Chapter 20

6.1K 137 2
                                    

Pain

Their oh so shock expression was so priceless. Halos 'di na mawari ang kanilang mga mukha na titig na titig sa akin. Tila ba'y hindi parin makapaniwala sa nakikita kaya hindi sila makahanap ng ano mang salita.

Bumaling ako kay Amby at nag tama ang aming paningin. And of course, para na naman akong nakaharap sa salamin dahil sa magkamukhang magkamukha kami. I smiled at her and tap her shoulder. Alanganin siyang ngumiti sa akin saka hinawakan ang kamay ko na nasa kanyang balikat.

"A-amber, I miss you, s-sis..." she uttered with a shaky voice.

"And so I am, Amby." I said formally at binawi ang aking kamay sa pagkakahawak niya dahilan upang mapapitlag siya. Binalik ko ang tingin sa magulang ko. "Ahmm.. sorry sa istorbo, nagkataon lang na narito ako at nakita kayo. I am happy to see you all again after all this years. So, pasensiya na ulit, mauna na po ako." Yumuko ako ng kaunti para magbigay galang at bago pa ako maka-alis ay tinawag ako ni Mommy.

"Amber, d-darling..."

I took a deep breath first bago ko siya nilingon na ngayon ay nakatayo. Mamasa-masa ang kanyang mga mata na unti unting lumalapit sa akin. I saw anger and hatred in her eyes but at the same time ay ang pagkamiss sa akin. I stood here, standing straight and ready for whatever she will do to me.

At hindi nga ako nagkamali dahil ng makalapit siya sa akin ay ang paglapat ng kamay niya sa aking pisngi. Pumagilid ang mukha ko kahit sa hindi kalakasang pagsampal saakin ni Mommy na nagpakuha ng atensyon ng ibang tao rito restauran. Rinig ko pa ang pagsaway ng mga kapatid ko kay mommy pero wala silang magawa. Walang emosyon kong binalik ang tingin sa kanya na ngayon ay nanginginig ang kamay at tumutulo na ang mga luha sa pisngi.

Pero ang hindi ko inasahan ay ang pagyakap niya sa akin pagkatapos. She hug me tightly like she's afraid to lose me again. My heart melted when I heard her cry in my shoulder. I didn't hug her back even if my body wants to.

"S-sorry, Amber... sorry, hindi sinasadya ni Mommy. Nadala lang ako sa emosyon ko. I-I'm glad to see you again too, darling. Mommy misses you so much and I hope you know that, also your Dad misses you too." She whispered those words that made my body weakened. Napatingin ako kay Dad na nasa kawalan ang pag-iisip na para bang umiiwas sa eksena.

He's still the father I knew.

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Mommy at tipid na ngumiti sa kanya pagkaharap pero pormal. "No worries, Mommy. I understand your emotion and I really have to go." Pagkasabi ko niyon ay tumalikod na ako at bumalik sa table ko na saktong dumating ang waiter dala dala ang inorder. I paid my order hurriedly at lumabas ng restauran na hinihingal kahit hindi naman ako tumakbo.

"O, Amber, ba't hinihingal ka?"

Umangat ako ng tingin at nakita ko si Neo na parang may pag-alalang tingin sa akin. I shook my head when I feel it aches. Freaking freak.. I should not be this affected.

"W-wala, wala. Hindi kasi ako makahinga sa loob kasi puro mga instik," biro ko pero napangiwi ng mapagtantong napakamais ng biro ko.

"Ha-ha, corny mo." Nakangiwi niya ring sambit.

Ngumiti ako para itago ang hiya at itinaas ang inorder kong thai foods, pinapakita sa kanya. Kinuha niya iyon sa kamay ko at siya ang bumitbit. Lihim akong kinilig. Hayy Neo, kahit simpleng bagay lang ang ginagawa mo ay natutunaw na ang puso ko.

"Salamat."

"Hndi mo na kailangang magpasalamat pa. so.. lets go?"

He nodded and when we started walking away from the resto ay may narinig akong sumigaw ng pangalan ko.

Her Sacrifices (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon