Chapter 48

5.4K 119 17
                                    

Nangungulila

Neo's POV

Rinig na rinig ko ang tawanan ng aking mga anak mula rito sa baba. Napangiti ako at umakyat sa itaas. Pagkabukas ko ng pinto ay nabungaran kong pinagtutulungan nina Dianne at Vian si Dionne sa kakakiliti sa carperted floor. Halos namimilipit na si Dionne sa pagmamakaawa na walang tigil parin sa pagtawa. Hindi naman maawat ang malakas na hagikhikan ng dalawang babae kong anak.

"Waaahh! Tama na! 'Di ko na kaya!" Dionne shriek.

"You're face is so funny, Kuya! Bleeh!"

"Ang pangit mo, Deo! Yuck, ang mukha mo!"

"Tama na kasi. 'Nu ba yan! Sumbong ko kayo kay Papa!"

"Daddy will not know!"

"Ha?! 'Di kita maintindihan! Basta isusumbong ko kayo!"

"Hindi maniniwala si Papa sa'yo, nuh!"

"Ano?! Waahhh!"

Mahina akong napahalakhak sa kulitan nila. Halos mapugto na yata ang hininga ni Dionne ng pakawalan siya ng dalawa na hingal na hingal na. Napapailing kong tahimik na sinarado ang pinto para hindi sila madisturbo at tumungo na sa baba para tumulong sa pag-aayos ng agahan.

Anim na buwan na ang nagdaan simula ng umalis si Amber. Dahil siguro naipaliwanag niya sa mga bata ang sitwasyon ay naging maganda ang takbo ng relasyon namin sa bawat isa lalo na kay Vian. Mabilis ang paglapit namin sa isa't isa kung kaya't hindi na ako nahirapan pang paamuhin siya pero syempre ay sinulit ko ang pagbawi sa kanya ng ilang taon kong nakaligtaan na alagaan siya. Ang magkakapatid naman ay sa una lang ang ilangan pero nang tumagal ay parang hindi na sila maipaghiwalay sa isa't isa. Binibaby pa nga ni Dianne si Vian. At palagi namang niyayakap ni Dionne ang bunso namin na parang gigil na gigil dito.

"Daddy, where ka po pupunta?" Vian asked after our breakfast. Sa ilang buwan namin na pagtuturo sa kanya ng tagalog ay nakakaintindi na siya ng lubos at nakakapagsalita ng tagalog ngunit nagiging conyo.

One time nga nang nagsalita siya ng French sa kambal ay sa gulat namin litiral na dumugo ang ilong ni Dionne! Shit naman. 'Yon pala ay noong tinukso siya nito na alien dahil sa lengwahe na sinabi ay sinapak niya kaya ayon!

"Daddy will just check something in our company then I'll go to school after." Binuhat ko siya at binigyan ng halik sa pisngi.

She pouted. "You're too old to go to school."

Humalakhak ako at pinisil ang tungki ng kanyang ilong. "I need to. Daddy will have to finish his course so that I can have my own name to be proud of."

"But we're already proud of you."

"Edi mas iigihan ko pa. So that you'll be more prouder of me."

Pagkatapos kong magpaalam sa mga anak ko ay tumuloy na ako sa kompanya namin. Nang marating ko ang opisina ni Lolo ay nagmano ako sa kanya at umupo sa visitor's chair.

"How's your morning, hijo? Waking up with a great smile on your face, you must be really happy." Saad ni Lolo at nangalumbaba.

I smiled at him more. Tuluyan nang nawala ang alitan sa pagitan namin ni Lolo kaya nagkakasundo na kami sa kahit na anong bagay. "Yeah. Maganda nga ho, Lo. Ayaw pa nga akong paalisin kanina ng mga apo niyo."

Napahalakhak ang matanda. "Oh, ang mga apo ko talaga. By the way, I want you to meet someone."

"Sino, ho?"

Bago pa makapagsalita si Lolo ay bumukas ang pinto. Tumayo si Lolo para salubungin ang bisita. Tumayo rin ako upang makipagkamay na rin sana nang humarap sa'kin ang bisita at ngumiti ng napakatamis.

Her Sacrifices (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon