XLIV: SMALL WORLD

5.9K 110 9
                                    

Dedicated to: rochellelimbangan

DYLAN OCAMPO'S POV

Nagising ako sa bangungot na na-panaginipan ko at napabalikwas sa kama. Napatingin ako sa gilid at nakita si Dominic na mahimbing ang tulog at biglang nagising sa pag-galaw ko.

"Bakit? Anong nangyayari?" Tanong niya habang nakapikit pa yung isang mata.

Umiling lang ako saka tinignan yung tiyan niya. "Kamusta si baby? Okay lang ba siya? Hindi ba sumasakit yung tiyan mo?"

Bigla naman napakunot yung noo niya. "Anong baby pinagsasabi mo? Dylan, I guess you had a nightmare."

Everything was just a dream? Ang gulo.

"Eh anong oras ka nakarating matapos yung dinner niyo ni Tyler? Kanina ka pa ba umuwi? Hinatid ka ba niya?"

Mas lalo namang kumunot yung noo niya. "Honestly, hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo. Umuwi na si Tyler kaninang tanghali matapos nating kainin yung inihaw na BBQ. Tell me, anong nangyayari sa'yo?"

I shook my head and said, "Nothing. Panaginip lang pala lahat ng yun."

DOMINIC'S POV

He told me about his dream last night. Akala niya totoong nakipag-date at flirt ako kay Tyler at akala niya din buntis ako. Masaya sana kung totoo akong buntis pero hindi totoo ang lahat kaya mas naging sensitive siya sa lahat ng ikinikilos ko.

Sa totoo lang, may ni-recite siya saking rules kaninang pag gising ko and I just want to share it.

• Ayokong nagsho-shorts ka
• Ayokong nags-sleeveless ka
• Ayokong gala ka ng gala
• Ayokong dumidikit ka sa ibang lalaki
• Ayokong may nililihim ka sakin

Parang siya pa yung boss 'no? Hindi naman ako nagalit dahil alam kong may karapatan siya kasi ang alam niya, asawa ko siya.

But speaking of, paano kung nalaman niyang nagsi-sinungaling lang ako? Mahalin niya pa kaya ako tulad ng pagmamahal niya ngayon?

I don't think so. Kung ako din kasi yung pinag-sinungalingan, magagalit din ako. Eh anong magagawa niya? I just want to be happy besides may karapatan din naman ako bilang dating boss niya. Mali man sa inyong paningin pero at least gumagawa ako ng paraan para siya'y mapa-sakin.

"Guess who's here!" Napatingin ako bigla sa main door at nakita ko si Sab with George and Calvin with Micah. Seriously?

Umayos naman ng upo si Dylan at hinarangan ng unan yung makinis niyang legs.

"Anak ng betlog! Bakit hindi man lang kayo nag doorbell? Bastusan ah? Lumabas nga kayo!" Pabiro kong sinabi saka nag beso sa kanilang lahat.

Tumayo si Dylan sa couch at ipapa-alala ko sana sa kanya sila Sab pero bigla siyang umalis at pumunta sa itaas.

"What's with him?" Tanong ni Sab at Calvin.

"Ewan ko dun, halika upo kayo." Ngumiti na lang ako saka sila niyayang umupo.

Nang maka-upo na sila, napahawak ako sa ulo ko. "Shet. Ano bang gagawin ko? Kayo naman kasi, hindi nagsasabing pupunta dito."

"Hindi mo naman kailangang offer-an kami ng juice like duh? Ayun na lang kaya palagi yung ino-offer mo sakin tuwing bibisita ako dito." Natawa naman ako sa sinabi ni Sab.

Hinila niya ako paupo at tumingin siya kay Calvin para abangan yung sasabihin niya sakin. "Ito na nga, we decided to---"

"Tagalog please."

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon