Kill
Neo's POV
Nang sumapit ang gabi ay gulong gulo parin ako. Ako mismo ay hindi ko maintindihan ang aking sarili. Hindi ko magawang bumalik sa bahay dahil alam ko namang wala na siya roon. Imposible namang hindi siya umalis doon? Ano naman ang gagawin niya? Hindi niya naman siguro ako hinintay, hindi ba?
Hindi ako makapag-isip ng matino kaya naisipan kong tawagan ang isa sa mga kaibigan ko sa pinagtatrabuhang hospital na pinagmamay-ari ni Amber. Ayaw ko namang maglabas ng nararamdaman kay Sereal dahil baka mas lumala pa ang sitwasyon. Baka imbis na kalmado na ako ay may magwawala namang isa.
Nandito kami ngayon sa isang kapehan sa mall kung saan ko niyaya ang isang kaibigan para makapag-usap. Wala pa sana akong balak kwentuhin ang lahat ng tungkol kay Amber pero wala na akong magawa. Ang gusto ko lang sa ngayon ay may labasan ng emosyon. Mapagkakatiwalaan naman 'tong kaibigan ko kahit loko-loko kaya wala akong pag-aalinlangan.
Napailing-iling siya ng matapos ako sa pagkukuwento. Hindi ko na naikuwento ang parteng nanggaling ako sa mayamang angkan dito sa Pilipinas dahil ayaw ko namang magbago ang tingin niya at biglang mailang sa akin. Kilala ko si Jev kaya minabuti ko nalang na piliin ang sasabihin. Napahawak pa siya sa ulo na tila ba'y naramdaman ang hirap sa sitwasyon ko.
"Iyong oras pala na nahuli kitang may naisulat sa papel mo na pangalang Amber at Amethyst ay iisa lang sila?" tumango ako. "Ahh, 'yon naman pala ang dahilan kung bakit ka nagalit sakin noon. Nagselos ka. Babaeng mahal mo pala, e. Ina ng kambal mong anak. Ang late naman yata ng reaksyon mo? Hindi ba ay nalaman mo na ang katutuhanan bago mo pa mabisto si Amber?"
I nodded again.
"Aiist, bakit ngayon ka lang nag emote ng ganito? Ang bading mo naman." Umirap siya. Hindi ko nalamang iyon pinansin, baka mabatukan ko lang siya.
"Iba pa rin kasi 'pag siya na mismo ang umamin. Kaya... parang hindi ko pa masyadong matanggap. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya sa'kin 'to." Bumuntong hininga ako. Sa ngayon ay gusto ko lang marinig ang opinyon niya bilang lalake, "Tulad ng sinabi ko, para sayo Jev... anong gagawin mo kapag may asawa't anak na ang taong mahal mo?"
"Aba, syempre iiwas na ako, nuh. Hindi ko naman siguro masikmura maging kabit?"
"Paano 'pag ikaw parin ang mahal niya?"
"Hindi. Hindi parin tama, Neo. Kung ako sa'yo ay aalis na lang ako kesa makasira pa ng ibang pamilya." Tugon niya at sumipsip sa kanyang kape.
Parang may kung ano'ng kumirot sa 'king puso. H-hindi ko yata kakayanin. "Pero iba naman ang sitwasyon, Jev--"
Itinaas niya ang kanyang kamay para patahimikin ako at seryusong tumingin sa akin. "Kahit anong sitwasyon pa 'yan, Neo. Ikaw na mismo ang nagsabi na may asawa't anak siya. Pag pinili mong makasama siya ay kakayanin mo bang mawalan ng kompletong pamilya ang isang bata? May masirang relasyon?--"
"Ako nga ang mahal niya. Hindi ang asawa niya." Mariin kong bigkas at sinamaan siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Her Sacrifices (COMPLETED)
RomanceEvery sacrifice has a fruitful reward, every failure has a second chance. Highest rank achieved #1 in Sacrifices Highest rank achieved #1 in Neo Highest rank achieved #1 in Child Highest rank achieved #3 in Sick Highest rank achieved #10 in Twind Hi...