XXVI: HOMECOMING

7.1K 146 2
                                    

DOMINIC'S POV

Wala namang sumasagot kaya pinatay ko na lang. Maya-maya, nakatanggap ako ng text galing sa number na tumawag.

Sorry, wrong number.

Hindi ko na lang ni-replyan at hinatid na ako ni Calvin sa unit ko. Pagka-bukas ko ng pinto...

"SURPRISE!" Tangina. Halos malaglag yung puso ko sa sahig sa sobrang gulat nung gulatin ako ni Ivan, anak ni tito Charles.

"A-anong ginagawa mo dito?!" Sabay pasok sa loob ng unit ko habang nakahawak sa puso.

"Uy, Kevin! Andito ka din pala." Anak naman ni tita Elaine. Ngumiti lang siya habang busy sa cellphone.

"Anong meron? Bakit kayo nandito?" Pagtataka ko.

"Sabi kasi ni Tita Denise, we'll put color to your grayscale life. Isasali ka namin sa banda, okay lang ba sayo?" Tanong niya.

Banda? Ano nga bang hilig ko sa instruments?

"Ano namang pwesto ko?" Tanong ko habang naglalakad papunta sa kwarto.

"Drummer, katulad ng mommy mo dati. Sabi niya, marunong ka daw nun kasi tinuruan ka niya." He said while eating grapes.

Pumunta ako sa kitchen para humarap sa kanya. "Sige na, please?" Then made a puppy look.

I smiled then, "Kailan tayo magsisimula?"

[A/N: Pasingit. Watch my video on facebook. Drums cover mwehehe.]

CALVIN CHUA'S POV

"Alam mo Vin, bilib din ako sa pagiging martyr mo kay Dom eh." Sabi ni Micah, school mate ko, habang naglalaro ng xbox dito sa bahay.

"Micah, it's not all about being martyr. I'm just helping her." Explain ko habang naglalagay ng nachos sa serving plate.

"Mahal mo na ba?" Tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim at tumabi sakanya. "Oo pero hindi na ako masyadong umaasa na mamahalin niya din ako. Sa mga nakikita ko kasi, mahal na mahal niya pa rin si Dylan."

Bestfriend ko na si Micah bago ko pa maging bestfriend si Dom. Parehas silang mabait kaya naging close kaagad kami. At sorry kung ngayon ko lang 'to sasabihin sa inyo. Micah's parents are also the business associate of my parents. Nung sinabi ng Sy family na hindi sila sure about arranged marriage, kanila Micah din sila nakipagkasundo kaya either Micah or Dom yung mapapangasawa ko kung sino yung naunang pumayag sa kanilang dalawa.

"E, di ba sabi mo slave ka din niya?" Yes, I told her about that. Maasahan at mapagkakatiwalaan naman siya kaya ko sinabi.

"Dati yun." Sabi ko at kinuha yung controller ng xbox.

"Masarap?" Napatingin ako sa kanya.

"Ang alin?"

"Yun. Yung ginawa niyo." Simula naman akong mamula.

"Syempre, pero parang wala din kasi tuwing umuungol siya, Dylan pa din yung sinisigaw niya." I said.

"In short, she's still in love with him."

DYLAN OCAMPO'S POV

Nagsisisi ako sa naging desisyon ko noon. Sana hindi ko na lang iniwan si JD, sana maayos pa din kami ngayon at sana kapiling ko pa din siya.

Nandito ako ngayon sa NAIA 3. Kaka-landing lang ng eroplanong sinakyan ko pabalik ng Pilipinas.

Oo, umuwi na ulit ako.

























Para ayusin lahat ng nasira ko sa pagitan naming dalawa ni JD.

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon