Inis akong nakasakay sa kotse habang walang tigil sa kaka-interview itong si Dylan doon sa bago naming kasam-bahay. Biruin mo, parang invisible lang ako dito. Hindi ba nila alam na masama sa buntis ang naii-stress?
Siguro nung nagpaulan si God ng kalandian, si Dylan mismo yung pinasabog. Hindi man lang nahiya sa girlfriend niya! The nerve, Dylan.
Pagkadating na pagkadating namin sa bahay, bumaba agad ako ng sasakyan at dumaretso sa loob. Naiirita ako! Ayokong makita yung pagmumukha nilang dalawa. Nakakasuka.
Magdamag akong nagkulong sa kwarto at lalabas man ako ng kwarto, yun ay para kumain lang ako. Kahit anong pilit ni Dylan na pumasok sa kwarto, hindi ko siya pinagbubuksan ng pinto. Doon siya sa babae niya! Punyeta.
Nang sumapit na ang gabi, hinayaan ko siyang pumasok sa loob ng kwarto pero take note: tuwing gabi lang to. Hindi kasi ako sanay ng walang katabi matulog dahil madalas akong bangungutin.
Nakatalikod ako nang maramdaman yung paghiga niya sa kama sabay yakap sa tagiliran ko. "Wag mo nga akong yakapin."
"Sweetheart naman, bakit ba ang sungit mo sakin?" Tanong niya habang nakapatong yung baba niya sa leeg ko.
"Doon ka nga, Dylan! Doon!" Tinuro ko yung terrace habang pinipilit na alisin yung yakap niya sa akin.
Napatingin siya sa tinuturo ko sabay kamot sa ulo. "Ano? Doon mo 'ko patutulugin?"
"Hindi ba obvious? Umalis ka dito sa tabi ko! Ang pangit-pangit mo, wag kang lalapit sa akin." Inis kong sinabi at wala siyang nagawa kundi doon na lang natulog.
DYLAN OCAMPO'S POV
Gusto kong intindihin yung ugaling ipinapakita niya sa akin pero this tine, feel ko nauubos na yung pasensya ko sa kanya. Kung hindi mo siya susundin, magagalit. Kaya no choice, dito ako natulog sa terrace habang lamig na lamig sa simoy ng hangin. Kung hindi ba naman sadista itong girlfriend ko, edi sana nagsesex kami ngayon kahit buntis pa siya.
Maaga niya akong binulabog gamit ang bahagyang pagsipa sa tiyan ko para gisingin. Napakabastos talaga.
"Gumising ka na diyan, aalis muna ako. Wag kang mag-alala, kasama ko naman si Sab para mamimili ng damit ng anak KO." Pagsusungit niya habang nasisilaw naman ako sa sinag ng araw.
Hindi niya na ako hinayaang magsalita pa at bigla na lang umalis sa harap ko. Maya-maya lamang, narinig ko na yung pagistart ng makina saka pag-alis ng kotse.
Ang tigas talaga ng ulo! Hindi man lang nadala sa nangyari sa kanya. Jusko. Kung lalaki lang si JD, talagang binanatan ko na 'yon.
Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa terrace at binitbit na din yung unan saka humiga sa kama namin. Hindi naging maayos yung tulog ko kagabi kaya hindi ko namalayang nakatulog pala ulit ako.
Isang oras ang nakalipas, nagising na ulit ako. Ayoko nang matulog ulit dahil baka madatnan ako ni JD na tatamad-tamad kaya tumayo na ako sa kama saka bumaba sa first floor.
"Good morning, sir." Masiglang bati ni Aileen habang naka-shorts at sando lang. Nginitian ko siya saka naglakad patungong kusina.
Ano kayang masarap lutuin? Yung ulam na makakapag-pabait kay JD.
Nagsalang ako ng kawali sa gas stove at naisipang mag-prito ng liempo para sa pinakamamahal kong sadistang girlfriend.
Dahil sa nakasanayan ko ito, tinanggal ko yung damit ko at tinira yung pajamas kong suot kagabi.
"Sir, kagabi nga po pala hindi gumana 'tong isang ilaw sa chandelier dito sa sala." Sigaw ni Aileen para marinig ko.
Nilagay ko muna yung dalawang piraso ng liempo na kakasya sa pan bago siya sagutin. "Ako na mag-aayos niyan mamaya, baka mahulog ka pa."
"Hindi sir, kaya ko naman eh. Tutal ikakabit ko na lang naman yung bumbilya." Tumakbo ako papunta sa living area at nakita ko siya, naka-tungtong sa isang mataas na upuan para abutin yung chandelier.
Inalalayan ko siya sa upuan habang kinakabit niya yung isang ilaw na pundi at ilang segundo lang, nakabit niya na ito. "Okay na sir."
"Sige, bumaba ka na. Dahan-dahan.." Narinig ko na yung kotse ni JD na nagpark sa garahe matapos kong sabihin yun.
"Ahhh!" Sa di inaasahang pagkakataon, nalaglag sakin si Aileen dahilan para bumagsak ako sa sahig at napahawak siya sa katawan ko sakto namang pasok ni JD sa loob ng bahay na ganun ang aming pwesto.
BINABASA MO ANG
WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]
RomanceAll about the daughter of Derrick and Denise Sy that was diagnosed with a Sudden Sexual Arousal Syndrome and it forced her to search for a sex slave. SEX SLAVE [BOOK I] WANTED: SEX SLAVE [BOOK II] SEX SLAVE AGAIN [BOOK III]