XXXI: KIDNAPPED?

7.6K 148 18
                                    

DOMINIC'S POV

Nasaan ka?
Bakit ka umalis?
Ayos ka lang ba?

Yan yung mga bagay na sigurado akong tinatanong nila sa sarili nila ngayon.

Hindi ko kasi alam kung bakit si Dylan pa, na hindi nila tunay na anak. I'm not mad nor selfish. Gusto ko lang mapag-isa at magpahinga kahit sandali. Pagod na pagod na ako.

Kanina pa vibrate ng vibrate yung cellphone ko. Puro missed calls at unread messages galing kila mama, papa, Sab at Dylan. Hindi ko naman sinasagot dahil ayoko muna magisip. Gusto ko marefresh.

Naandito ako sa Antipolo. Dahil sa araw-araw kaming commute ni Dylan, natuto na din akong mamasahe. May spot dito na super taas dahil bundok yung dinadaanan. Nakatayo lang ako at tinitignan yung buildings, establishments, bahay, etc. na maraming ilaw ngayong gabi.

Ang sarap tignan.

"AHHH!" Sigaw ko para maglabas ng sama ng loob.

Maraming taong dumadaan yung tumitingin sa kabaliwan na ginagawa ko. Hindi ko na kasi kayang itago lahat. Teka, ano nga bang problema ko? Bakit ang drama ko? Naaabnormal na naman yata ako eh.

Nakatayo lang ako sa mataas na part at maya-maya, nagulat ako nung may van na tumigil sa likuran ko. Syempre nilingon ko yun at nagulat na lang ako nung may tinakip saking panyo saka ako sinakay sa loob.

Hindi ko sila maaninag dahil may bonnet silang suot. Piglas ako ng piglas pero hindi nagtagal, nakatulog din ako kaagad.

SOMEONE'S POV

Tinawagan ko si boss at sinabing nakuha na namin yung target at tuwang-tuwa siya dahil nakuha na namin si Dominic.

Pagkarating sa isang bahay, ikinulong namin siya sa garahe at tinali siya sa upuan. Ilang minuto lang ang nakalipas nang magising na siya.

"S-sino kayo?! Pakawalan niyo ko! Wala kayong makukuha saki---"

Nilakihan ko yung boses ko at sinabing, "Nasaan yung magulang mo?"

"Pakawalan niyo ko!" Patuloy niyang pagpupumiglas sa upuan.

"Putangina! Inuulit ko! Nasaan yung magulang mo?!" Gigil kong tanong habang yung ibang kasamahan ko nakastay lang sa gilid.

"Hindi ko alam! Promise."

"Bakit hindi mo alam eh magulang mo yun?" Tanong ko ulit.

"Lumayas ako sa amin."

"Bakit ka lumayas?"

Tumingin siya sakin at biglang sumigaw. "Tangina! Tsismoso ka ba?! Personal na yu---"

Hinanda ko yung baril at tinapat sakanya. "Bakit ka lumayas?"

Tumigil siya sa kakasigaw at sinagot yung tanong ko. "Namimiss ko na yung atensyon nila sakin."

"Tss. Ang babaw! Edi sabihin mo sa kanila o gusto mo ako pa magsabi?"

"Edi sabihin mo sakanila. Kung kaya mo." Paghahamon niya.

Kinuha ko yung remote ng pintuan ng garahe para buksan ito. Laking gulat niya nung makita niya sila Tito Derrick, Tita Denise at si Dylan.

Tinanggal naming lahat yung bonnet namin saka nagpakilala sa kanya. "Sorry, Dom. Inutusan lang naman kami ng papa mo eh."

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon