XXII: WORDS OF WISDOM

7.2K 132 5
                                    

DOMINIC'S POV

I continued running until the security guards me. "Miss, hindi ka na pwedeng pumasok diya---"

"DYLAN!" Muli kong sigaw dito sa loob ng airport. Lumingon siya sakin at nagulat sa nakita niya. Nanatili lang si Faye sa kinatatayuan niya habang si Dylan nama'y papalapit na sakin.

"Dylan..." He let me hug him tightly while crying. "I'm sorry."

Tinanggal niya yung yakap niya sakin at sinabing, "The damage has been done, Jay Dominic Sy."

"I know! But please, give me another chance! I need you." I beg while sniffing and crying.

"Kailangan mo ko para mapagaling yung sakit mo. Di ba? JD, hindi lang naman ako yung lalaki sa mundo! Meron ka namang Calvi---"

I gave him a peck of kiss and stated, "Dylan, I love you. I'm badly in love with you."

Natulala siya sa sinabi ko. Niyakap niya ako at sinabing, "Mahal din kita, JD... pero hindi na ngayon."

Mas lalong tumulo yung luha ko dahil sa sinabi niya. Nang tinanggal niya yung pagkaka-yakap sakin, may sinabi ulit siya.

"Sana sinabi mo yan nung una pa lang... Nung hindi pa huli ang lahat." At naglakad na palayo.

*FLASHBACK ENDS*

Yes, it was a flashback two months ago before he totally left me.

All things done miserable after that. Dalawang buwan akong pinagtiisan ni Calvin na ngayo'y pinagtitiisan pa rin. Utang ko na din kay Cal yung buhay ko dahil kung wala siya, tuyot na ako ngayon.

Nawalan ako ng ganang kumain, uminom ng tubig, maligo, pumasok sa school, nakalimutan ko na ding tumawa, ngumiti at bumisita kila mama dahil ang tanging alam ko lamang noon ay ang umiyak ng umiyak nang dahil sa sakit.

Our both parents knew about our relationship. Oo, boyfriend ko na si Calvin. Don't blame me guys, I need a man to heal me. Mas sisihin niyo ako kung sinu-sino na lang yung piliin ko. Alam naman ni Cal na si Dylan pa rin yung mahal ko. Bilib nga ako sa aming dalawa e, nagpapaka-tanga kami sa taong hindi naman kami mahal.

Bakit nga ba ganun? Kadalasan, yung taong gusto mo, ayaw sayo. At yung taong ayaw mo, may gusto sayo. Unfair.

"Jade, uminom ka na ng gamot mo oh." Utos niya tsaka binigay sakin yung gamot sa sakit ko.

Pagkatapos kong inumin, pinaupo ko siya sa tabi ko at niyakap. "Cal, thank you sa lahat."

"It's normal, Jade. If you love someone, you're going to do everything for him or for her." Sabi niya habang nakayakap din sakin.

"Naiintindihan naman kita. Alam kong mahal na mahal mo si Dylan pero sana naman wag mong pabayaan yung sarili mo. Jade, siguro hindi talaga kayo para sa isa't-isa. Try to fix your life and stand up again. Hindi ka matututo kung hindi ka magmu-move on." Pahabol pa niya. Tinanggal ko yung yakap sakanya at tinignan siya.

"Alam ko... Pero sorry dahil nasasaktan kita."

He giggles. "Okay lang, alam ko namang masasaktan ako eh. Basta nandito lang ako palagi para sa'yo. I love you as a friend. Hindi naman kita pinipilit na mahalin mo ko e. Gusto ko lang tumulong dahil kababata kita."

I kissed him on his lips and hugged again. "Perfect best friend."

I stood up and looked at my own reflection on the mirror.

Losyang...

Napabayaan...

At nasaktan.

Hindi ako 'to. Hindi ito si Dominic na kilala ko.

I was born to stand-up again when I fall. This is me.

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon