Amber ko,Sa bawat araw na dadaan ay palagi akong umaasa na sana'y makita kitang nasa labas ng bahay, nakangiti ng puno ng kasabikan sa akin. Na mayayakap kita ng mahigpit na mahigpit at hindi na kita papakawalan pa. Ngunit palagi na lang akong bigo. Ang pangungulila ko sa'yo ay mas lalong tumitindi bawat paglipas ng mga taon. Ilang kaarawan, pasko at bagong taon na ba ang hindi natin napagsaluhan? Masaya naman kami ng mga bata pero kahit ganoon ay alam kong malungkot kami dahil may kulang. Ikaw ang kulang, Amber ko. Kung tatanungin mo kung kamusta na ngayon ang puso ko? Ito, naghihintay pa rin at nasasaktan na ngunit mas lalo lang pinagtibay ng panahaon.
It's been what? It's been 9 years, Amber ko. How are you now? Aaminin ko na minsan ay nawawalan na ako ng pag-asa na babalik ka pa. Babalikan mo pa nga ba kami? Nangako ka na babalikan mo kami, hindi ba? Pero bakit ang tagal naman? Para mo akong pinapatay sa asa, Amber ko. Kaya sana pagpasensiyahan mo na kung sumunod ako sa France noong nakaraang taon. Hindi ko na kinaya, sabik na sabik na akong muling mahagkan ka. Ngunit nabigo na naman ako. Bakit ganoon? Hindi kita nahanap? Alam ko, sinasadya mong hindi magpakita saakin.
Hindi ka pa ba nagsasawa sa mga sulat kong ito? Tugunan mo naman o.
I'm taking up Business M. now. Kakagraduate ko lang sa medisina. Pagkatapos ay maghihintay pa ako ng ilang taon para sa bar exam ta kukuha rin ng Doctoral's degree. Pray for me, Amber ko. Sobra akong nahihirapan pagsabayin ang pag-aaral, pagtulong sa negosyo namin at pag-aalaga sa mga anak natin.
Gagraduate na si Vian sa elementarya. Umaasa siya na sana makakadalo ka. Sinasabi niyang nagsasawa na siya sa mga pinapadala mong regalo pero pagdating niyan sa kuwarto ay hindi naman mabitawan ang natatanggap mula sa'yo. Ang kambal naman natin ay palaging may medalya na natatanggap. Tsk, hindi ko akalain na may nobya na kaagad si Dionne sa edad niyang ito pero wala naman pala, masyado raw snob sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Lumaking pogi e, nagmana sa akin. Si Dianne naman ay nageexercise para pumayat. Nacoconcious na kasi sa katawan niya. Palaging kumakain eh kaya ayon tumaba ang Little girl mo. All in all, they're good. You don't need to worry about us.
Tsaka nga pala, kakapanganak lang ni Amby kahapon. Alam kong hindi ka talaga naiiwan ng mga balita tungkol sa amin pero ako wala talagang balita sa'yo. Alam ko rin na alam na ng kambal mo ang tungkol sa kalagayan mo pero ayaw niyang sabihin sa'kin. Bakit mo naman pinagbawalan, Amber ko? Nag-aalala lang naman ako sa'yo. Pwede ka namang bumalik na, hindi ba? You're free, Amber ko. You're already divorced... matagal na. Kahit anong oras ay handang handa na akong pakasalan ka. Basta ay maging akin ka at maging saksi ang Diyos sa pag-iisang dibdib natin. Sabik na sabik na ako sa araw na iyon, Amber ko.
Hindi ko nga rin akalain na sa huli ay si Amby at Demin ang magkakatuluyan at ito nga ay may anak na sila. Ang saya nang nabuo nilang pamilya. Si Mama naman ay masaya para sa kanila, sabagay, mayroon na kasing nagpapatibok sa puso niya. Minsan ay pinipilit kong umamin si Demin sa akin pero ang tigas din naman ng isang 'yon. Takot yata sa'yo.
Handa pa akong maghintay kahit ilang taon pa ang aabutin. Hinding hindi na titibok ang puso ko sa iba. Ikaw lang ang mahal ko, Amber ko. Ikaw pa rin hanggang sa huli.
Nagmamahal,
Neo
![](https://img.wattpad.com/cover/61496749-288-k974316.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Sacrifices (COMPLETED)
RomanceEvery sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo Highest rank achieved #1 in Child Highest rank achieved #3 in Sick Highest rank achieved #10 in Twind Hi...