Chapter 8

6K 137 10
                                    

Clear (part 3)

Lumipas ang mga nagdaang araw
na patuloy na gumaganda ang bawat lipas ng oras ng buhay ko. At dahil iyon kay Neo. He never failed to make me smile whenever he's around. Nababaling palagi ang atensyon ko sa kanya na halos ika-baliw ng sistema ko. Parang wala na nga akong pakialam kong nagugustuhan ba ng parents ko ang mga natatanggap kong grado o ano. They only care for their names not to get ashame of, anyway.

Akalain mo ba noong tinext niya 'yong 'Work things out between the two of us' ay hindi nangyari! Feeling ko lasing iyon noong tinext niya o wala sa sarili eh! Pero bakit parang totoo?

"Hera, nasaan na 'yong libro ko sa Gynecology?" Tanong ko sa kaibigan ko nang umupo siya sa gilid ko. Lunch time namin ngayon kaya walang masyadong tao dito sa loob ng classroom. Tanging ang isang grupo lang ng kaklase naming kikay, kami ni Hera at ang Adviser ang nandirito.

"Nasa Jupiter, lumipat nga lang sa Pluto." I sense a sarcasm in her voice.

Nanliit ang mata ko sa sinagot niya. Hindi naman siya dati ganito ah. Kasi noong past few days ay lumalamig ang pakikitungo niya saakin. Namiss ko na nga ang pagiging dal-dal niya.

"Seriously Hera, where is my book? I need it later."

Naiinis siyang bumuntong hininga. "Nasa bag mo na, Amber. Pinaalam kong nilagay ko doon kanina." malamig niyang saad.

"Oh, sorry." I apologized and stood straight on my chair. Binuksan ko ang bag ko at nandoon nga.

"Alam ko namang hindi ka nakinig. Puro nalang ata Neo ang loob ng kokote mo."

Gumilid ang ulo ko sa kanya at kinunotan ng nuo. I know what she mean by those words and it makes me want to confront her.

"Hindi naman."

I heard her mocked. "Talaga lang ha? Indenial ka pa sa lagay na iyan."

Sa totoo lang, naiinis na ako. Pinipigilan ko lang!

"I'm not."

"Such a liar." She hissed.

Tumiim bagang ako at nilapag ang notebook sa loob ng bag ko. My blood is boiling in irritation and at the same time, I'm a bit mad. Why can't she just go straight on me? She's confusing me, really!

"Pwede bang deritsuhin mo ako, Hera? Nakakalito na eh. Hindi ko alam kung bakit ka naging malamig saakin. You don't even talk much like you really do. Is this about our communication? Is it about our friendship? Ano? Tell me. Huwag iyong tatahimik ka lang diyan. Hindi ako manghuhula, Hera."

Pabagsak niyang nilapag ang ballpen sa kanyang arm chair tsaka bumaling saakin na matalim ang mga titig.

"Hindi mo ba napapansin, Amber? Iyong kinababaliwan mong si Neo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito." She finally said. I'm a bit shocked of what she said.

Paano naging si Neo ang dahilan?

"What about him? Hindi ka naman niya-- I mean, anong problema sa kanya?"

"Tsk. Stupid you. Akala ko pa naman may class kang babae. Akala ko hanggang paghanga lamang ang meron ka doon kay Neo. Alam kong may mukha na ipagmamalaki si Neo pero sa istado ng buhay niya? I don't think so." She fierce her face.

What now? This is kinda very very familiar scene in pupularity. I love reading books and base on what she said, she's making into drama. Hindi ko alam na mangyayari ito saakin!

Nilabanan ko ang titig niya saakin. This is the first time actually that she said those words and it hits me.  Hindi dahil sa istado ni Neo kundi sa sinabi niyang wala akong class at stupid. "What do you mean by that, then?"

Her Sacrifices (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon