DOMINIC'S POV
Maaga akong nagising para mag-ready sa binyag ni Liam dahil sa sobrang excite. Maniwala man kayo o hindi, first time palang ako magni-ninang sa isang binyag.
"Ang aga mo namang magising?" Pikit pang sinabi ni Dylan habang nakahiga sa kama at ako naman, nasa tapat ng closet para mamili ng susuotin.
"Maaga akong susunduin ni Terrence, e." Sabi ko habang kumu-kuha ng damit sa closet.
Narinig ko yung biglang pag-tunog ng spring ng kama. "Ano?!"
Napalingon ako sa kanya at tinaasan ng kilay. "Siya daw yung susundo sakin eh. Sumunod ka na lang mamaya. Itetext ko yung address."
Kumunot yung noo niya sabay upo sa kama na tila nagising yung diwa niya sa sinabi ko. "Ako na maghahatid sayo. Mamaya kung ano pa mangyari sayo pag kasama mo siya. Mas safe ka sakin."
"Dylan, bakit ba paranoid na paranoid ka? Hello? Para namang aasawahin ako ni Terrence, e may anak na yun!"
"Hindi 'yun yung point ko. Ang akin lang, paano kung may masamang mangyari sayo? Sa inyo ng baby natin? JD, makinig ka naman sakin."
Umiling lang ako saka humarap ulit sa closet pero hinawakan niya yung braso ko para paharapin sa kanya.
"Bakit ba hindi ka nakikinig saki---"
"Shut the fuck up, Dylan! Ang aga-aga pinapa-init mo yung ulo ko! Intindihin mo na lang kung ano yung gusto ko! Tapos." I exclaimed and sighed.
Natahimik siya sa sinabi ko sabay walk out sa kwarto. Ang kulit kasi. Minsan hindi maganda yung naidu-dulot ng overprotective.
I wore loose but classy dress para hindi mahalata yung konting baby bump sa tiyan ko. Peach ito which is my favorite color. I also put light make-up on my face at ala-sais na nang marinig ko yung busina ng kotse ni Terrence sa labas.
Kinuha ko yung pouch ko at nilagay sa loob yung personal belongings ko. Pagka-baba ko sa kwarto, nakita ko si Dylan, nanunuod ng TV at napatingin sa akin.
"Buntis ka na, ganyan pa suot mo." Sermon niya pero hindi ko na lang pinansin.
I left the house without kissing or saying goodbye to Dylan. Para saan pa? Sinira niya yung mood ko. Nakakainis.
TYLER SAMSON'S POV
12 hours of waiting and finally, I'm here at my hometown, Vigan, Ilocos Sur. I miss the smell, the environment and her.
"Tyler?" Napatingin siya sakin, binitawan niya yung walis at sinalubong ng yakap na puro pagka-sabik at pagmamahal.
"I miss you." Saad niya at kumalas sa yakap ko.
Napatingin ako kay Lola nang marinig yung tikhim niya. "Mas nauna mo pa yatang sinalubong si Miriku kaysa sakin, apo?"
Natawa kami saka ko nilapitan si Lola at niyakap ng mahigpit. "Namiss na kita, Lola!"
"Totoo ba 'yan? Eh bakit parang mas namiss mo pa si Miriku?" Tumawa ulit kami.
"Si Lola po?"
"Pumunta agad sila ng mama mo sa palengke matapos nila malamang uuwi ka na dito." Napangiti naman ako. Ito talagang si Mama. Miss na miss ako!
"O, sige apo. Naglilinis pa 'ko ng bahay. Mag-usap muna kayo ng kababata mo." She then winked. Pilya talaga itong si Lola.
Pina-abot ko muna yung bag ko kay Lola saka binaling yung atensyon ko kay Miriku. Lumapit ako sa kanya at ginulo yung buhok niya.
"Ang liit mo pa din." Sabi ko at sinuntok niya naman ng mahina yung tiyan ko.
Si Miriku yung sinasabi kong kaba-bata ko. Kapitbahay lang namin siya kaya kami na talaga yung close sa isa't-isa noon. Sa totoo lang, hindi siya taga dito. Isa siyang half-Japanese na na-deport sa Japan dahil siya ay naka-registered bilang Filipino citizen. Simula noon, dito na siya tumira sa bahay ng lola niya at naging close kami sa isa't-isa.
"Siya na yata yung pinaka-magandang regalo na natanggap ko kay Santa Claus." Sinabi ko 'yan nung bata pa ako dahil saktong pasko siya nang dumating dito.
Umupo ako sa isang kawayan at gayon din ang ginawa niya. "Kamusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkikita."
Tumingin ako sa kanya. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Ngayon ko lang napag-tantong ang ganda niya pala.
"Ayos lang. Grabe yung struggle sa Maynila. Hindi ko keri. Ikaw? Kamusta? May nanliligaw na ba sayo? Pakilala mo naman sakin."
"Pano ako magkaka-roon ng manliligaw kung sayo lang papayag yung puso ko?" Hindi ko alam kung bakit pero napa-iling ako saka nablush. Ang lande.
"Miriku..." Hinawakan ko yung kamay niya sabay tingin sa kanyang mga mata.
"Pwede ba kitang ligawan?"
DOMINIC'S POV
Ilang oras na kaming buma-byahe pero hindi pa rin kami nakakarating sa St. Peter Parish Church at hindi ko pa rin nakikita yung killer road na sinasabi ng karamihan.
"Nasaan na ba tayo? Bakit parang ang layo naman." Angal ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
Thirty minutes pa akong naghintay at sabi niya, "Naandito na tayo."
Pagkatingin ko sa windshield ng kotse, may mga armadong lalaki ang nasa labas. "Huh? Ito na ba yung simbahan? Bakit may mga---"
Bumaba siya sa kotse at sinabing, "Dalhin niyo siya sa loob."
Binuksan ng mga lalaki yung pinto sa side ko at hinila ako palabas ng kotse habang pilit akong nagpupumiglas. "Terrence! Ano to?!"
Kinakaladkad nila ako papasok sa loob ng isang abandonadong bodega habang pinipilit kong makawala sa pagkaka-hawak nila. Pagka-pasok namin sa loob, pinaupo nila ako sa upuan, tinali yung kamay at paa ko sa upuan at nilagyan ako ng double-sided scotch tape sa bibig.
"Uhmmm!" Madami akong gustong sabihin pero hindi ko masabi dahil may nakaharang sa aking bibig.
Tumatawa lang siya habang paikot-ikot sa harap ko. "Look at yourself. So pathetic, fool and annoying."
"Nasaan na yung syota mong one call away? Nasaan?" He then evil laughed while my tears are falling.
"So sad. Ni hindi niya man lang makikita kung paano ka mamatay." May hinugot siyang baril sa bulsa niya at ikinasa ito.
"Hmmmm! Uhmmm!" Gigil kong sinabi habang pinipilit maka-alis sa upuan.
"Bibilang ako ng sampu para sa kamatayan mo, Jay Dominic Sy."
"Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Apat...
Lima...
Napapikit ako dahil itinapat niya ito sa akin. Nagdadasal ako sa isip ko na sana panaginip na lang to at sana makaligtas ako. Iyak ako ng iyak habang nakapikit at kulang na lang kumawala na yung puso ko sa sobrang kaba.
Anim...
Pito...
Walo...
Siyam...
Sampu.
Bago niya kalabitin yung baril, may bumaril na sa kanya ngunit napindot niya yung baril kaya natamaan ako.
Naririnig ko yung sigawan ng mga pulis habang iniinda ko yung tama ng bala sa tagiliran ko.
Unti-unti akong nanghihina hanggang sa mahimatay na lang ako sa upuan.
BINABASA MO ANG
WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]
عاطفيةAll about the daughter of Derrick and Denise Sy that was diagnosed with a Sudden Sexual Arousal Syndrome and it forced her to search for a sex slave. SEX SLAVE [BOOK I] WANTED: SEX SLAVE [BOOK II] SEX SLAVE AGAIN [BOOK III]