DYLAN OCAMPO'S POV
"Your mistake, sir. I'm Dianne Garcia." Then she smiled. Evey angle, I only can see Danica on her and it made me feel emotional. Ngumiti na lang ako saka pinagmasdan ng maigi.
"Oh, sorry. Akala ko kasi ikaw si Danica." I said then she just smiled.
"I never expected that my boss will be that stunning. Glad to meet you."
We shook our hands then I started to work. Nakakatuwa lang kasi naka-ready na lahat sa table ko at mas lalong nakakatuwa dahil kamukhang-kamukha ni Danica yung secretary ko.
I missed her so much. Yung tipong pag nakita ko siya, yayakapin ko siya ng todo sa pagkamiss ko sakanya. Danica was a great and reliable friend. Kaya nga ako nafall sa kanya dahil sa ugali at itsura niya. I admit na mas maganda si JD pero iba din yung beauty ni Danica. Don't hate me guys. Parte na din naman ng buhay ko si Danica.
*FLASHBACK*
Kakauwi lang namin ni Lolo galing Maynila para sunduin sa airport yung pinsan kong si Zach dahil dito na daw siya maninirahan sa Bataan.
Pagkauwi namin, may babaeng umiiyak sa tapat ng bahay namin na kasing edad ko lang siguro.
"Bata? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko habang nakapasok na sila Lolo sa loob.
"Si-la mama... I-iniwan akong tulog sa bahay *sniff*" Umupo ako sa tabi niya at inakbayan siya.
"Wag ka nang umiyak... Uuwi din sila, baka namalengke lang."
Tumingin siya sakin at ngitian ko lang. "Anong pangalan mo?"
"Nilan, ikaw?"
"Danica."
*END OF FLASHBACK*
And that was the start of our story. Actually, mas nauna kaming nagka-kilala ni JD. Remember when I was at the playground? Ayun yung time na kakasundo lang namin kay Zach. Binilan muna ni Lolo siya ng makakain kaya nagpaalam muna akong pumunta sa playground at saka ko nakilala si JD.
First day of work is just bit hard. Lalo na't hindi pa ako nakaka-experience humawak ng business. Sa sobrang busy ko, hindi ko namalayang lunch break na pala.
"Sir, lunch break na po. Join me, if you don't mind?" Tanong niya.
"Sure." Saka ako ngumiti.
DOMINIC'S POV
Ang tagal naman ng mokong na 'yun! Sabi niya sabay daw kaming mag-lunch? Haist. Kainis.
Ilang minuto na akong naghihintay kay Dylan dito sa lobby. Nagmu-mukha na nga akong tanga dito eh. Sasadyain ko na sana siya sa office niya pero...
"Uy, JD! Napadalaw ka?" Biglang singit ni Terrence nang makalapit sa akin.
"Eh kasi, may hinihintay ako. Teka, saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Sa labas, magla-lunch na." Sagot niya. Dahil gutom na rin naman ako, napagpasyahan kong...
"Tara, kain tayo." Kumain kasama siya kaysa maghintay sa wala.
Si Terrence nga pala yung supervisor ng business naming pinangha-hawakan ni Papa. Matagal ko na siyang kilala dahil matagal na din siyang nagta-trabaho sa amin kaya mapagkaka-tiwalaan na.
As we enter our favorite restaurant, nahagilap ng mata ko si Dylan, naka-upo sa isang table sharing with another girl.
Nakita niya din akong pumasok ng resto na may kasamang iba. Well, kung magseselos siya, that's great. Kaya pala ang tagal lumbas, nauna na palang kumain with his new playmate.
Pumili ako ng table na katabi lang nila. Sinadya ko talaga yun para mainggit siya.
"Bakit mo nga pala ako niyayang mag-lunch?" Tanong niya nang makaupo na kami.
"Ah. May hinihintay kasi akong dapat ka-lunch ko, kaso nga lang may ka-lunch nang IBA." I retorted the word IBA para marinig niya.
We're meter apart at siguro naman narinig niya yung sinabi ko. Napansin ko lang natahimik silang dalawa simula nung dumating ako.
"Sino naman yun?" Tanong niya ulit.
"Wala. Hindi na nage-exist sa buhay ko." When I said that, nakita ko siya sa gilid ng mata ko, nabulunan.
"Sir, are you okay?" Tanong nung babae at pinunasan ng tissue yung bibig ni Dylan. Nang dahil sa ginawa niya, bigla akong nag-init.
"Terrence, alam mo ba matagal na kitang gusto!" Sinigaw ko talaga yun at napatingin samin lahat ng tao especially Dylan and his girl.
"I know right. Yung mga tingin mo pa lang, halata na." Kapal din ng mukha ng lalaking 'to eh.
"Bago pa 'ko mainlove sayo, mabuti pa ngang umorder na tayo. Waiter please!" He raised his hand to order.
Nang makalapit yung waiter with his menu, umorder kami ng beef tapa and kalderetang butiki. Joke. Kalderetang buto-buto. Rapsa.
Sa gitna ng pag kain namin, biglang nagtanong si Terrence.
"Balita ko, may bagong manager na kinuha si Sir Derrick, ah? Kilala mo ba?" Tanong niya.
"Uhmm, ang alam ko kasi wala akong pake sa mga ganung updates about our business. Besides, ang papangit kasi ng staff dun e. Kaya sa sobrang dami nilang pangit, hindi na ko interesado."
Napatingin sila Dylan sa sinabi ko. Yes, alam ko namang natamaan sila don and they really deserved it. Kahit kailan talaga 'tong si Dylan, hindi maiiwasang maglandi.
"Ang hard mo naman sa kanila."
"Totoo naman e. Sexy nga, hipon naman." Alam kong gusto na 'kong hambalusin ng babaeng kasama ni Dylan pero I have the power to fire her that's why she remain calm.
"Maiba tayo. Gusto mo ba talaga ako?" Tanong niya.
"Oo naman!" Pwe.
"Dom, pwede ba 'kong manligaw?" Nung tinanong niya yun, biglang sumuntok si Dylan sa table at kinwelyuhan si Terrence.
"Kung ayaw mo pang mamatay, tigilan mo si JD." Plain niyang utos habang may diin sa boses niya.
Tumayo din ako at tinanggal yung kamay niya kay Terrence. "What an attitude do you have? Hindi ka namin inaano dyan pero kung maka-react ka affected na affected ka!"
The people started to stare and murmur. Tinignan niya naman ako ng masama pero hinding-hindi ako madadala sa tingin niya.
"Sino ba 'tong kasama mo? Ha?!"
"Eh ikaw, sino 'yang kasama mo? I waited you at the lobby pero naghintay ako sa wala! Nag-effort pa 'kong pumunta sa office after photoshoot tapos ito lang igaganti mo? Kahit saan ka ilagay, lalandi at lalandi ka pa rin talaga. Shame on you, Dylan." I said and walked away.
BINABASA MO ANG
WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]
RomanceAll about the daughter of Derrick and Denise Sy that was diagnosed with a Sudden Sexual Arousal Syndrome and it forced her to search for a sex slave. SEX SLAVE [BOOK I] WANTED: SEX SLAVE [BOOK II] SEX SLAVE AGAIN [BOOK III]