Love birds
Hell... it's been a week. Noong nakaraang gabi ay hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya dahil doon sa party ng mga Elvandro. Pinagkamalan ba naman akong si Miss Insteal?! Ugh! Oh, Charm loves playing that kind of scene. I hate that I love it.
Palagi ko na lang pinagmamasdan ang aking anak at si Neo ng patago. Gustong gusto ko mang lumapit sa kanila ay 'di ko magawa. Dahil hindi pa siguro ito ang tamang oras o baka takot lang talaga ako?
Ano ba talaga, Amber?! Tumino ka nga!
"Ma'am, may--"
"Stop it, Ria. You're giving me headaches. Now, get out!" I shouted at my assistant.
I'm not really as good as every one thinks of me. Lahat tayo ay may tinatagong kademonyohan sa loob.
Tumungo siya at naglakad palabas ng office ko rito sa Hospital. I'm the owner of Diadionne Hospital that was name after my twins. I came here sometimes to visit the facilities and goods if there were problem or just needing some more projects or a problem of patients to the Doctors and Nurses.
Wala ako sa mood ngayon kaya padabog akong lumabas ng opisina ko at agad na tumungo sa condo ko.
Sumalampak ako sa kama saka ko pinahinga ang aking katawan. I'm too stress so I need to rest.
*
Patago kong pinagmamasdan ang aking kambal na anak na naglalaro sa playground. Marami silang kalaro na nagpangiti sa akin. Iniwan sila kanina rito ni Neo para makapaglaro, may tagapag-alaga naman sila kaya walang problema iyon sa akin.My legs are not comfortable in my position. Kaya parang may utak ang aking mga paa at kusa itong naglakad papasok ng playground. I sat on one of the benches here and let my eyes twinkled to what I'm watching. Habang naglalaro sila ay biglang nadapa ang anak kong si Dianne at umiyak. Tatayo na sana ako nang lapitan ito ng kakambal niyang si Dionne at pinatahan.
Bumaling ako sa tagabantay ng aking anak. Nagtagis ang bagang ko ng makita ko itong nawili sa cellphone na mukhang may ka-text. Oh, how I love to slap her face! Hindi niya dapat pinapabayaan ang anak ko!
Nang sumapit ang gabi ay inaya na ng Yaya nila na umuwi na sa bahay nila kaya sinundan ko sila. Nang makarating sila sa bahay ay agad namang iniwan ng gagang tagabantay ang anak ko sa loob at iniwan nang hindi pa nakauwi si Neo.
Kumulo ang dugo. May oras din sa'kin 'yong babae na 'yon! Neo is so stupid to let that woman handled the twins!
My foot suddenly twitched. Hindi ko alam pero natagpuan ko ang sarili kong papalapit sa bahay nila Neo. I got cold feet when I reach their sharp string wooden gate. Kakatok na sana ako nang may narinig akong yabag ng mga paa na papalapit sa direksyon ko. Taranta akong tumalikod at nagtago sa medyo madilim na gilid.
Then I saw him again... with a woman in his side. Sabay sila noong Sereal na pumasok sa loob ng bahay pero panandalian lamang ang paghihintay ko rito dahil lumabas din naman agad ang dalawa. I grip my shirt on my chest as I watch them hugging each other and telling their goodbyes that made me felt the prick. If I were just that woman... I will be the happiest but then I'm not. Napakaswerte niya, napakaswerte ni Sereal.
Nang makaalis na si Sereal ay dali dali akong naglakad patungo sa gate nila.
"Neo, wait." Kumabog ang dibdib ko sa kaba.
Papasok na sana siya sa loob nang gulat siyang lumingon sa akin na nanlalaki ang mga mata.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" pabulong na pagalit na boses niyang saad.
"I-I just want to talk with you." I stuttered.
He clenched his fist as he look back at their door before getting back his eyes on me. Lumabas siya ng gate at hinila niya ako palayo roon. I think we stopped seven meters away from their house.
"Hindi mo ba talaga ako titigilan, ha?" tumiim bagang siya.
"I won't." Lakas loob kong giit.
Napahilot siya ng sentido sa inis.
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"
Tumaas ang kilay ko. "Nakalimutan mo atang may--"
"Na may kaya ka?" he cut me. "Na mapera ka? Na ang yaman mo? Kaya ganoon na lang kadali ang lahat para sa'yo?" sarkastikong niyang sabi.
Lumamlam ang aking mga mata at umiwas ng tingin.
"That's not what I meant. Gusto ko lang naman makita ang mga anak ko, Neo. Kahit sa malayo manlang ay mapagmasdan ko sila."
He sarcastically laugh again.
"Kailang ulit ko bang sasabihin sa'yo na wala ka nang anak!" he exclaimed.
Bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya kahit ilang ulit ko na iyon narinig. It still hurts.
"Hindi! Sinasabi mo lang 'yan dahil para sa iyo ay pinatay mo na ang ala-ala ko sa buhay mo! Pero huwag mong ipagkait sa'kin ang karapatan ko sa mga anak ko, Neo!" hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng emosyon ko. "Dugo ko ang nananalaytay sa mga ugat nila at ako ang nagbigay ng buhay!" my tears started to fall.
"Ang kapal mo, Amber! Alam mo ba 'yon? Pinagmumukha mo ngayon sa'kin na ikaw ang nagbigay sa kanila ng buhay pero ikaw rin mismo ang pumatay noon- ang pagiging ina mo!" nanlilisik ang kanyang mga mata.
"Oo na! Pero ang gusto ko lang ay huwag mong ipagkait sa akin ang mga anak ko!" I sob between my tears.
Kung noon ay natataranta siya kapag nakikita akong umiiyak ay iba na ngayon, tila wala siyang pakialam sa akin. Na tila ba'y isa na lamang akong nakaraan sa kanyang buhay na kinalimutan na.
Marahas siyang humugot ng malalim na hininga.
"Kung ano ang gusto ko ay iyon ang masusunod. Akala mo--"
Naputol ang kanyang dapat na sasabihin sa akin nang may sumigaw galing sa itaas ng bahay nitong tinatayuan namin sa bintana. Sabay kaming lumingon doon.
Literal na huminto ang pagbubos ng aking luha.
"Hoy! Mga putangina! Magsilayas kayo rito sa labas ng bahay namin! Nasa kalagitnaan ng gabi ay may pa LQ-LQ kayong nalalaman mga putangina niyong lovebirds!" sigaw ng ale.
Oo, tangina po talaga! Kita naman na nag momoment kami rito, e! Naki-extra ka pa!
BINABASA MO ANG
Her Sacrifices (COMPLETED)
RomanceEvery sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo Highest rank achieved #1 in Child Highest rank achieved #3 in Sick Highest rank achieved #10 in Twind Hi...