XLVII: CONFRONTATION

5.4K 132 29
                                    

Dedicated to: talzky -Hi ate! :*

DOMINIC SY'S POV

"There's no problem with that. Okay lang naman sakin kung si Tyler ang mananagot diyan sa bata. My point is, payag ka bang siya ang kilalaning tatay ng magiging anak mo?" Tanong sakin ni Papa habang nandito pa rin kami sa hapag-kainan.

Tumingin ako kay Tyler, hindi siya nakatingin sakin para hindi ko isiping nagpapa-awa siya. Tumingin ulit ako kay Papa at sinabing, "Bakit naman ako hindi papayag?"

Napatingin sakin si Tyler at saka ngumiti. "But I want to let Dylan know I'm pregnant and he's the father of our child. Baka sakaling bumalik siya sa akin pag sinabi ko 'yon."

"We respect your opinion, baby. Pero once na hindi siya bumalik, mapi-pilitan akong ipakasal kayong dalawa ni Tyler sa lalong madaling panahon. Bago ka manganak."

Nagulat ako sa sinabi ni Papa pero hindi na ako naka-angal dahil tumayo na kaagad siya sa upuan at umalis sa harap namin. Si mama naman, hinimas yung likod ko. "Padre de Pamilya na ang nag desisyon, baby. Wala na tayong magagawa."

DYLAN OCAMPO'S POV

"Hanggang dito ba naman, sinusundan mo kami? Ang kapal talaga ng kalyo mo sa mukha 'no?" Narinig kong iskandalo ni Dianne sa gate kaya naglakad ako patungo sa kanya.

"Una sa lahat, mas makapal 'yang mukha mo dahil sa pang-aagaw mo sa taong mahal ko. Pangalawa, si Dylan lang yung hanap ko." Pagkalabas ko sa main door, nakita ko si Dominic kasama si Tyler na hindi pinapa-pasok ni Dianne.

"Anong kailangan mo sakin?" Singit ko sa kanila dahilan para tignan nila akong tatlo.

"Dylan, may dapat kang malaman... Buntis ako at ikaw ang ama." I chuckled sarcastically and walked towards them.

"What kind of joke is that? Dianne, isara mo na 'yang gate. They're here to fool me." Sabi ko at sinara na ni Dianne yung gate.

Dominic kept banging the gate. "Bakit ba hindi ka naniniwala sakin?! Dylan, I'm four weeks pregnant! Natiis mo na ba ako ngayon?" Her voice broke.

"Someday, you'll regret that you did this to me. Walang kwentang ama. Magaling ka lang sa kama." I heard their footsteps away and I just sighed.

Sino nga ba sakanila ang nagsasabi ng totoo?

Si Dianne o si Dominic?

TYLER SAMSON'S POV

Matapos ang paghaharap nilang dalawa, umuwi na kaagad si Dom sa bahay niya at ito naman ako, papunta pa lang sa meeting place namin ni Dylan. Oo, magkikita kaming dalawa.

Napag-desisyunan kong kausapin si Dylan ng harapan para malaman niya yung totoo. Para saan pa yung titulong pagiging ama ko sa magiging anak ni Dominic kung kay Dylan siya mas sasaya? Ayan ang iniisip ko kaya ko to gagawin. If Dominic can't convince him, then I must.

Sa tatlong taon naming magkasama, alam ko na yung pagbabago sa ugali ni Dylan. I can read his mind and handle his mood. Ibang-iba na talaga siya.

Pinark ko sa gilid yung kotse ko at saka bumaba. Malayo pa lang, alam ko nang si Dylan kung naka-upo sa bench malapit sa fountain ng park kaya pinuntahan ko kaagad siya.

"Bro." Banggit ko sa naka-sanayang tawag ko sa kanya saka umupo sa tabi niya.

"Bakit mo 'ko kailangan?" Tanong niya habang nakatingin ng daretso sa ibang direksyon.

"Talaga bang hindi mo pananagutan yung pagiging ama mo sa anak niyo ni Dominic?"

"Hindi na. Nandiyan ka naman di ba? Kaya mo na 'yon. Nagawa ko lang yun dahil akala ko asawa ko na talaga siya."

"Hindi sapat 'yang dahilan mo para sa napaka-laking responsibilidad. Ano 'yun? Hahayaan mo na lang ibigay yung mag-ina mo sa ibang tao? Bro, lalaki ka ba talaga? Lakas mo makabading. Ang sabihin mo, takot ka sa mga responsibilidad mo sa pagiging tatay." Tinrashtalk ko na talaga siya para maramdaman niya yung wala pa sa kalahating sakit na nararamdaman ni Dominic.

Napatingin naman siya sa akin. "Hindi mo alam kung gaano ako nagu-guluhan sa buhay ko ngayon. At hindi mo din alam kung ano yung point ko."

"Then ano yun? Aalamin ko! Baka sakaling may solusyon. Bro, hindi ganyan si Dylan." Sabi ko.

"Hindi na ako yung Dylan na kilala niyo." Sambit niya at tumingin ulit sa ibang direksyon.

Huminga ako ng malalim. "Sino ba talaga mahal mo? Si Dominic na totoong mahal mo dati o si Dianne na pinikot ka lang? Sabihin mo na ngayon para alam ko kung saan ko ilalagay yung sarili ko."

"Sayong-sayo na 'yang Dominic mo kahit araw-arawin mo pa ya---" Hindi na ako nakapag-timpi at sinuntok ko siya ng malakas sa mukha dahilan para dumugo yung ilong niya.

"You can hate her all you want but you don't have the right to talk shit about her." I gritted my teeth from anger and sighed to make myself calm.

"Fuck those men who are afraid to their responsibilities." I said and left him with bleeding nose.

Ngayon alam ko na kung kanino ako. Kung saan ko ilalagay yung sarili ko.

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon