Truth (Part 2)
Neo silently stood up and as much as possible he doesn't want to let his tears fall. Umaalingawngaw pa rin sa paligid ang hagulgol ni Amber. Sobra na siyang nasasaktan kaya kung pwede niya lang sana matakpan ang tenga niya dahil nanghihina siyang makitang ganoon si Amber. Humugot siya ng malalim na hininga bago hinarap ang ina niyang tulala pa rin hanggang ngayon. Wala na sa mukha nito ang galit at tila ba'y napalitan ng awa at pagkalito ang kaninang naghihimagsik na puso.
"Mag-usap kayo ng lalake mo at magkaliwanagan. Ayaw ko na ng gulo pa, Sereal, kaya sumunod ka." Tiim bagang niyang utos dito. Doon lamang bumalik sa katinuan ang ina. Tinignan siya nito sa mga mata na para bang sinasabing hindi nito alam ang gagawin.
"Neolardo, w-what's happening to h-her? Hindi ko mainitindihan." Sereal muttered.
Hindi niya pinansin ang ina nang tumalikod siya at dahan dahang lumapit kay Amber na nangangapa pa rin sa sahig. He slowly squatted near her. Ramdam na ramdam niya ang pagkirot ng kanyang puso ng makita ng malapitan ang mukha ni Amber na puno ng luha hanggang leeg. Itinukod niya ang isang kamay sa sahig na sinisigurado niyang mahahawakan ng nangangapang mga kamay nito. Mga ilang segundo lang ang ibinilang niya ng lumapat ang malamig na palad nito sa kanya. Nakita niya kung paanong nanigas ang katawan nito at tumigil sa paghagulgol, at bago pa nito mabawi ang kamay ay mabilis niyang hinila ang palapulsuhan ng babae. Alam niyang sa mga oras na ito ay alam ni Amber kung kaninong kamay ang nahawakan kaya ganun na lamang ang paninigas nito.
"N-Neo..." Amber uttered his name breathlessly.
Nanuyo ang lalamunan niya ng marinig ulit ang boses ng babae na tinawag ang pangalan niya. Hindi siya makapagsalita. Para bang may kung anong bumara sa lalamunan niya kaya ganun na lang kahirap ibuka ang bibig niya 'pag ito na ang kaharap. Kaya imbis na magsalita ay hinila niya na lamang patayo si Amber na ikinaigtad nito. Bago niya pa mailabas si Amber ay may kamay na pumigil sa kabilang siko nito. Tumagis ang bagang niyang binalingan si Demin.
"Bitawan mo siya," nagbabantang giit niya. Bumaba ang tingin niya sa hawak ng lalake.
"Saan mo dadalhin ang asawa ko?" ang namamagang mga mata ni Demin ay nanlilisik na ngayon kay Neo.
Isa pa 'to, hindi niya man matanggap ay reyalidad na mismo ang sumasampal sa kanya para magising sa katutuhanan. May asawa ang babaeng mahal niya. Pakiramdam niya ay siya ang pinagtaksilan ngunit baliktad, siya ang ginawang mali sa mata ng pag-ibig. Ang sakit palang may nagmamay-ari ng iba sa taong mahal niya pero ang mas masakit ay pinutulan siya ng karapatan o mas tamang sabihin na wala talaga siyang karapatan umpisa pa lamang noong bamalik ito.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko ilalayo sa iyo ang Asawa Mo." Pinagdiinan niya ng mariin ang salitang Asawa. "Mag-uusap lang kami sa huling pagkakataon kaya ayusin niyo rin ang sa inyo ng ina ko."
Hindi niya na hinayaan pang makapagsalita ang karibal nang marahas niyang hinila palayo rito si Amber. Alam niyang nasaktan ang babae sa ginawa niyang iyon ngunit hindi niya iyon pinansin. Walang imik si Amber na sumunod lamang sa paghila niya. Hindi niya alam kung saang parte sila mag-uusap pero natagpuan na lamang niya ang sarili na huminto sila sa likuran ng gazebo kung saan may malapad na sementong pwedeng maupuan. Sobarang tahimik, ang tanging maririnig lamang ay ang pagdaan ng malamig na hangin. Tumingala siya at dahil maghahating gabi na ay may mga kumukinang nang bituin sa langit. At ang nagsisilbing ilaw sa kanilang paligid ay ang ilang ilaw na nakapaloob sa mga bilugang halaman.
Binalik niya ang tingin kay Amber na nakayuko, hawak niya pa pala ito. Marahan niyang binitawan si Amber at medyo nagulat pa siya ng umupo ito sa nakalaang pwesto kahit hindi ito nakakakita. Siguro ay pamilyar dito ang pasikot-sikot ng lugar kaya dapat ay hindi na siya magtaka.
BINABASA MO ANG
Her Sacrifices (COMPLETED)
RomanceEvery sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo Highest rank achieved #1 in Child Highest rank achieved #3 in Sick Highest rank achieved #10 in Twind Hi...