XIII: PLAZA

11.7K 178 12
                                    

Dedicated to: @DeLunaWilria

DOM'S POV

"Ano ba yan! Hinaan mo nga yung boses mo." Angal ko kay Sab sa kabilang linya.

"Eh kasi naman, iniinis mo ko! Hindi mo man lang sinabi na tinakas mo pala si Papi Romeo at dinala mo pa sa malayong lugar."

Bago pa ako magsalita, nakita ko si Dylan, papalapit na sa'kin dito sa backyard.

"Bruha, sige na. Ibababa ko na 'to. Magsisimba na kami." Sabi ko.

"O'siya. Basta ha? Yung sinabi ko. Pupunta kami dyan pag may time! Sabihin mo na din kay Papi. Okay?" Tsaka ko pinutol yung conversation namin nung makalapit na sakin si Dylan.

"Sino yun?" Tanong niya.

"Ah, si Sab. Teka, akala ko ba couple shirt tayo?" Pagtataka ko.

"Oh bakit? Yellow naman 'to ah?" Sabi niya habang tinitignan yung damit niya.

"HAHAHA! Kailan pa naging yellow ang green? Joker ka ah!"

Napakunot-noo siya at pinagmasdan ulit yung damit niya. "Tss. Yellow nga to! Bakit ba mas marunong ka pa sakin?"

Hindi ako makapag-pigil ng tawa sa lalaking 'to. Yung mukha niya kasi parang ang big deal ng pinaglalaban niya na color yellow daw yung damit niya kahit green naman talaga.

"Uhmmm. Sige nga. Ayun!" Tinuro ko yung bote na neon green mountain dew sa basurahan. "Anong kulay nun?"

"Sus. Edi yellow." Walang kahirap-hirap niyang sinabi kaya mas lalo akong natawa.

"Color blind ka, Buloy! Hahahaha!"

Inirapan niya ako at nag walk-out sa harap ko. "Uy! Joke lang naman eh. Oo na, edi color yellow." Pero deep inside, tawang-tawa ako sa kanya.

DERRICK SY'S POV

"Honey, do you still remember the Chua family?" Tanong ni Denise, asawa ko, habang naka-upo ako sa desk at nag aasikaso ng documents.

"Yes, then?"

"Di ba, we signed a contract of them na kapag tumungtong si Dom ng 18 years old, makikipag arranged marriage siya dun kay Calvin na anak nila? Siguro hindi na nila natandaan no? Naalala ko lang. Baka kasi kung kailan masaya na si Dom sa buhay niya, baka bigla pang sumulpot 'tong kasal-kasal na to na karaniwang nangyayari sa ibang businesses."

"Well, sinabi ko na sayo. Ayoko niyan pero ikaw pa din yung nagpumilit para sa business natin. Hayaan mo, hindi rin naman tayo pinipilit ng Chua family. We will refuse if ever they talk about it."

DOMINIC'S POV

"Ate Monay, gusto mo po ba pumunta sa Peryahan (Plaza)? Masaya dun!" Aya ni Chandria habang kami'y nasa hapag-kainan.

Hindi pa ko nakaka-sagot at sumingit kaagad 'tong si Mr. Color blind. "Chandria, gabi na."

Natahimik si Chan-chan at pinapakinggan lang kami nila Lolo at ni Zach habang kumakain.

"Sige, punta tayo pagkatapos kumain. Lolo, okay lang po ba?" Tanong ko.

Tumingin kami kay Lolo para sa sagot niya. "Oh, siya. Ano pa bang magagawa ko? Sige. Basta mag-iingat kayong dalawa. Hindi na katiwa-tiwala ang mga tao sa ngayon."

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon