LVII: AFFIRMATION

5.8K 109 1
                                    

Dedicated to: BibeaneMartinez

DOMINIC'S POV

Natigilan ako nang makita sila sa ganung pwesto at ilang segundo ang nakalipas, huminga ako ng malalim sabay tayo nilang dalawa ngunit nginitian ko lang sila.

"Pinalitan niyo na pala yung pundidong ilaw? Very good." Sarkastiko kong sinabi saka naglakad papunta sa side table para mag-dial sa telepono.

"Sweetheart sino 'yang tinatawagan mo?" Tanong niya habang papalapit sa akin.

"Mga pulis." Aniko.

"Ha? Bakit ka naman tatawag ng pulis?" Pagtataka niya habang nakatayo sa harap ko.

"Ipapakulong ko na 'yang Aileen na yan! Mga walang hiya kayo! Sa sariling pamamahay ko pa talaga? Bakit, Dylan? Nagmahal na ba ngayon ang presyo ng Sogo?" Inis kong sinabi at bigla niya namang kinuha sakin yung telepono saka ito binaba.

"JD, mali 'yung iniisip mo! Nalaglag lang siya sa upu---" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at hinigit ko si Aileen saka tinulak kay Dylan.

"Magsama kayong dalawa! Mga walang modo!" Ako, sabay kuha ng susi ng kotse at lumabas ng bahay.

Gaya ng inaasahan ko, sumunod siya sakin at hinigit yung braso ko pabalik. "Bakit ba hindi ka naniniwala sakin?!"

Hinarap ko siya at sinabing, "Dahil nung una pa lang, alam kong malandi ka na!" Piniglas ko yung kamay niyang nakahawak sa braso ko saka sumakay sa sasakyan at tuluyan nang umalis sa bahay.

DENISE SY'S POV

"Wag na wag niyong papa-pasukin 'yang malanding 'yan." Gigil na sinabi ni Dom habang naka-upo sa couch at si Dylan naman, sigaw ng sigaw sa labas.

Natawa ako sa kanilang dalawa. Parang mga aso't-pusa. Dinaig pa kami, eh?

"Grabe ka naman kay Dylan. Kawawa yung tao oh? Ikaw kaya yung balewalain." Sabi ko habang nananahi na natatawa sa kanilang dalawa.

Tumingin ako sa reaksyon niya, inirapan niya ako at sinabing, "Hello, ma? Ikaw kaya yung pagtaksilan! Hindi ka ba maiinis?"

"Nagtaksil ba talaga?" Muli kong pang-aasar habang tinatahi yung pundiyo ng favorite brief ni Derrick.

Pinadyak niya yung paa niya sa sahig sabay tayo sa couch at sumigaw sa labas. "Punyeta! Dylan, manahimik ka nga! Bumalik ka na don sa Aileen mo!"

Natatawa ako sa kanya saka siya nag-walk out papunta sa taas. Hay nako, itong anak ko. Masyado kung paglihian si Dylan.

Inilapag ko muna sa center table yung brief ni Derrick pati na din yung karayom saka tumayo para puntahan si Dylan. Binuksan ko yung gate at sinalubong siya ng malapad na ngiti.

"Pag-pasensyahan mo na si Dom, ha? Halata namang pinaglilihian ka non."

Halata sa mukha niya yung pag-aalala habang hindi mapakaling nakatayo sa tapat ng gate. "Paano niya po ba ako mapapatawad? Hindi naman kasi talag---"

Hinarangan ko yung bibig niya gamit yung pointer finger ko saka sinabing, "Pumunta ka sa office ni Derrick. Ikwento mo lahat ng nangyari at siya na ang bahala sa'yo."

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon