Simula
Neo's POV
"Amber?"
Nanlaki ang mga mata niya nang paglingon niya ay nakita ako. Ganoon din ako.
"A-ako nga, Neo." Sabi niya. Kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. Ngayon ulit kami nagkita pero parang wala lang sa kanya ang lahat na nangyari.
"Bakit ka nandito? Bakit ka pa bumalik?" tanong ko na pinipigilan ang namuong galit sa'king dibdib.
"Gusto.... gusto ko lang makita ang mga a-anak n-natin." Kumawala ang isang butil na luha sa gilid ng kanyang mata pero hindi ako naawa.
"Wala ka nang anak pang babalikan. At higit sa lahat, anak ko lang." Giit ko.
"Huwag ka namang ganyan, Neo, oh. Anak ko pa rin sila. May karapatan pa rin ako dahil ako ang ina nila." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko ngunit tinapik ko iyon.
"Simula nang iniwan mo kami ng mga anak mo ay nawalan ka na ng karapatan sa kanila."
After 6 years, susulpot na lang siya basta basta sa buhay ko?! Iniwan niya sa akin ang anak namin noon dahil ba hindi niya kaya ang responsibilidad na maging isang ina?!
That's Bullshit!
Pareho kaming 19 years old nang mabuntis ko siya. Hindi ako nagsisi. Mahirap ako, mayaman siya. Ganyan kalaki ang agwat na tumutulis sa'min. Minahal niya ako kahit alam niya na mahirap lang ako. Namangha ako sa kanyang katapangan nang ipagtanggol niya ako sa kanyang mga magulang noon kaya mas lalo ko siyang minahal.
Habang dinadala niya ang aming anak na nasa kanyang sinapupunan pa noon ay sa aking apartment siya tumuloy kahit walang wala ako. Maayos naman ang pagsasama namin noon dahil lahat ng oras ko ay inuukol ko kay Amber. Tumigil siya ng pag-aaral dahil alam kong magiging isang malaking kahihiyan iyon sa pangalan ng kanyang pamilya. Tumigil din ako ng pag-aaral para magtrabaho para sa kanila ng magiging anak ko. Naging abot langit ang aking kasiyahan nang ipinanganak na ni Amber ang aming kambal ngunit napalitan iyon ng sobrang lungkot at galit nang kinabukasan ay iniwan niya ang anak namin sa'kin at tanging sulat lamang ang ibinilin niya.
Mahirap pa rin ako ngayon kaya nga ako nagtatrabaho rito sa isang hospital... bilang Janitor. Nagtatrabaho ako para matustusan ang pang araw araw na buhay namin ng mga anak ko. Para mabigyan ko sila ng maayos na buhay.
Hindi siya nagsalita at tumungo na lamang. Nasa basement kasi kami ng Hospital na ito at nakaagaw na rin kami ng atensyon sa maraming nagtatrabaho rito at sa mga pasyente. Nag hihintay kasi kami sa bagong mamamahala sa Hospital na ito o mas tamang sabihin na hahawakan na ng may-ari ang Hospital na ito.
Hindi ko alam na nasa amin na pala ang mga mata ng mga tao rito. Hindi ko na napigilan at nagsalita akong muli.
"Bakit ka nandito?" ulit ko dahil hindi ako nakuntento sa sinabi niya kanina. "Sinundan mo ba ako rito para guluhin?"
Umiling siya. Ilang segundo muna siyang tumahimik. Magsasalita na sana ako nang naunahan niya ako at laking gulat ko ang lumabas sa kanyang bibig.
"I'm the owner of DiaDionne Hospital, Neo."
*
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Nagkita na kami ni Amber kaninang umaga at sobra ko talagang ikinagulat ang ibinulgar niya na siya ang may-ari ng Hospital na pinagtatrabuhan ko. Wala na akong pakialam kung siya man ang boss basta ang importante ay pinagbubutihan ko ang pagtatrabaho kahit Janitor lamang ako. Hindi naman naging malala ang isyu kanina nang magkaharap kami ni Amber at naka agaw kami ng atensyon. Naagapan naman agad. Buti nga.
"Mauna na ako, Jev." Paalam ko sa kasamahan ko.
"Sige, Neo. Medyo matatagalan pa naman ako rito." Ngumiti siya at pinagpatuloy ang ginagawa.
Habang naghihintay ako sa pagbukas ng elevator ay bitbit bitbit ko ang isang putahe ng pagkain na ibinigay kanina ni Cedge- isa sa mga kaibigan ko. Dadalhin ko ito sa anak ko. Siguradong hinihintay na nila ako. Gabi na, e. Pagkabukas ng elevator ay natigilan ako.
Nang magtama ang mga mata namin.
Ni Amber.
Agad naman akong umiwas ng tingin.
Eto na naman. Ayoko nito, tsk.
Sasara na sana ang elevator nang harangin niya ito ng kanyang kamay. Aalis na sana ako sa kanyang harapan nang magsalita siya.
"Pumasok ka na." Walang emosyon niyang sabi.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at pumasok na sa loob. Wala naman akong pakialam. Walang ibang tao rito sa loob ng elevator kundi kaming dalawa lang. Siguro ay hinuhusgahan niya ako sa trabahong ito? Hindi ba't--
I just sighed.
Hindi kami nagkibuan hanggang sa tumunog na ang elevetor, hudyat na nasa basement na kami. Inunahan ko na siyang lumabas.
"P-pauwi ka na ba?" napatigil ako sa paglalakad nang magsalita siya pero hindi ko siya hinarap.
"Oo."
"Puwede ba akong s-sumama?"
Kumunot ang noo ko at nilingon siya. Kita ko ang pag-alinlangan sa kanyang mukha. At may gana pa talaga siyang tanungin 'yan ah?
"Hindi."
"Pero-"
"Puwede ba? Lumayo ka na lang sa'kin. Ayaw kitang makita pero hindi na iyon maiiwasan dahil boss na kita. Wala na akong magagawa pa." Tinignan ko siya sa mata na ngayon ko lang napansin ang pamumula nito. Wala akong pakialam. Tatalikod na sana ako nang may nakalimutan akong sabihin. "'Wag kang susunod,"
Hindi ko na hinintay ang magiging reaksyon niya at umalis na ako.
Nakakabastos ba?
Dahil ba sa boss ko siya?
Tsk! Wala akong pakialam!
Pagkarating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng yakap ni Dianne. Really good. Sila ang nagtatanggal ng sakit sa ulo ko.
I smiled at her warmly.
"Papa, ano'ng dala mo?" tanong sa'kin ni Dianne nang kinarga ko siya.
"Adobo!" magiliw kong saad.
"Wow!"
Agad siyang bumaba sa'kin at binuksan ang topperware. Napailing na lamang ako. Ang taba na ng babae kong anak. Pero ayos lang basta malusog siya.
"O dahan dahan lang, Dianne. Asan si Dionne?" tanong ko. Bago pa makapagsalita si Dianne ay may sumigaw galing sa itaas.
"Nandito po, Papa!"
Agad na bumaba si Dionne sa hagdanan at niyakap ako sa baywang. Inakay ko siya sa lamesa kung saan kumakain si Dianne.
Tumanggi siya.
"O bakit?" tanong ko.
"Busog pa ako, Papa. Binigyan kasi ako ng kaklase ko kanina ng maraming pagkain kaya hanggang ngayon busog pa rin ako." Sabi niya.
Si Dionne at Dianne, ang kambal kong anak. Simula nang isilang sila ay sila na ang kumumpleto sa buhay na mayroon ako. Sila na ang buhay ko kaya hindi ako makakapayag na kunin sila sa akin ni Amber. Wala na siyang karapatan.
Tumango na lamang ako. Pagkatapos kumain ni Dianne ay nanood pa muna kami. Nang mag alas nueve na ay inakay ko sila papunta sa kanilang silid at pinatulog. Maaga pa ang klase nila bukas.
Amber's POV
Nakasandal ako sa upuan ng driver's seat habang hawak hawak ang manibela. Nandito ako nakapark medyo malayo sa bahay ng mag-aama ko. Hinayaan ko lang na lumandas ang aking luha sa'king pisnge habang pinagmamasdan ang pagpatay ng ilaw galing sa bintana ng kanilang bahay.
"Kahit sabihin mo pang lumayo ako. Hindi ko na gagawin 'yon lalong lalo na't nakabalik na ako. Lumiit na ang mundo natin pero humanda ka, Neo, dahil mas lalo ko pa itong liliitin. I'll chase you. Not the literal chase. I have my own definition of it."
BINABASA MO ANG
Her Sacrifices (COMPLETED)
RomanceEvery sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo Highest rank achieved #1 in Child Highest rank achieved #3 in Sick Highest rank achieved #10 in Twind Hi...