XXIX: THE WEDDING

7.8K 139 10
                                    

DYLAN OCAMPO'S POV

Hindi na ako tumuloy sa school para magpakilala kay JD. Para saan pa? Kung magpapakasal na siya sa iba?

I hate this feeling. Ayoko sa lahat yung common! Bakit ganun? Palagi na lang may trouble na nangyayari kung kailan magkalapit na kayong dalawa? Life is so unfair.

Palagi na lang ba akong masasaktan?

I want a happy ending story but I think this will be the saddest ending. I feel sorry for myself. I hope this author didn't directed my life.

Lahat ng taong mahal ko, nawala na! Si Mama, Papa, Lolo...

Pati ba naman si JD?

I felt my tears falling down while continues drinking cocktail.

"Bro, chill ka lang." Singit ni Mark. Siya mismo yung nagyaya sakin pumunta dito sa bar kung nasaan siya palagi nung malaman niyang brokenhearted ako.

Hindi ako nagsalita at uminom pa ng marami. Bakit ganito? Walang talab yung alak sa sakit na nararamdaman ko?

"Bro, hindi pa namatay si JD kaya wag kang umiyak dyan." Sabi niya habang umiinom din ng alak.

"You wanna win her back? Then go. Ikaw lang yung mahal ni Dom at alam ko yun. Napilitan lang sila dahil arranged marriage yun. Hindi nila control lahat ng pangyayari dahil deal yun between their parents."

Napatingin ako kay Mark. He's sincere at ngayon ko lang nakita yung ganyang Mark.

Well, Hi Dylan. Ako nga pala yung author at director ng buhay mo. You don't need to ask for my opinion because I'm the one who's going to tell you. Ang hirap sa'yo napaka-hina mo, daig mo pa babae. Sa tingin mo ba mangyayari 'to kung hindi mo siya iniwan? Hindi di ba? Kung papabayaan mo ulit siya ngayon, pano na? Edi ikaw naman yung kawawa? Dylan, wake up! Alam kong fictional story ito pero it really happen in real life. Kung ako ikaw, siguro hanggang ngayon maayos pa kami ni JD. Magpaka-lalake ka naman. You're no longer a kid to just shut up and cry. If you want something or someone to be yours, then move. Hindi ka lumpo at pipi para manahimik na lang.

Binalik ko yung shot-glass sa bartender at tinanong si Mark. "Anong oras na?"

"9:30 am. Bakit?"

"Shit." Kinuha ko yung wallet ko at lumabas na ng bar.

I'm gonna win her back.

Masaktan man ako sa sasabihin niya, tatanggapin ko. Pero ang hayaan siyang ikasal sa iba...

Ibang usapan na 'yun.

Tumakbo ako papunta sa kanto para makasakay ng taxi. Malayo pa yung Manila Cathedral at dahil Monday ngayon, alam kong sobrang traffic.

Maraming tumakbo sa isip ko habang nakasakay ako sa taxi. Sana hindi ko na lang siya pinakawalan kagabi.

Sana kinidnap ko na lang siya para magkasama na kami ngayon.

Sana hindi ko na lang siya iniwan.

Sana naging maintindihing slave ako sa kanya.

At sana mabawi ko siya kay Calvin.

Simula ngayon, sinusumpa ko na lahat ng CALVIN na pangalan. Hindi niyo ba alam na mangkukulam yung nanay ko? Joke lang. Sana makagat lahat ng mga CALVIN sa mundo yung dila nila ngayon at marealize na hindi para sa kanya yung may pangalan na DOMINIC.

Because Dominic belongs to me and I belong to her.

10:15 ako nakarating sa simbahan and guess what, mukha pa akong gusgusin dahil hindi pa ako nakakaligo sa ngayon. Kahit pandirian niyo ko, masarap pa rin ako kahit hindi naliligo. Swear to God. Ayaw mong maniwala? Tanungin mo na lang si JD kung gaano ako kasarap or try me. ;)

Mas dumami yung negative thoughts na pumasok sa isip ko dahil late na akong nakarating. Binayad ko yung isang libo sa taxi driver at hinayaan na yung sukli saka tumakbo sa loob ng simbahan...

"Itigil ang kasal! Walang hiyang babae! Binuntis ako niyan!" Sigaw ko at biglang nag-slowmo nung tumingin sila sa akin pati na rin si father.

"Father, continue." I heard she said.

Napaluhod ako sa sakit nang marinig ko yung sinabi niya. "No! Please!"

Bigla nang tumulo yung luha ko saka nagsimulang magsalita.

"JD, I know you're mad but please let me explain." Tumigil si father sa pagsasalita at siguro papakinggan niya na ako.

"Nagawa kong iwan ka dahil nauna yung galit sa puso ko. I was jealous that time. Sumama ako kay Faye sa ibang bansa dahil galit ako sayo at gusto kong magtrabaho para mabigyan ng magandang kinabukasan yung kapatid ko dahil nawala na si Lolo. Buong akala ko magiging masaya ako sa piling niya pero iba ka pa din talaga. Tiniis ko lahat ng panloloko ni Faye sakin pero hindi nagtagal hindi ko na rin nakayanan at narealize kong mahal pa rin kita. Umuwi ako dito sa Pilipinas ng madalian para ayusin lahat ng ginawa ko sayo pero mukhang huli na yata ang lahat. I was the one who invited you to dance last night. Oo, ako yun. Sorry kung hindi ako nagpakilala... Alam ko kasing hindi mo na ako kakausapin pag ginawa ko yun. Nasabik ako nung makita ka ulit. And the mistletoe? Wala naman talagang ganun doon sa puno sa gilid ng bench. I'm sorry if I put a mistletoe on that tree. I'm just desperate to hug you, kiss you, talk with you *voice breaks* But there's one thing made my heart beats so fast... JD, ikaw yung babaeng hinahanap ko noon pa. Naalala mo ba nung ayaw kitang tawagin sa Dominic kasi medyo ngongo ako sa D? Ayun din yung dahilan kung bakit 'NILAN' yung nasabi kong pangalan ko sayo noong bata pa tayo. I'm really overwhelmed because till now nasa'yo parin tong singsing na binigay ko. JD, that's all I can explain. Sana maisip at marealize mong mahal na mahal kita. Maraming salamat sa lahat. Sana sumaya ka sa desisyon mo."

I am about to walk away but I saw JD, came out from the front row of the chair, not wearing a wedding gown but wearing a peach gown.

"You're such an idiot, baby." She's walking towards me while smiling yet there's tears in her eyes.

Natutulala ako sa pangyayari habang nagsisitawanan yung mga bisita.

"Kung hindi ikaw ang ikakasal, sino?" Tanong ko habang papalapit siya sakin.

"Sorry Calvin and Micah for interruption. Ito naman kasing si NILAN eh. Father, you may continue the ceremony." Sabi niya habang nakangiti sa akin.

"I know we broke up but---"

"We didn't break up. We don't even start." I just smiled on what she said. Tama, hindi kami nagbreak dahil hindi pa kami nagsisimula.

Yayakapin ko sana siya pero nag stop gesture siya. "If you come near me, I will love you forever."

Ngumiti naman ako saka yumakap sa kanya. "I love you, JD."

"I love you too."

Dominic Sy's POV

Commitment.

Ayan na lang yung bagay na kulang saming dalawa ni Dylan. Sa sobrang saya, hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam ko nung nag-effort siya.

I was like crazy smiling yet crying while walking towards him that time. Hindi kasi ako makapaniwalang ipinaglaban niya ako.

Oo, hindi ako ang ikakasal kay Calvin kundi si Micah. Calvin and I talked about that and I'm really happy for them. Binigay ko din kay Calvin yung 50K as a reward at sa pagtulong niya sakin noong kailangan ko siya.

What now?

Paano namin sisimulan yung kabanata naming dalawa para sa love story namin?

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon