang sabi. Hindi ako umimik at hinaklit na lang siya sa braso hanggang makarating kami sa bahay ng magulang namin.

Binitawan ko siya at sumalampak ng upo sa couch. Hindi pa rin siya makapaniwalang tumitig sa akin.

"Don't just keep your mouth shut, Amber. Speak. I want to hear your explanation." Maawtoridad niyang sabi na parang boss ko lang. We're twins but I am older than her... for like a minutes only.

Umupo siya sa kabilang couch na nakahalukipkip. Hindi na siya nagulat na nakakakita na ako dahil alam naman na niya. Ang ikinagulat niya ay ang presensiya ko na hindi siya nasabihan.

"I am here because I need your help, Amby. I want to pret--"

"Wait a second," she raised her forefinger to stop me. Sinuri niya ang kabuoan ko. "Why the heck do we look so... really really alike, now? Magkamukha na nga tayo pati sa pananamit at pag-ayos ng buhok ay parehong pareho na tayo. 'Wag mong sabihin na ginagaya mo ako." Tinuro niya pa ang sarili.

Her Sacrifices (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon