Chapter 5

7.5K 176 7
                                    

Sana

Neo's POV

Madami akong binili na mga damit at gamit para sa kambal. Nag grocery pa ako at dinami ko ito dahil kakatapos lang ng buwan kaya swelduhan. Sigurado akong matutuwa sina Dianne at Dionne nito.

Tumunog ang cellphone ko sa bulsa.

0956664****....

Kumunot ang noo ko dahil Unregistered number. Sino naman kaya ito. Pero sinagot ko parin.

"Hello? Sino ito?" I asked.

-"N-neo si Amber ito. Pwede ba tayong mag--"-

Walang pasubaling pinatay ko ang linya. Tsk. Siya lang pala. At kanino niya naman nakuha ang numero ko? Ah... meron pala iyon mga koneksyon. Tss...

Ibabalik ko na sana sa bulsa ang telepono ko nang sunod sunod itong nag vibrate.

Amber:

Ouch! You cut the call, Neo😢

Mahilig parin ito mag-emote sa text hanggang ngayon? Really?

Amber:

May sasabihin lang naman ako e.☺

Amber:

Tumawag kasi ako dahil may sasabihin akong importante. I'll call you again.

Indeed. Pagka-ring ulit nito dahil sa pagtawag niya ay agad kong pinatay. Hindi ko alam pero napangisi ako. Wala naman akong balak mag reply.

Amber:

Huhu Neo naman eh! Just answer your phone😭 promise, this is really important.

Ano bang importante ang sasabihin niya?

Amber:

Ayaw mo ba talaga akong makausap?😯

Ayaw talaga. Tsk! Ang kulit mo!

Amber:

Okay okay. I understand. Maybe next time😔

Tila ba'y alam niya ang nasa utak ko kaya iyon ang huli niyang minsahe.

Binaliwala ko nalamang iyon tsaka binulsa. Bitbit-bitbit ko ang mga pinamili ko habang papalabas ng mall. Mag-jejeep sana ako pero huli na napansin kong marami pala ang mga dala ko. Bakit ko ba nakalimutan?

Habang pumapara ako ng taxi ay may nahagip ang mga mata kong hindi ko inasahan.

Si Amber... may kasama itong lalake at... hinalikan ito malapit sa bibig sa hindi kalayuan.

Biglang tumaas ang dugo ko at napahigpit ang mga kapit ko sa mga paper bag na dala ko.

Damn her!

Amber's  POV

"Ang boung pangalan niya ho ay Arlyn Isade Rios. Nagmula po siya sa isa sa pinakamayamang angkan dito sa pilipinas at maimpluwensiya ang kanilang pamilya. Ang kanyang ama ay negosyante habang ang kanyang ina ay isang abogada. May dalawa itong kapatid na may sarili na ring mga pamilya. Noong bata pa siya ay lumaki siya sa England at noong tumuntong sa kolehiyo ay napagdesisyunang dito na sa Pinas tumira--"

"Stop right there. Too much information about her. Nakakarindi." I said in irritation.

"Sige ho Ma'am. Iiwan ko lang dito ang mga papeles tungkol kay Ms. Rios." Tumayo na ang imbistigador ko at umalis.

Ugh! Thanks to him. Ang gagaling talaga pumili ng Imbistigador ang kaibigan ko. As always... me and my friends, shared the same excellent private investigator.

I am known as a good girl. 'Yon ang inaakala ng lahat.

Pero syempre, nasa loob ang kulo ko.

Pagkatapos ko kasing makipag meet doon sa kaibigan kong Parisian na sana ay si Neo, dumeritso agad ako dito sa hospital.

Pinatitigan ko muna ang mga papeles na iniwan ng imbistigador bago ko walang pagdadalawang isip na padabog itong tinapon sa trash bin. Tss... ano bang pakialam ko sa babaeng iyon. As if naman magpapakabog ako kung anong mayroon siya.

Lumabas ako ng opisina ko bago naglakad lakad sa hallway para mahimasmasan. Pumunta ako sa building kung saan naka-confine karamihan sa mga pasyente dito.

Sobra na akong nainip kaya naiisipan kong kunin ang cellphone ko tsaka haluglugin ang mga pictures sa gallery ko. A smile crept on my face as I watch the stolen photos of my twins that I got. Merong naka side view ang dalawa, may naka upo, nakatalikod, naglalaro at nagtatawanan. Para akong baliw dito na malaki ang ngiti sa labi. How it hurts seeing them happy without me. Kung iisipin ay isa akong dakilang stalker na ina sa kanyang sariling mga anak.

Napahinto ako nang may nahigip ang aking mga mata sa isang pamilyar na tao.

Wait... si Charm 'yon ah? On duty siya ngayon? Nagkibit balikat nalamang ako pero dumalaw sa sa'kin ang kuryusidad kaya noong makapasok si Charm sa patients room ay sumilip ako ng kaunti doon at boom!

Get along with your husband, te!

Teka bakit nga ba na-ospital ang asawa nito? At siya pa talaga ang naging doctor ah?!

Something fishy!

*

Pinatay ko ang makina ng kotse ko sa 'di kalayuan sa bahay nila Neo. Parang biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Bumaba ako at dahan dahang naglakad putungo doon. Hindi ko alam pero parang may tumutulak talaga sakin. Bawat hakbang ko ay parang sumisikip ang dibdib ko na para bang may mali na parang hindi. Pakiramdam ko pa nga ay parang may nagmamasid saakin.

Magulo ba? Oo. Kasing gulo ng utak ko!

Nang makatungtong ako sa harapan ng kanilang gate ay kakatok na sana ako ngunit nabato ako sa'king kinatatayuan.

"YES! yes na yes, Neo! I'm willing to be your girlfriend." Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Sereal.

At ano kamo?

Girlfriend?

Wait... what's happening inside? Kahit dito sa labas ay rinig na rinig ko.

Literal na nanigas ang katawan ko sa susunod na narinig.

"YES! Thank you, Sereal! Pangako, hinding hindi ka magsising sinagot mo ako. Papatunayan ko sayo kung gaano kita kamahal..." That was Neo's voice.

Pangako.

'Yon ang katagang palagi kong naririnig sa kanya noon. Kampanti akong matutupad niya iyon pero ako mismo ang sumira nun.

Parang may sumaksak ng daan daang mga kutsilyo sa dibdib ko at para itong sariwang dinurog ng husto. Hindi pa pala tapos dahil ang kasunod na narinig ko ay halos minanhid na talaga ang puso ko.

"Yehey! May Mama na kami!" My twins voice echoed right into my numb ears through my painful heart.

Nag-ulap ang aking paningin. D-damn. Kahit ganun lang iyon ay para akong pinagsasampal ng katutuhanan. Na hindi na ito gaya ng dati, na wala na ako, na para bang hindi ako nangyari. Ang sakit... ang sakit, sakit.

Ang saya saya nila habang ako dito ay wasak na wasak.

Akala ko...

May pag-asa pa ako.

Pero akala lang pala iyun.

Dahil ang totoo ay isa akong talunan.

Isa isang pumatak ang mga luha ko at wala sa sariling tumalikod paalis.

Kung kailan na magtatapat na sana ako ay naganap pa ito.

Her Sacrifices (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon