XLV: THE END

5.6K 108 23
                                    

DOMINIC'S POV

I finally saw him on the shore but with a girl. I decided not to interrupt them because I can see they're happy talking to each other.

I remain standing and staring then realized that the girl he's talking with is the bitch of our life, Faye.

I can't help looking that's why I walk towards them and said, "Dylan."

He faced me. "Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka." I answered.

"Pagkatapos mo 'kong paniwalaing asawa kita at ngayon nandito ka para sunduin ako?" Pagtataray niya at bigla akong napatingin kay Faye na naka smirk.

"How dare you to make him fool? Kung hindi ko pa sinabing sinukuan ka na ni Dylan, hindi niya pa malalaman ang totoo. Is that what you call true love? Huh, Dominic?" She asked in a sossy voice.

"At pano mo naman nalamang Dylan surrendered me?" Pagtataka ko.

"I have my own resources." Then she winked.

"Ano man yung dahilan kung bakit kita sinukuan, wala na akong pake tungkol doon. Ang akin lang, bakit mo ko pinag-mukhang tanga?"

"Hindi kita pinag-mukhang tanga. Gusto lang kitang bumalik sa buhay ko! What's wrong with that?" Dahilan ko at dumadami na yung taong nakiki-chismis sa amin.

"Paano naman si Dianne, yung girlfriend ko bago ako ma-disgrasya?" Nagtaka ako sa sinabi ni Dylan at napatingin kay Faye and she's still smirking.

"Sa tingin mo ba totoo lahat ng sinasabi nitong ex mo? Dylan hindi! Manloloko siy---"

"Ikaw ang manloloko, mapag-samantala at makasarili! Ni hindi mo sinabing may girlfriend pala ako. All you did is to LIE! What kind of person are you?" Sigaw niya sa akin at iniwan nila akong umiiyak sa shore habang pinagtitinginan ng mga tao.

DIANNE GARCIA'S POV

"Mission accomplished." Pagbigay puri ko kay Faye saka binigay yung cash as her reward.

"Nasaan na si Dylan?" Tanong ko habang nag-aabang na dito sa private room dito din sa San Juan, Batangas ngunit sa kalapit resort ng Blue Coral.

"Papunta na siya dito." Sabi niya saka lumabas ng room at maya-maya lang ay pumasok na rin si Dylan.

"Ikaw ba si Dianne?" Tanong niya ay bigla ko siyang niyakap na kunyaring nati-tears of joy.

"Miss na miss na kita, Dylan! Buti na lang naibalik ka sakin ng kaibigan ko." Pagdadrama ko kunyari habang nakayakap sa kanya.

Hinawakan ko yung mukha niya saka siya hinalikan ng french. Tumutugon naman siya sa halik ko dahilan para mag-init yung katawan namin habang dinadala ko siya sa kama.

Finally, I tasted the luscious lips of him. My dream come true.

TYLER SAMSON'S POV

Okay lang yan,
Marami pang iba diyan.
Yung deserving at hindi ka iiwan.

Patuloy pa din ako sa pagkanta ng gawa-gawa kong kanta habang naka-higa siya sa dibdib kong umiiyak at hinihimas yung buhok niya.

"Wag ka na kasing umiyak." Saway ko sa kanya habang hinihimas yung buhok niya.

"Panong hindi iiyak, e nawala na naman siya sakin?" Asar niyang tanong.

"Dapat kasi nung una pa lang sinabi mo na yung totoo. Pero malay mo, pag nakapag-isip siya ng maayos balikan ka niya ulit?" Sabi ko para maging panatag yung loob niya.

"Eh paano kung naagaw siya sakin ni Dianne?" Tanong niya.

"Edi patunayan mo kay Dylan na ikaw talaga yung girlfriend niya. Ano ba naman 'yan. Tsaka, bakit ka ba nagpapatalo sa babaeng yun? E di ba sabi mo secretary lang naman yun ni Dylan dati? Ipaligpit mo siya sa Daddy mo or kay Sab. Tutal malaki naman braso nun at kayang-kayang patumbahin si Dianne." Pagbibiro ko pero patuloy pa din siya sa pag-iyak.

"Ano na'ng gagawin ko?" Tanong niya.

Napahinga ako ng malalim saka sinabing... "Bakit si Dylan pa kung nandito naman ako?"

THIRD PERSON'S POV

Matapos malaman ni Dylan ang katotohanan ay hindi na nagtagal sila Dominic sa Blue Coral Resort dahil sa malubhang sakit na naramdaman niya. Hindi niya inaasahang maniniwala si Dylan sa kanyang ex-girlfriend na si Faye.

Kasalukuyang tinuturan ni Tyler magmaneho si Dominic sa gitna ng malawak na kalye sa Alabang habang sa kabilang panig nama'y pinagma-maneho ni Dylan si Dianne para sa kanilang date.

Tatlong araw na ang nakalipas matapos nilang mag-outing at tinutulungan na lang ni Tyler mag-move on si Dominic pero hindi pa rin niya makalimutan ang binatang si Dylan.

"Dom, dahan-dahan lang!" Saway ni Tyler kay Dominic habang patuloy lang na nakatapak ang dalaga sa accelerate pedal.

Tumapak si Dominic sa preno para tumigil dahil naka-red light na yung traffic light ngunit hindi ito gumagana.

"Tyler! Walang preno!" Tarantang sinabi ni Dominic kay Tyler at hindi naiwasang mataranta silang dalawa.

DYLAN OCAMPO'S POV

"Babe, hayaan mo na yang ballpen kong nalaglag. Green light na." Sabi ni Dianne kaya tumingin ako sa daanan at inapakan yung accelerate pedal.

Dahil kami ang nasa unahan, nakita ko agad sa intersection ang isang sport's car na huma-harurot sa bilis at napansin kong bubunggo ito sa amin pero hindi ko na naiwas ang aming sasakyan.

Bumunggo ito sa side ko at parehas tumalipon ang aming sasakyan sa lakas ng impact. Sa sobrang lakas ng pagkaka-tama...



































Nawalan ako ng malay.

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon