DYLAN OCAMPO'S POV
Nandito ako ngayon sa office ni Tito Derrick dahil pinapatawag niya daw ako. Syempre mabait akong macho kaya sumunod ako sa utos ng soon-to-be-father-in-law ko.
"Glad you're here." Biglang pagpasok niya habang naka-upo ako sa harap ng table niya.
Tumayo ako at nakipag-shake hands sa kanya. "Nabalitaan ko nga pala yung iskandalong ginawa mo sa kasal ni Calvin at Micah. Wrong wedding?"
We both giggled and he tap my back. "I appreciate your effort, Dylan. Buti na lang tama yung pagpili sa'yo ng anak ko."
I just smiled then he sat at his swivel chair. "Bakit mo daw po ako pinapatawag?"
May binigay siya saking susi at may tag na President's Room na nakalagay. "Welcome to our company, Mr. Dylan Ocampo."
Nanlaki yung mata ko at tumingin ulit sa kanya. "T-talaga po?! B-bakit? Teka! Pano nangyari to?!"
"Because I trust you. At sana wag mong sirain yung tiwala ko sayo sa pamamalakad ng kompanya namin at sa pag-alaga mo kay Dom."
Kulang na lang tumalon ako sa tuwa at mangisay sa sobrang kilig. "Anong business naman po ang pangha-hawakan ko?"
"Our new business, you're going to manage our resthouse in Tagaytay. Si Denise yung manager sa cliché, at ako naman sa gasoline stations."
"Eh bakit hindi po si Dominic yung ginawa niyong manager?" Tanong ko.
"Sus. Anong alam nun? Hindi niya passion yung ganung mga bagay and I saw how you work kaya kita pinili. Teka, bakit ang dami mong tanong? Ayaw mo ba?"
Nakaka-bading man tignan pero nung tumayo siya, niyakap ko siya at sinabing, "Maraming salamat po talaga!"
Lumabas siya sa office at sinundan ko lang. Maya-maya, pumunta kami sa tapat ng room na nakalagay yung President's Room.
"Ito yung magiging room mo, Dylan. Meron ka na ding secretary." Saad niya at bigla akong nag-alala.
"S-secretary? Babae po ba? Baka sir magselos si JD eh. Lagot ako."
"Ako nang bahala sa kanya. Anyways, hindi pa diyan nagtatapos ang lahat." Sabi niya saka ngumiti.
"What do you mean?" Kunot-noo.
"Follow me." Pumunta siya sa elevator habang sumusunod lang ako.
Pinindot niya yung button ng rooftop at ilang minuto kaming naghintay bago ito bumukas.
"Ayaw ni Dom ng commute, di ba? Ayan para sayo. Dagdag pogi points."
Saka ko lang nakita ko yung...
Matte black lamborghini na naka-park sa gitna.
My jaw dropped and I became speechless.
"That car is just four in the entire world and it can only buy at Western Hemisphere. Take care of your new baby, Dylan. Kaya mo na yan." Tsaka niya binigay yung susi habang ang lapad ng ngiti ko.
DOMINIC SY'S POV
Yung hindi ka sinasakay ng taxi dahil mag-isa ka lang. Ako lang ba naka-experience nito o kayo din?
Inip na inip na akong naghihintay ng masasakyan dito sa waiting shed. Hindi man lang mapansin yung beauty ko dito. Nakakawala ng poise maghintay.
Itetext ko na sana si Dylan na sunduin ako pero bigla na lang may magarang kotse ang huminto sa tapat ko. Pagkababa ng bintana, ngumiti siya sakin.
I whistled from amazement. "Saan mo naman yan nanakaw?"
Bumaba siya sa sasakyan at nginitian ako. "I didn't steal it. Your Dad gave me another baby."
"Binigay o pinahiram? Teka, anong ginagawa mo dito?" Pagtataray ko.
He sighed. "Susunduin sana kita. Ayaw mo yata eh, wag na lang. Ang ganda pa naman ng baby ko."
"Hay nako! Ewan ko sayo, Dylan. Porket may kotse ka lang eh. Tara na!" Sabay palo ko sa pwet niya.
Para akong baliw na namangha nung bumukas yung pinto ng passenger seat. Pataas kasi ito kaya natuwa ako.
"JD..." May inabot siya saking susi at may tag na nakalagay PRESIDENT'S ROOM.
"Bakit? Naiwan ni Papa?" Tanong ko at nagsimula na siyang magdrive. Lahat ng mga tao, napapatingin sa kotse. Attractive naman talaga kasi.
"Hindi. Hmmm... Manager na din ako sa business niyo." Napatingin ako sa kanya para tignan kung nagbibiro ba siya.
Pero seryoso yung mukha niya.
"Saan? Anong mina-manage mo? Bakit ikaw?" Sunud-sunod kong tanong.
"Yung resort na pinatayo ni Tito Derrick sa Tagaytay. Yung may hot spring, massage, spa." Explain niya.
Hindi na lang ako nagsalita at humarap sa daan.
Hindi ko alam kung bakit nawala ako sa mood...
Bakit mas pinagkatiwalaan pa nila si Dylan kaysa sarili nilang anak?
SABRINA HICARO'S POV
"Oh, Dylan! Napabisita ka?" Nasalubong ko si Dylan nung papasok pa lang ako sa unit ko.
"Ah, eh. Sab, nasaan si JD? Bakit walang sumasagot?" Tanong niya habang nag-aabang buksan yung pinto ng unit ni Nikki.
"Ano ka ba! Matagal na siyang umalis diyan. Teka, okay na ba kayo?"
"Oo eh." Tsaka ko lang napansin na may bouquet of flower siyang dala.
"Teka, saan na ba yung condo niya?"
DYLAN OCAMPO'S POV
Kinuha ko yung address ni JD na binigay sakin ni Sab. Kaagad ko 'tong pinuntahan at kakatok na sana ako nang lumabas si Tita Denise sa room.
"B-bakit po Tita?!" Taranta kong tanong.
"Si JD, hindi pa rin umuuwi simula kahapon." Napakunot-noo naman ako.
"Huh? Ihahatid ko po sana siya kahapon pero sabi niya pupunta muna daw siya sa inyo." Explain ko.
"I've texted her. Sabi niya okay lang daw siya at wag munang hanapin. Pero nag-aalala ako. Baka mamaya mapa-ano siya." I hugged her.
Tangina naman oh. I won her back and now, bago na namang pagsubok?
Nasaan kaya siya?
BINABASA MO ANG
WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]
RomanceAll about the daughter of Derrick and Denise Sy that was diagnosed with a Sudden Sexual Arousal Syndrome and it forced her to search for a sex slave. SEX SLAVE [BOOK I] WANTED: SEX SLAVE [BOOK II] SEX SLAVE AGAIN [BOOK III]