XLVIII: FRUSTRATED

5.4K 128 26
                                    

For the remaining chapters, magbi-base na po ako sa mga comment/feedback ng reader para idedicate ko sa kanya yung certain chapter. Salamat po sa suporta.
-
Dedicated to: Karma050228

DOMINIC'S POV

Whole day crying is not enough to define how sad I am. Iniwan niya na ako, tinakwil pa. Ano pa'ng mas sasakit dun?

Gusto ko lang namang panagutan niya yung pagiging tatay sa anak ko pero ang palagi niyang dahilan ay nag-sinungaling ako sa kanyang asawa ko siya kaya niya nagawa yun.

Alam ko yung point niya. Pero, ikaw ba kung lalaki ka magagawa mo yun sa mag-ina mo?

Konsensya mo na lang.

Nasa balcony ako sa kwarto habang nakatingin sa langit. Minsan, naisip kong... Ipalaglag na lang yung bata.

Pero dahil walang kasalanan yung baby ko sa nangyari, hindi siya yung pagtu-tuunan ko ng galit. 

Tulo lang ng tulo yung luha ko habang pinagma-masdan ko yung mga bituin. Buti pa yung langit, full of peace.

Bakit ganito? Ilang oras lang ako masaya, then the rest puro problema na. Am I supposed to be happy?

Hindi ko na alam yung gagawin ko. Minsan nga naisip ko, sana hindi na lang ako nagising after that accident.

Sana hindi ako nagkaroon ng ganitong sakit.

Sana naging normal na tao ako.

At sana hindi ko na lang nakilala si Dylan.

Everything was in order before I met him but when he came to my life, everything turned into a mess.

Sana...

Si Tyler na lang yung minahal ko noon.

Hindi ko maiwasang maluha at nabigla ako nung may humaplos sa likod ko. Pagka-harap ko, bumungad sakin si Tyler. "Oh, bakit ka umiiyak?"

Hindi ako sumagot at bigla na lang siyang niyakap ng mahigpit.

"Shush." Hinihimas niya yung likod ko habang umiiyak ako ng todo sa dibdib niya.

"Salamat sa lahat, Tyler." I said.

"That's what friends are for." Sagot niya at tumingala ako para tignan siya.

"I'm ready to be your wife." I said directly that made him shocked.

DIANNE GARCIA'S POV

"Saan ka galing? Bakit dumudugo 'yang ilong mo?" Nataranta ako kaya sinalubong ko siya at hinawakan yung mukha niya.

"Wala 'to. Sobrang init lang sa labas." Plain niyang sinabi at pinaupo ko siya sa couch.

"Anong gusto mong gawin ko? Sorry, hindi ko kasi alam kung paano---"

"Dianne, would you tell me the truth? Sino ba talaga yung totoong mahal ko?" Nagulat ako sa pag-open niya ng topic na 'yun at bahagyang hindi nakasalita.

"You are the only one who can answer that. Sino ba talaga yung mahal mo?" Tumingin ako ng straight sa mata niya habang hinihintay siyang sumagot.

"I don't know. I'm so confused. Sino ba talaga yung nagsasabi sa inyong dalawa ng totoo?" Napa-cross arms naman ako sa tanong niya.

"So pinaghihinalaan mo 'ko?"

"No. Hindi sa ganon. Gusto ko lang namang malinawan e, nahihirapan na 'ko. May mga tao akong nasasaktan. Please tell me the truth."

"Sino pa ba? Edi ako. Tss. Diyan ka na nga, Dylan. Alam ko namang pinagdu-dudahan mo 'ko e!" Tumayo ako sa couch at akmang aalis na pero napatigil ako sa sinabi niya.

"Sana karmahin yung taong hindi nagsasabi ng totoo."

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon