Chapter 27

5.3K 111 7
                                    

Kumapit

Neo's  POV

Namamawis na ang kamay ko sa kakapindot ng text kay Amber pero hindi naman siya nagrereply. Nasa loob na ako ng Starbucks na sinasabi ni niya pero wala naman siya dito. Ginala ko ang paningin at baka sakaling nandito lang siya. But she's not really in here.

Kanina nang mag-reply siyang umiiyak raw talaga siya, hindi ko alam kung bakit kumalam ang mga paa ko at kumaripas ng punta rito. Parang bumibigat ang dibdib ko sa isiping nasaktan ko siya. Hindi ko naman akalain seseryusohin niya pala 'yon? Trip ko lang kasi na asarin siya, namali pa ako sa pagkakataong 'yon.

Tsk, Neo! Umayos ka kasi!

"Miss, may nakita po ba kayong babae na matangkad, mestiza saka hanggang dibdib yung buhok niya?" tanong ko sa babae sa counter habang nilalarawan si Amber.

Kumunot ang noo nito. "Sir? Marami po kasi kaming customer na katulad po ng binaggit niyo po. May picture po ba kayo ni Ma'am baka sakali pong makilala ko." Magalang na sabi ng babae.

Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang pitaka ko mula sa bulsa at pinakita ang larawan ni Amber sa kanya.

"Medyo bata pa siya diyan, miss

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Medyo bata pa siya diyan, miss."

Lumiwanag ang mukha niya saka marahan siyang tumango tango sa'kin. "Ay oo po, sir! Nandito po kanina si Ma'am na nasa picture. May kasama pa nga siya na kaibigan kanina na nag-eskandalo dito e kaya ayon tuloy napagalitan ako ng manager namin." Nakasimangot na kwento niya. "Pagpasok niyo po siguro, Sir, mga limang minuto bago lumabas si Ma'am."

"Ah sige, salamat, miss." Pagpapasalamat ko at tumalikod na.

Third Person's  POV

Lakad takbo ang ginawa ni Neo at lingon dito lingon doon pero kahit ni anino ni Amber ay wala siyang nakita. Hinihingal na siya at pinagpapawisan sa ilalim ng sikat ng araw pero hindi parin tumitigil.

Umupo siya ng may nakitang bench sa gilid para magpahinga. At dahil doon ay naramdaman niya ang pag bilis ng tibok ng puso niya sa takot? Parang ganun na nga. Napahilamos siya sa mukha habang iniisip kung saan posibleng pumunta si Amber.

Baka bumalik ito sa condo niya? Maybe not, he knew Amber too well. O baka naman namasyal lang? E bakit hindi siya nito nirereplayan? Galit ba ito sa kanya? Nagatatampo? Maraming tanong sa kanyang isip na hindi masagot. Teka, bakit ba siya natatakot? Maybe he's afraid that Amber might leave him again.

Ano, iiwanan ba siya nito ulit gaya ng ginawa nito mga ilang taon na ang lumipas? Babaliwin ba siya nito ulit gaya ng dati? Shit! Bakit ba siya napaparanoid! Of course, hindi siya nito iiwan ulit! 'Yon ang sinisigurado niya. Amber won't leave him again.

Kinuha niyang muli ang pitaka sa bulsa at binuksan. Pinatitigan niya ang mala-anghel na mukha ni Amber noong nagdadalaga pa ito. Oo, ang litrato na nasa pitaka niya ay matagal ng naroon. Only that, even how he really hates Amber because he left them before, hindi niya magawang kalimutan ang dalaga. Nakakatatak na sa puso niya e, ano pa ba ang magagawa niya? Hindi kaya ng galit niya na burahin ang pangalan ng dalaga sa puso niya kahit umiyak pa siya ng dugo!

Her Sacrifices (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon