Tili
Kumakalabog ang dibdib ko sa sobrang kaba habang nakatayong pinagmamasdan ang pinto kung nasaan ang silid ng anak kong si Dianne dito sa hospital.
Sa panaginip ko na lang palagi na buo kaming pamilya na yakap yakap ko ang kambal at si Neo. Hinahangad kong magkakatotoo ang panaginip na iyon kahit sandali lamang, kahit hindi ko iyon deserve 'cause I am nothing to them but they are everything to me. Noon, gustong gusto ko ng sumuko dahil sa lintek na problema pero paulit ulit na sumasagi sa isip ko na may babalikan pa ako pero wala na pala.
But no... hindi ako susuko. No one owns them but me... only me. Pagmamay-ari ko sila at kung sino man ang nasa buhay nila ngayon ay hinihiram nila 'yon saakin kasi sa huli ay kailangan itong ibalik sa totoong may-ari, at sa akin 'yon. Akin lamang sila.
Kakatok na sana ako pero hindi ko magawa. Ay ano ba yan, kung kailan nandito na ako ay nag-aalangan pa ako kung itutuloy ko ba. Nagpakawala ako ng hangin at pinahinga ang noo ko sa pinto at pumikit. Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon ng kambal ko. I don't like seeing them na makilala nila ako bilang isang estranghero at hindi alam kung sino talaga ako sa buhay nila. I don't wanna feel the pain again but it always--
"Aayy!!" Dahil nga nakasandal ang noo ko sa pinto ay nang bumukas ito, nawalan ako ng balanse at bumagsak ang ulo ko sa matigas na uri! May kamay na pumalibot sa bewang ko kaya agad akong nag-angat ng tingin.
My face became red when I realized na sa dibdib pala niya ako bumagsak!
Si Neo!
Dali dali akong tumayo ng maayos at ngumiti ng inosente. Taas kilay niya akong sinipat ng tingin at humalukipkip.
"Ayos ka na ba?"
"Oo." Tumatango tango ako.
"Tulog na ang mga bata. Baka gusto mong gumalaw manlang? Para ka kasing tuod diyan sa kinatatayuan mo."
Hindi ko napansin, hindi nga ako gumagalaw at hindi rin mawala ang ngiti sa labi ko. Para na akong tanga. Mahirap na ano, baka bawiin niya pa ang sinabi niya kanina.
"Ito na o." Sabi ko na ginalaw ang aking kamay at paa na parang robot.
Napailing iling lamang siya at parang may sinusupil na ngiti.
"Pasok ka."
Mahinhin akong pumasok at pinalibot ang tingin sa silid. Tamang tama lang ito para sa bata pero may kaliitan. While roaming my eyes ay dumapo ang tingin ko sa batang natutulog sa hospital bed na may katabing bata na magkayakap.
Ang kambal ko...
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Ramdam ko ang panlalamig ng aking kamay at paglilikawan ng dugo sa'king ugat habang pinagmamasdan silang payapang natutulog. My legs were shaking while walking slowly towards their direction as if the running time are fading as well as the numbers. Hindi ko akalaing nasa harapan ko na sila.
Dahil sa panghihina ay kamuntik pa akong mapaluhod nang dumampi ang kamay ko sa mukha ni Dianne at ang isa ay marahang hinahaplos ang buhok ni Dionne. My lips are quivering as my tears threaten to fall. I sob without a sound, afraid that they might awake. Naalala ko pa noong sanggol pa lamang sila na na saaking bisig at ang huling halik bago umalis. After six years of running away from them ay malaki na ang kambal ko na hindi manlang nagkaroon ng chansang masulyapan ang kanilang paglaki. Bilang isang ina, masakit, sobrang sakit na kinakailan mong magsakripisyo. Itapon ang kaligayahan mo para lang may makinabang na iba.
"H-hi Baby... Mama is here na. Mama will take care the both of you." I whispered and bent a little. Giving a soft peck on their cheeks.
Umayos ako ng tayo dahil ramdam ko ang titig ni Neo sa akin. Marahan kong pinunasan ang aking luha at binalingan siya na may ngiti sa labi, ngiti ng pasasalamat.
BINABASA MO ANG
Her Sacrifices (COMPLETED)
RomanceEvery sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo Highest rank achieved #1 in Child Highest rank achieved #3 in Sick Highest rank achieved #10 in Twind Hi...