Amber
"Kailan mo pa balak na sabihin sa 'kin ang totoo?" matigas na boses ang umalingawngaw sa'king tenga.
Dumudungaw ang luha sa'king mata habang hindi namamalayan na kinakagat ang kuko sa kaba. Hindi matigil ang puso ko sa pagkabog kahit anong gawing pagpakalma ko sa'king sarili.
We left the Park with no any explanation that I must have done that time. Vian was with her new nanny that's why she was there. According to her nanny, Vian was about to have fun when she saw me and ran to our direction. Kaya ay nakita kong tarantang tumakbo ang yaya nito at doon nga ay ipinaliwanag niya kung bakit sila naroon at nasa kalagitnaan daw ng board meeting si Demin kaya hindi nito nasamahan ang anak na pinangakuang ipapasyal.
Nandito kami ngayon sa maliit na bahay ni Neo. Dito niya ako dinala pagkatapos ng mahabang katahimikan ang namagitan kanina. Inuwi niya muna ang naguguluhang kambal sa mansyon at si Vian naman ay pinahatid ko ng maayos sa Yaya nito.
He's facing the window while I'm right here facing his back. I don't know what to do. Hindi kailanman ako naging handa na dumating ang araw na 'to.
"I-I'm so... so sorry, Neo..." I looked down to the floor. I cannot manage the heaviness I'm feeling right at this moment.
"Sorry? Sorry na naman? Nakakasawa nang pakinggan yan Amber! Paulit-ulit ulit-ulit nalang." Mariing bigkas niya. "Hindi mo alam ang pakiramdam na ginagago ka na nga pero binabaliwala mo lang kasi ang sakit isipin at damdamin."
"I-I know you already knew my secret but not everything, Neo. Not everything. A-and I want you to know that it's hard to blunt the truth."
I heard him chuckled bitterly, "Anong mahirap sa pagsabi ng katutohanan? Saang parte ka nahihirapang aminin, ha, Amber? Sabihin mo, saan?!"
Napasinghap ako sabay napatalon sa gulat ng sumigaw siya. Inangat ko ang tingin at sinalubong ang nanlilisik niyang mga matang hinarap na ako at taas baba ang dibdib dahil sa mabilis niyang paghinga.
"Sa p-parteng alam kong m-masasaktan kita kaya pinili kong itago nalang muna sa'yo ito, Neo..." namamaos kong sabi.
"Bullshit! Matagal mo nang pinaranas sa'kin kung paanong masaktan ng lubos, Amber! Anong pinagkaiba niyan ngayon kung sasabihin mo? Sanay na ako sa sakit na dinudulot mo. Simula ng bumalik ka ulit sa amin, araw-araw mo na akong pinagmumukhang tanga."
"It wasn't my intention to hurt you in the first place but-"
"Ah ganun? Hindi mo intensyon na saktan ako sa una? Eh paano naman ang kalalabasan? Hindi mo ba 'yon naisip? Dahil kitang kita naman sa una palang ay masasaktan mo na kami! Anong klaseng pag-iisip ang mayro'n ka?"
"Kaya nga iniiwasan ko 'yan! Natatakot ako, Neo! Natatakot ako sa magiging reaksyon mo... natatakot ako na kapag malaman mo na ang lahat ay baka ikaw na mismo ang lalayo sa akin..."
"Bakit? Ano pa ba'ng ibang sekreto mo bukod sa may anak ka at may asawa na? Ano pa ang kailangan kong malaman, ha?" his voice is like a dripping acid. Umigting ang panga niya.
Tumulo ang mainit kong luha sa gilid ng aking mga mata. Napatikom ang labi ko sa tanong niya. Iba parin pala kapag galing sa bibig niya lumabas. Ramdam ko ang sakit at galit na humalo roon. Kung nasasaktan siya ay mas triple ang nararamdaman ko. I feel like I'm being tortured every second passed.
I promised myself that I would tell him the truth if this day comes but not prepared at all. Pero bakit... bakit ang hirap ibukas ngayon ang bibig ko?
"Hindi ka ngayon makapagsalita?"
I swallowed hard. Nagsasalita na sa utak ko ang totoo... pero iba ang lumabas sa mga bibig ko. "M-may anak ako sa iba, Neo... hindi mo ba siya m-matatanggap?" nanginig ang labi ko.
BINABASA MO ANG
Her Sacrifices (COMPLETED)
RomanceEvery sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo Highest rank achieved #1 in Child Highest rank achieved #3 in Sick Highest rank achieved #10 in Twind Hi...