XXXVIII: REJECTED

6.3K 132 8
                                    

Dedicated to: chriza_glaiza

SABRINA HICARO'S POV

Nang dahil sa sinabi niya, napilitan akong ilibre siya sa isang cafeteria para linawin ang lahat. Hindi ko kasi siya magets at hindi ko alam kung bakit niya ako kilala samantalang ako, wala talagang kilalang George.

"Can't you state the obvious? It's me, your long-lost first crush." Saad niya at naubo naman ako sa iniinom kong black coffee.

"Long-lost crush? Kailan ako nagka-crush sa isang mayabang na tulad mo?" Pagtataka ko habang magka-harapan kaming nakaupo sa isang table.

"As I know, you love the way I am. Hindi mo pa rin ba 'ko naalala?" Pangungulit niya. Tatayo na sana ako para umalis pero pinigilan niya ako at pinaupo muli.

"Alright, aamin na ako. Stalker mo ko noong high school pa lang tayo at ako talaga yung may gusto sa'yo." Explain niya kaya mas naging interesado ang mga pangyayari.

"Bakit mo naman ako inii-stalk? At bakit mo ko nagustuhan?" Tanong ko.

"Eh kasi, ang simple mo. Gusto kita kasi chinita ka, chubby cheeks with seductive hair. Kahit na ang sungit mo, gusto pa rin kita. Ano bang ginamit mong gayuma sakin?"

Napangiti naman ako sa sinabi niya saka binatukan. "Loko ka pala e! Hindi kita ginayuma, sadyang nakaka-akit lang 'tong beauty ko."

Ngumiti din siya saka tinitigan ako ng maigi sa mata. "Sab, pwede bang manligaw?"

DYLAN OCAMPO'S POV

"Seryoso ka ba talaga sa gagawin natin? Tangina bro, luma-lovelife ka na ah!" Sabi ni Tyler sabay batok sakin. Remember him? Yung best friend kong nagyaya sakin sumayaw para sa bridal shower ni Kyla.

"Oo nga at baka sakaling mapatawad ako ni JD pag ginawa ko 'to." Sabi ko habang inaayos yung neck tie ko.

Naandito nga pala kami sa elevator para pumunta sa unit ni JD. Gusto ko kasing magsorry tungkol sa nangyari sa'min ni Dianne nung nasa kotse at gusto ko ding patunayan na seryoso ako sa kanya. Magmukha man kaming tanga, gagawin ko talaga to mapatawad lang niya.

Pagkabukas ng elevator, lumabas na kami ni Tyler saka naglakad papunta sa tapat ng room ni JD.

Pinindot ko yung door bell saka umubo. "Game, Tyler."

Inayos na ni Tyler yung gitara niya saka nagsimulang tumugtog.

Uso pa ba ang Harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba

Binuksan niyayung pintuan at nag-cross arms sa harap ko pero patuloy pa rin ako sa pagkanta.

Meron pang dalang mga rosas,
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada,
Naka-porma't naka-barong
Sa awiting daig pang
Minus one at sing-along

Bago magchorus, may ibang naki-chismis sa amin. Lumabas sila sa kani-kanilang room at napangiti sa ginagawa namin pero si JD, plain lang yung mukha at hindi mababasa yung reaksyon.

Puno ang langit ng bituin
At kaylamig pa ng hangin,
Sa'yong tingin ako'y nababaliw giliw
At sa awitin kong ito,
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko,
Sa isang munting harana,
Para sa'y---

"Dylan, please stop. Kung ito yung way ng paghihingi mo ng tawad, well, I'm sorry. Apology rejected." Sabi niya at akmang isasara na yung pinto pero pinigilan ko. Si Tyler naman, pasimpleng umalis sa tabi ko para makapag-usap kaming dalawa.

"JD naman, sorry na. Wala kaming ginawang masama ni Dia---"

"Ano pa bang palusot at ka-sinungalingan yung sasabihin mo sakin? Dylan, tapos na tayo. Let's end it all. Sawang-sawa na 'ko masaktan."

Huminga ako ng malalim at nag-simulang masira yung boses nang dahil sa pinipigilan kong luha na pumatak. "Sawang-sawa na din akong masaktan. I'm doing this for us dahil gusto kong makapiling ka---"

"Makapiling? Eh bakit ka lumaland---"

"Would you please let me finish first?!" Sigaw ko sa kanya na dahilan para mas dumami yung nakiki-chismis.

Bago pa ako magsalita, tumulo na yung luha ko. "Bakit ba ganyan ka? You're so crab mentality. Pina-paniwalaan mo lang yung gusto mong paniwalaan. Ni hindi mo nga ako pinakinggang mag-explain e? Dahil iniisip mo, ako yung taong hindi makuntento sa isa! JD, iniwasan ko lahat! Lahat ng babaeng lumalapit sakin para lang sayo! Pero ano? Masama pa rin ako sa pananaw mo. Ni minsan ba inisip mo kung ano yung nararamdaman ko pag sinasabihan mo 'ko ng malandi? Ni minsan ba inisip mo kung ano yung pakiramdam ng binalewalang effort? At ni minsan ba tinanong mo ko kung okay lang ba ako? Di ba hindi? Kasi iniisip mo lang yung sarili mo. JD, hindi ako yakult na everyday okay. Nasasaktan din ako. Ginawa ko lahat to win you back pero ikaw din yung gumagawa ng dahilan para sukuan kita. Punong-puno na ako." Maraming luha yung pumapatak sakin habang nagsasalita ako kaya hindi na rin niya maiwasang umiyak.

"So you're blaming me---"

"No, JD---"

"Yes, you are! Alam mo, hindi naman kita pinipilit na gawin lahat para lang mapa-sayo ako. Sinabi ko ba sayong pumunta ka sa maskkarade party para lang makausap ako? Sinabi ko ba sayong pumunta ka sa kasal para umamin sakin? Sinabi ko bang mag-effort ka para ligawan ako sa public? At sinabi ko bang haranahin mo ko sa tapat ng unit ko para mapatawad kita? No. Ikaw lang yung may gusto niyan." She's crying but I know there's anger behind it.

Lumunok ako at umayos ng tayo. "Oo, hindi mo nga sinabi pero ginawa ko yun kasi mahal kita at ayokong mapunta ka sa iba. Pero ano? Nang dahil lang sa isang kasinungalingan ng isang mapanirang tao, nagpadala ka na agad? You lost everything."

"You were never everything to me. Let's end it all here." She said and closed the door left me crying from pain.

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon