Chapter 31

6.2K 119 4
                                    

Ako muna

Hinihingal na pumasok si Neo kasama ang kambal sa hospital. Ang mismong hospital na pagmamay-ari namin ni Demin. Kanina ay ginising ni Neo si Dianne para sabay kaming apat na tumungo dito. Ang sobrang pag-alaala sa mga mata ni Neo ng dahil sa nalaman ay katumbas nun ang munting kirot na tumurok sa dibdib ko.

Oh shut that crazy pain, Amber! Wag mong pagselosan ang isang tao na nanganganib ang buhay ngayon! Not this time! Wag kang mag selos ngayon!

Iniling ko ang ulo para iwala ang pagtatalo ng utak ko sa'king emosyon. Narito lamang ako sa kanilang likuran, sumusunod na parang walang buhay. Pareho nang umiiyak ang kambal habang hawak hawak ni Neo sa magkabilang kamay. Tumungo sila sa information desk.

"M-may pangalan po bang Sereal Isade Rios rito?" Neo asked to the guy who's on duty. Hinihingal pa sa kaba.

"Yes, sir. Ako nga po pala ang tumawag sa inyo dahil iyon po ang nakalagay sa recent calls sa telepono ng pasyente. Na sa Emergency Room po ang pasyente." Iminuwestra ng lalake ang daan patungo sa ER kahit alam naman ni Neo. Hindi na nagpaligoy ligoy pa si Neo at tumakbo na roon kasama ang kambal.

Ako naman ay pilit na kinakalma ang sarili. Maliliit na hakbang ang ginawa ko hanggang sa makilala ako ng lalakeng pinagtanungan ni Neo bago bago lang.

"Good evening po, Ma'am Amber! Buti po napadalaw kayo." Magalang niyang bati. Tumango lamang ako sa kanya at muli sanang hahakbang nang may maalala.

"Wait, did Demintri Folacuer visited here?" tanong ko sa kanya. As if naman bibisita rito si Demin?

Tumango siya, "Yes, ma'am. Actually po na sa labas po siya ng ER ngayon. Siya po ang nagdala rito sa pasyenteng nangangalang Sereal."

"What? Oh! He's here," nagpasalamat ako bago umalis papunta sa ER. Nandito pala siya, at least I could talk to him about the problem right now.

But I stop midstep when I fully realized what the guy has said. My heart suddenly started pounding hard. Napakurap kurap ako.

A-anong ginagawa ni Demin dito ng ganitong oras? At siya ang nagdala rito kay Sereal? Kilala niya ba si Sereal? At nasa labas siya ng ER! Neo is there too!

Easy ka nga lang Amber! Kung magkita man sila ni Neo, wala lang siguro diba? Hindi naman alam ni Neo ang tungkol sa inyo ni Demin.

Humugot ako ng malalim na hininga para ikalma ang sarili. Yeah, that's right, Amber. Don't panic.

*

"Putangina! Gago ka! Anong ginawa mo kay Sereal?! Ha?!"

Natulos ako sa'king kinatatayuan ng makitang hawak hawak ngayon ni Neo sa kwelyo si Demin. Nanlilisik at puno ng bagsik ang mga mata ni Neo na animo'y kayang pumatay ng tao. Habang si Demin naman ay nagtatagis ang bagang at hawak ang kamay ni Neo na nasa kanyang kwelyo, pilit na inaalis. Pero mas hinigpitan lamang iyon ni Neo. Ang kambal ay walang magawa kundi panuorin ang ama at umiyak lang ng umiyak.

Nakaramdam ako ng biglaang takot. What's happening in here?! Bakit sinisisisi ni Neo si Demin sa nangyari kay Sereal?!

"Don't blame me on this, Querino! It wasn't my fault! It was an accident!" Demin defended himself.

"Anong aksidente?! Sinadya mong ibangga ang kotse niya!"

"I was there! I was about to bring her home pero bigla niyang pinakialaman ang manibela kaya kami nabangga!"

"At ano?! Siya lang ang napurohan?! Mapapatay talaga kitang gago ka!"

"Sige! Gawin mo!"

Hahakbang na sana ako para awatin sila ng biglang nanlabo ang paningin ko. Tinukod ko ang kamay ng may makapang railing at sinapo ang ulo. I blink numerous times until I open my eyes and there is nothing I can see, only a black image that has a white narrow line in between. Pumikit muli ako ng mariin at pilit na nilabanan ang takot. I gritted my teeth.

Her Sacrifices (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon