Dedicated to: MackzineCabrera
DOMINIC'S POV
Sa totoo lang, hindi ko siya dapat pa-payagan sa gusto niyang mangyari pero dahil may karapatan siya sa anak ko at may dahilan siya kung bakit niya ginawa yun, tinanggap ko ulit siya ng buo kahit na sinaktan niya ako.
Uso naman ngayon yung pagpapaka-tanga sa pag-ibig di ba?
Kung ikaw ba babalikan ka ng taong mahal mo, hindi ka papayag?
We have our own opinions and choices that's why I choosed him to fix our broken relationship again.
Sa ngayon, naiinis ako sa sarili ko dahil ang lumalabas, parang ginamit ko lang si Tyler. I didn't mean it! Besides, siya na din pala yung naki-cooperate kay Dylan para magka-balikan kami at nagpapatunay yun na hindi ako yung naging pabaya.
Naiintindihan ko yung lagay ni Tyler. Sa totoo lang, napamahal na din ako sa kanya pero si Dylan pa din talaga yung laman ng puso ko kahit ilang taon na ang lumipas, kahit sinaktan niya ako at kahit sino pang lalaki yung dumating sa buhay ko.
Dumating si Calvin, si Terrence at si Tyler pero si Dylan pa rin yung nanaig sa huli.
Tama nga sila. Once you fall in love, kakayanin mo lahat-lahat. Yung sakit, selos, sama ng loob, and also the truth na kahit ang sakit-sakit na, still mahal na mahal mo pa rin siya. Because a true lover never surrender, and always find a way to understand the pain.
DYLAN OCAMPO'S POV
*Flashback*
Wala na'ng mas sasakit pa sa lagay ko ngayon. I kept on acting still have an amnesia even if I really wasn't.
I need to find out if JD still loves me and if our love still worth fighting for.
Bigla na lang may nag-doorbell sa gate at tumayo naman si Dianne sa couch saka ko sinundan.
Sila na siguro yung hinihintay ko.
"Sino 'yan?" Tanong ni Dianne habang papalapit na sa gate.
Bumungad sa kanya yung mga pulis at sinabing, "Nandito kami para arestuhin ka, Dianne Garcia."
Pinosasan siya kaagad sa kamay at napatingin sakin. "Huh?! Bakit niyo ko hinuhuli?! Anong kasalanan ko?!"
I sighed. "I'm sorry. Hindi na kasi kaya ng kunsensya ko yung pagna-nakaw mo ng pera sa kumpanya nila JD. At sorry dahil nag-sinungaling ako sayo."
Napakunot yung noo niya habang pumipiglas, "Ito na yung karma mo, Dianne."
Dinala na siya ng mga pulis palabas ng bahay at tuluyang inaresto. Alas-dyis na ng gabi at hindi ko alam kung sino yung hihingian ko ng tulong para maayos ang lahat na meron kami ni JD.
I opened my facebook account at buti na lang naka-display yung contact number ni Sab sa messenger kaya minessage ko siya kaagad.
Sab... I need you.
DOMINIC'S POV
"Ma'm, may naghahanap po sa inyo sa labas. Kaibigan niyo daw po." Nag-madali akong bumaba para tignan kung sino 'yon.
Inayos ko yung dress kong suot pati na rin yung tali ko sa buhok. Pagkabukas ko ng gate, nakita ko si...
"Tyler."
Napatingin ako sa dala niyang maleta balik sa itsura niya. "Tara, pasok ka."
"Hindi na kailangan." Ngumiti siya sa akin at sinabing, "Aalis na 'ko, Dom."
Nagulat ako sa sinabi niya at napakunot-noo. "Saan ka pupunta? Bakit ka aalis?"
He waited a seconds before to speak. "I think, I'm not destined for you and I think, this is the best way to move on."
I embraced him tight while my tears start to fall. "I'm sorry. Hindi ko naman sinasadyang saktan k--"
"Alam ko. Pero..." Tinanggal niya yung yakap ko sa kanya. "Nasaktan na ako, Dom. Hindi na natin mababawi yung nangyari."
I saw tears fell to his cheek then I wiped it. "Maybe I'm not the girl meant for you that's why God let this happen. Thank you for all those sacrifices, kindness and so on you gave for me. You're now part of my life, Tyler."
He smiled ye there's tears in his eyes. "Parte ka na din ng buhay ko, Dom. We'll see each other soon. I'll miss you."
He left his smile to me and I just said, "Godspeed."
Kawawa naman si Tyler. Ampunin niyo na siya please.
Nang makalayo na sa paningin ko si Tyler, bumungad naman sakin ang isang vintage car na papalapit sa bahay ko. Bumusina ito ng sina-unang busina na tulad ng busina ng kotse ni Scott Lang, sa movie na ant-man.
Natawa ako sa busina niya saka napag-alamang si Dylan yung nagda-drive. Pumarada siya sa harap ng bahay saka bumaba sa kotse na may dalang bouquet of flowers at isang plastic ng lumpiang toge.
"Hi, miss." Pagbiro niya sabay halik ko sa labi niya.
"Ano 'yan?" Tanong ko habang natatawa sa itsura niya.
Imagine, nakasuot siya ng longsleeves tapos naka-tuck in sa pants niyang maluwag. Yung mga sina-unang damit. Wtf.
"Bouquet of flowers and lumpiang toge for delivery, ma'm." Hinampas ko siya ng mahina and by this time, siya naman yung humalik sa akin.
"Teka, umiyak ka ba? Bakit may luha 'tong baby kengkoy ko?" Pangii-spoil niya na naman sa akin habang naka-pout naman ako.
"Iniwan na 'ko ni Tyler." Sambit ko sabay tingin sa ibaba pero hinawakan niya yung baba ko para tumingin ako ng daretso sa kanya.
"Nandito naman ako, e. Hindi pa ba sapat yun?" Tanong niya.
"Hindi sa ganon, Dylan. Naku-konsensya kasi ako. Nang dahil sakin, nasaktan siya."
"Ganun naman talaga ang buhay e. Masasaktan ka lang palagi kung hindi talaga para sa'yo yung taong gusto mo. There's always difference between wants and needs. You are one of Tyler's wants but I'm one of your needs. Mas matimbang ang pangangailangan kaysa sa gusto lang."
-
Majority wins. EXTENDED na po ang love story nila Dylan at Dom.
BINABASA MO ANG
WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]
RomanceAll about the daughter of Derrick and Denise Sy that was diagnosed with a Sudden Sexual Arousal Syndrome and it forced her to search for a sex slave. SEX SLAVE [BOOK I] WANTED: SEX SLAVE [BOOK II] SEX SLAVE AGAIN [BOOK III]