Keep
Amber's POV
"Aswang?" Dionne's eyes widened when he saw me. Nakatingala ito sa akin at parang wierdo na naman kung tumingin.
"Hi there, little boy!" I happily wave at him. Nagtago ito sa likod ni Neo.
Mukhang natakot na naman sa akin ah?
Really? Aswang talaga ang tawag niya sa akin? Ugh. Sa ganda kong 'to? Hmmp! 'Di bale, anak ko naman siya at gagawin ko ang lahat, tatawagin niya rin akong Ganda!
Pagkatapos kasi roon sa Park ay hindi na natuloy pa ang plano ko sanang sundan si Neo kung saan man siya magpunta, eh kaso tumawag ang sekretarya ko na may kailangan akong asikasuhin na dokumento. Of course, my head heated up and curse my secretary for ruining my day kahit wala namang kasalanan ang sekretarya ko doon. Damn the rush ups! Okay na sana na hindi ako sumipot sa Boards e, pero yun nga, nakakainit ng ulo plus the fact that I am struggling something painful!
But I'm fine now. Very much fine because here I am, standing at the doorstep of Neo's House. Hinabol ko pa talaga ang oras, makarating lang ako rito.
Nameywang si Neo at ang mga mata nito ay nagtatanong.
"Oh, Hi Neo! Pwede ba akong makisabay ng dinner sa inyo?" Sabay taas ko ng kamay na hawak hawak ang paper bag na Mcdo.
Neo raised an eyebrow at me. I pouted.
Sa resto sana ako bibili pero naalala kong gusto pala ito ng kambal.
Lumabas sa pagkatago si Dionne sa Likod ni Neo ng makita ang dala ko at nagniningning ang mga mata niyang tinuro ang hawak ko. "Mcdo!"
I giggled and bent my knee, pinantayan ang height ng anak ko.
Ngayon ay malapad ang ngiti sa labi ni Dionne sa akin. Para bang inuuto ako nito sa pamamagitan ng pagpapacute."You wanna eat this, don't you?" I asked him and he nodded many times. "Then, convince your father if I can join you to dinner tonight." Pang-uuto ko rin sa mahinang boses.
Napakamot ang anak ko sa ulo.
"Po? Lalim po ng english niyo po, aswang."I chuckled slightly. Oh my baby needs to learn an english lesson. I want him to be the next president someday, 'di joke! Syempre kung ano ang pangarap na propesyon ng anak ko ay suportado ako doon, ano.
"Sabi ko kombinsihin mo si papa mo na kung pwede dito ako maghahapunan sa inyo ngayong gabi."
Agad na tumalima si Dionne at hinila hila ang pantalon ni Neo at nag-puppy eyes pa ito. "Papa! Papa! Pwede daw po ba na dito maghahapunan si Aswang? Sige na po, Papa! May Mcdo siya o!" Pangungombinsi ni Dionne sa ama. Kinarir pa talaga ang pagpapacute na sinabayan pa ng pagmamakaawa.
I stood up straight with a wide smile crept on my face and look down at the paper bag that I am holding. Pinigilan ko ang sarili na halikan iyon para hindi magmukhang tanga.
Yes! Grabe, ang Mcdo lang pala ang makakapagpalapit sa akin sa anak ko! Bakit kaya hindi ko naisip to? Well, I should ask what's their favorites from now on so that I will have all the reason of getting closer to them.
"Papa! Sige na please? Please?"
I cheered my son on my mind na mas galingan niya pa sa pagkumbinsi. Damn yeah! Kaya mo yan anak, para sa Mcdo!
Nag-angat ako ng tingin kay Neo na ngayon ay naka krus ang mga braso sa dibdib at ng magtama ang tingin namin ay umangat ang gilid ng labi nito na para bang sinasabi na sa wakas ay nakuha ko doon ang loob ni Dionne.
Syempre! Ako pa ba?
I wiggled my eyebrows at him and playfully smiled. Napangiwi siya at muling binalingan ang anak.
BINABASA MO ANG
Her Sacrifices (COMPLETED)
RomanceEvery sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo Highest rank achieved #1 in Child Highest rank achieved #3 in Sick Highest rank achieved #10 in Twind Hi...