VII: BS

14.4K 205 7
                                    

JD's POV

"JD..." Pang sampung libong beses niyang tawag sa pangalan ko habang naka-upo lang ako sa couch, nanunuod ng TV.

"Sorry na, please? Hindi na mauulit. Promise. Papasukin mo na 'ko oh. Alas-dose na ng gabi."

Hindi pa rin ako nagsasalita nang narinig ko na naman yung boses ni Sab galing sa labas.

"Oh, Prof? Baki--- Uhmm. Gusto mo tumuloy ka muna sa room ko? Baka tulog na si Dom eh."

Shit.

Tumakbo ako papunta sa main door at binuksan ito kaagad. "Hindi pa 'ko tulog. Pumasok ka na."

Nakita ko yung reaksyon ni Sab, nginitian niya ako. Kuha niyo naman siguro yung point niya no? Inaasar niya ako na kukunin niya si Romeo para pahalagahan ko yung tao. To be honest, ayoko talagang mapunta siya sa iba 'cause he's drop dead gorgeous.

Pagkapasok niya sa loob, sinunod niya na din yung gamit niya at pumasok na ako sa kwarto.

Ilang minuto lang ay pumasok na din siya sa kwarto ko at nilatag na yung comforter sa sahig.

"I let you in but that doesn't mean we're okay." Saad ko.

Hindi siya nagsasalita habang nakahiga. "Hello? May kausap ba ko?"

No response. Edi wow.

Nilapitan ko siya sa sahig, nagulat ako dahil nanginginig siya saka ko lang napansin na basang-basa pa din yung damit niya.

"Uy, anong nangyari sayo?" Saka lang nag-digest sa utak ko na binasa ko nga pala siya kanina.

Nakukonsensya tuloy ako.

Hinubad ko yung pantaas niya pati na din yung pants saka ito nilagay sa CR. Bukas ko na lang lalabahan.

"Magpalit ka muna ng underwear mo." Sabi ko. Hindi ko naman siya nakikita dahil sobrang dilim ng kwarto ko kaya hindi ako naiilang.

Tinulungan ko siya tumayo at pinapunta sa CR. Lumabas ako ng kwarto para kunin yung damit niya saka ako bumalik sa kwarto.

Pagkalabas niya sa C.R, naaninag ko yung towel na nakatapis sa ibaba niya. He took a bath.

"Magdamit ka." Hinagis ko sakanya yung pajamas at plain white T-shirt. Tumalikod ako sa kanya habang sinusuot niya 'yon.

Syempre, kahit masama ako may bait din akong natitira. Pero hindi ko talaga siya balak tulungan dahil dapat hindi ko na siya sex slave ngayon dahil sa ginawa niyang kalokohan.

Nakita ko na lang siya humiga sa KAMA ko matapos niyang magbihis. "Excuse me?"

Hindi siya nagsasalita.

Kadiri! Ayoko nga kasi ng may katabi. Hay.

Pero bakit ko ba kailangan maging maarte kung yung taong makakapag-pagaling naman sakin yung katabi ko?

Humiga na lang din ako sa kama. Isang ruler yung pagitan naming dalawa at tumalikod ako sa kanya.

He hugs me from my back. Sabi na nga ba, may balak 'tong mokong na to.

"I'm sorry." Nararamdaman ko yung mainit niyang hininga sa tenga ko... Nangingilabot ako! Tae.

"Hindi na ako titingin, lalapit o makikipag usap pa sa ibang babae. Promise. Pag ginawa ko pa yun, tanggalin mo na ako sa trabahong 'to." Sabi niya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan at sa totoo lang hindi ko maintindihan yung sinasabi niya dahil kinikilabutan ako sa init ng hininga niya at nararamdaman ko yung... Symptoms.

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon