Biro
"Hoy! Mga putangina! Magsilayas kayo rito sa labas ng bahay namin! Nasa kalagitnaan ng gabi ay may pa LQ-LQ kayong nalalaman mga putangina niyong lovebirds!" sigaw ng ale.
Oo, tangina po talaga! Kita naman na nag momoment kami rito, e! Naki-extra ka pa!
Pinunasan ko muna ang luha sa'king pisngi bago bumaling kay Neo. Wala na siya sa harapan ko dahil tumalikod na pala siya at naglakad paalis. Napaawang ang labi ko.
"Sandali!" hinabol ko siya. Medyo lumalalim na rin ang gabi kaya feel na feel ko talaga ang medyo madilim na daan dahil wala man lang poste ng ilaw rito.
"Neo, may sasabihin pa ako." Saad ko nang maabutan ko siya.
"Umuwi ka na, Amber. Tapos na tayong mag-usap." May bahid na pagtitimpi ang kanyang tuno habang patuloy parin sa paghakbang.
"Please. Last na talaga 'to. May sasabihin lamang ako at tapos na."
He didn't speak.
"Tungkol ito sa nagbabantay sa mga bata."
Hindi pa rin n'ya ako kinibo.
"Palitan mo ang nagbabantay sa kanila."
Wala pa rin.
"Magha-hire ako ng yaya para sigurado ang kaligtasan ng kambal."
Wala pa rin.
"Sino si Sereal?" pagkasabi ko noon ay napahinto siya at napalingon sa akin na naka-kunot ang noo.
Aba! Ang pangalan lang pala ng babaeng 'yon ang password! Ugh. What's with her?!
"What do you care?" he asked wryly. Paniguradong alam niya na kilala ko na ito.
"Sino siya, Neo? Sino si Sereal?"
Tumawa siya ng pagak.
"Ano ba'ng pakialam mo?"
"Wala." Umiling ako. Wala naman talaga akong pakialam dahil buhay niya iyon na hindi ako kasali. "Gusto ko lang naman malaman."
Nakita kong umangat ang gilid ng kanyang labi. "Wala naman pala, e. Kaya tumahimik ka riyan." Tumalikod siyang muli pero hinawakan ko siya sa braso ngunit winaksi n'ya iyon.
"Who is she?"
"Umuwi ka na nga, Amber!"
"Sandali muna--"
"Neo! Nakalimutan ko pala ang bag ko sa bahay mo-- oh, sorry. May kausap ka pala."
Oh, great just great. It was Sereal who suddenly appear from my back and now, she is at the side of Neo.
Sira na naman ang moment namin!
Ngayon ko lang siya nakita sa malapitan kaya sinuri ko siya mula ulo hanggang paa, ganoon din ang ginawa niya sa akin. Honestly, she's really beautiful. Maputi, makinis ang bawat parte ng balat, medyo singkit ang mga mata niyang nakakaakit na itim, shoulder length ang haba ng buhok at mukhang... mayaman? Well, hindi naman pakabog ang kagandahan ko. Kung sa kagandahan ang paligsahan ay walang makakatalo sa'kin.
"Umm, hello?"
Napabalik ako sa wisyo nang magsalita si Sereal.
"Hi," tipid kong bati. I saw Neo tensed.
"Naka-istorbo ba ako?" tila isang inosenteng dalaga itong kaharap ko. Inosente nga ba?
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi naman." Oo, nakadisturbo ka ng sobra sa'min!
Tinaasan niya rin ako ng kilay. Aba, mataray rin ang isang 'to! Eh di lumabas ang totoong kulay.
"Looks like I am." Alam mo naman pala eh, nagtanong ka pang gaga ka. "Well... get your face off here, bitch."
What did she just said?! Aba, aba!
"Sereal!" saway ni Neo.
"Really? I'm a bitch?" nag-isip ako ng peke bago humalukipkip. "I'm more better than a bitch." I smirked.
Nagtagis ang kanyang bagang at hinawi ang ilang hibla ng buhok nito sa mukha. Mukhang hindi siya magpapatalo.
"Buti alam mo."
"Alam ko naman talaga, epal ka lang."
"Yeah, right. You're one of the bitches who wants to stole this man beside me. Pwes, nagkakamali ka dahil dadaan ka muna sa mga kamay ko bago mo iyon magawa." Matapang niyang saad.
"Sereal! Tama na!"
Wait, what? Maraming umaaligid na haliparot kay Neo? God! Hanggang ngayon ay chick-magnet pa rin si Neo kahit hindi niya sinasadya?! Wow! Believe na talaga ako sa kamandag niya, kaya nga pati ako ay natuklaw, e! Ginagawa niya ba ito dahil ba akala niya ay isa ako sa mga umaaligid na babae ni Neo? Well, I'm not!
"Oh, I'm scared." Sarkastiko kong sabi. I saw Neo glared at me.
Mukhang napikon na ata siya sa'kin kaya hinawakan siya ni Neo sa braso habang hila-hila na palayo. Hinayaan ko na lamang. Napailing-iling ako. Tss... ang dali niya palang mapikon, e. Ano pa kaya sa mga susunod na araw? I'm sure... those days will be so, so, so fun.
Tatalikod na rin sana ako nang marinig ko ang sigaw niya sa'kin.
"Sino ka mang babae ka! Lubayan mo na si Neo dahil may anak na kami! We have twins and I'm his wife so you better back off!"
What the fuck?!
Ano sa tingin niya sa'kin? Tanga?! Susulpot ulit ako sa buhay ni Neo na walang kaalam-alam sa kanya? I know Neo is not married. Kung girlfriend pa siguro ay maniniwala ako pero siya, asawa?
At grabe! Ano raw? Para akong nabingi sa sinabi niya. Anak niya raw ang kambal. Anak niya raw ang anak ko? Freaking freak! Puwede ba 'yon?
Nakakatawa ang biro niya!
![](https://img.wattpad.com/cover/61496749-288-k974316.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Sacrifices (COMPLETED)
RomanceEvery sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo Highest rank achieved #1 in Child Highest rank achieved #3 in Sick Highest rank achieved #10 in Twind Hi...