Chapter 38

4.2K 103 37
                                    


*

Sobrang saya ko. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang nadarama ko ngayon. Ang pakiramdam na tinatawag na akong Mama ng dalawa ay para akong nakalutang sa ere bawat pagbigkas nila ng katagang iyon. Hindi ko alam kung paano ipinaliwanag ni Neo ang tungkol sa akin sa mga bata pero pakiramdam ko ay dinahan dahan niya para hindi mabigla. Ang loko, tinawan pa talaga ako ng makitang umiiyak ako sa tuwa. Ready pa ang panyo niya kanina, ah? Siya pa nagpunas ng mga luha ko na para bang inaasahan niya na maiiyak talaga ako.

Damn. Napailing ako sa naisip at pinigilang matawa sa inasta ko kanina. Ghad, I looked like a crazy woman crying in joy that moment.

The twins already fell asleep as I closed their door behind me. Maglalakad na sana ako papunta sa kwarto namin ni Neo ng tumunog ang cellphone ko.

Demin:

Have a goodnight sleep, wife. Buti na lang at nakatulog na si Vian. Namumugto na kasi ang mga mata niya kakaiyak kanina.

Napakagat ako ng labi. Ang kaninang masayang pakiramdam ay napalitan ng lungkot. Shit.

Ako:

😷😥😥

Demin:

Don't you have anything to say?

Ako:

Para akong magkakasakit, Demin. I'm happy right now but then every time na iisipin ko si Vian... ang sakit.
May pinapasaya akong anak dito habang si Vian... lungkot ang binibigay ko. I'm such a failure right? Honestly, I don't know how to balance our situation.😖

Demin:

Better don't stress yourself on this, wife. Ako na ang bahala sa anak natin.

I was about to write a reply for Demin ng may nagsalita sa harapan ko. Muntik ko pang mabitawan ang phone ko nang makita ang seryusong mukha ng kaharap ko.

"Amber..." Sereal's serious face made me stiffened. She looked down at my phone kaya nagmadali akong itago iyon sa bulsa ko. Kinabahan ako roon. Binalik niya ang tingin sa 'kin at napapantastikuhang umiling. "Follow me at the library."

"W-why?"

"We will talk."

Naguguluhan man ay sumunod ako sa likuran niya hanggang pumasok kami sa isang silid na napapaligiran ng mga libro. Ito nga ang library na sinasabi niya pero kahit sa laki nito ay nagmumukhang opisina dahil may lamesa sa dulo, umupo siya sa swivel chair. She signalled me to sit on the visitor's chair and so I did.

"Why do you want us to talk?" I asked. Gusto ko mang banggitin ang pangalan niya ay naasiwa na ako dahil sa kaalamang ina siya ni Neo.

"Do you want to know my story? Kung paano ko naging anak si Neo?"

I nodded, interested. Ghad, this is my chance to know the truth behind.

"Guess first kung ilang taon na ako,"

"26? 27? Mukhang magkaedad lang kasi tayo."

I saw her rolled her eyes. "Tanga ka ba? Hindi ko magiging anak si Neolardo kung pareho tayo ng edad. You're in the same age as him."

Bahagya akong nagulat sa inasta niya. Kung noon ay sanay ako na maanghang siyang magsalita sa 'kin, ngayon ay naninibago ako.

"I'm not stupid. Pinapahula mo ako kung ilang taon ka na, syempre sasabihin ko lang kung ano ang iniisip ko. Malay ko ba kung stepmom ka lang niya?"

Her Sacrifices (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon