XVI: THE PAST

9.4K 174 4
                                    

DYLAN ROMEO OCAMPO'S POV

"Dandandan DYLANdan! Dandandan sarap ng real~ Lasap na lasap, real na real, real na real! Dandandan DYLANdan~"

"Pwede ba, JD? Manahimik ka na." Kanina pa kasi 'yan kanta ng kanta dito sa likuran ng van. Ang ligalig.

"Bakit? Kinakantahan na nga kita eh." Paglalambing niya.

"Hindi ka nakakatuwa. Hindi ako nas-sweetan. Kaya pwede ba? Manahimik ka na. Ang ingay mo."

Eh kasi naman, siya na lang yung nag-iingay dito sa van byahe pa-Manila. Oo nga pala, kaninang madaling araw kami umuwi kila Lolo at nagpaalam na. Nalungkot sila dahil ang iksi lang ng bakasyon namin pero nag-promise naman si JD na pupunta ulit kami dito sa Bataan. Pinaiwan ko muna si Zach kay Lolo para may kasama siya sa bahay.

Nakisabay na din kami ni JD sa van nila Jeff dahil pauwi na din naman sila. Kagabi, hindi ko alam kung ano ba yung ginawa ko. Hindi ako ganung tao at nahihiya ako sa ginawa kong kabastusan.

Pero sa totoo lang... Ang sarap. Hindi ko akalaing ganun kasarap si JD kahit na may sayad siya.

Ito nga ba yung gusto ko?

Makaranas ng sex?

Makatikim ng babae?

Oo, ito nga.

Pero nung nagawa ko na, parang wala lang pala. Hindi pa rin ako masaya. Bakit kaya?

Ano nga ba yung bagay na talagang makakapag-pasaya sakin?

Tinignan ko si JD, nakatingin sa dinadaanan. Bad trip na yata.

"Uy, joke lang. Sige, kantahan mo na ko." Sabi ko ngunit hindi niya ko pinansin.

"Asus! Arte lang yan, hindi yan galit. Di ba? Diba diba diba?" Tinutusok ko yung tagiliran niya hanggang sa mapangiti siya.

"Tse! Nananahimik na nga ako eh." Taray-tarayan. Amp.

Hinawakan ko yung mukha niya paharap sakin saka hinalikan siya sa noo. "Abnormal."

Ngumiti ako sakanya at napangiti na din siya. Sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko at inakbayan naman siya.

*12 HOURS LATER*

Sinundo kami ni Tito... Wait. Which do you prefer? Tito? Uncle? Dad? Papa? Or what? Dad na lang pag sa inyo pero pag sakanya, Uncle. So ayun na nga. Sinundo kami ni Dad... What the fuck? Para akong bakla sa DAD. Uncle na nga lang!

Ah, basta! Sinundo kami ni DERRICK SY sa condo ni JD nung makarating na kami galing Bataan. Pinatulog niya muna kami sa bahay nila in the same room with JD hanggang sa...

Kinaumagahan.

"Good morning, Sy Family." I greeted Mr. and Mrs. Sy when they saw me cooking. 

"Oh? Bakit ikaw ang nagluluto?" Tanong ni Tito.

"Kaya ko naman po kasi magluto saka nahihiya akong mag-utos sa mga maid eh."

"Nice." Lumapit sakin si Tita Denise at tinignan yung niluluto ko.

"Wow! Hon, tignan mo oh! Fish Fillet de El Niño!"

Napakunot-noo ako. "Ano po yung 'Fish Fillet de El Niño'?"

"Tuyo! My favorite breakfast! Salamat hijo!"

"Ah. Sabi po kasi ni JD, paborito niyong dalawa 'tong tuyo kaya pinagluto ko po kayo." Explain ko habang nao-awkward sa tingin ni Tito Derrick.

"Talagang may nickname ka na kay Dom, ah? Close na ba kayo?" Tanong ni Tita Denise habang pinapapak yung isang tuyo.

"Sakto lang po. Minsan po kasi may pagka-moody eh." Sabi ko at biglang sumingit si Tito.

"Kanino pa ba magmamana?" Napatingin kami ni Tita kay Tito sabay tawa. Kwento nga din sakin ni JD na mas moody daw si Tito kaysa kay Tita.

Napatingin naman kaming lahat nung dumating si JD. Nagbeso siya kila Tita at Tito pero nagulat ako nung halikan niya ako sa labi at sinabi na, "Wow. Ang sarap naman ng ulam!"

Natulala lang ako. Ang akala ko kasi hindi niya ako hahalikan dahil andito yung mga magulang niya pero nagkamali ako.

"Ma'm, sir, nandito na po si sir Charlie."

Sino si---

"OMG! Si Papa!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko...

The disaster has been arrived.

Umalis na si Tita at Tito sa kitchen, naiwan naman kami ni JD dito.

"Wag kang kakabahan ha? Magpaka-bait ka kay Lolo! Ayaw niya ng may nagsasalita tuwing nagsasalita siya. Okay? Tandaan mo!"

I took a deep breath nang dumating agad si Tita Denise. "Hijo, gusto ka daw niyang makita."

Nagka-tinginan kami ni JD saka ako pumunta sa balcony. Nandoon daw kasi siya.

Kaya mo 'yan, Dylan.

Nang makarating ako sa balcony, nagulat siya nang makita niya ako.

"G-good morning po." Pagbati ko.

CHARLIE McBRIDE'S POV

How on Earth this happened? I really can't believe it.

Imbes na mainis ako, nakangiti akong bumati sa kanya. "Magandang umaga din, Dylan."

Naalala ko na...

Siya si Dylan...

Yung batang nangako kay Dom noon.

*FLASHBACK*

Sinama ko muna si Dominic sa isang park na may playground sa Market Market, Taguig dahil naiinip siya kapag kasama niya sila Denise mamili ng kung anu-ano.

"Lolo! Magii-slide po muna ako ha?" Ngumiti ako at pinayagan siya. Naka-upo lang ako sa bench habang pinagmamasdan yung ibang bata na naglalaro.

Yung mata ko naman naka-focus lang kay Dom dahil baka mawala siya. Nag-slide siya ngunit pagkababa niya, nadapa siya. Lalapitan ko na sana pero may isang batang lalaki ang tumulong sakanya tumayo.

Hinayaan ko lang sila. Hindi naman sila kalayuan sa kinauupuan ko kaya't naririnig ko yung usapan nila.

"Okay ka lang ba?" Tanong nung batang lalaki.

"Oo. Thank you." Pero halatang may iniindang sakit si Dom kaya pinaupo siya nung batang lalaki sa grass.

"Wag mo sabihing okay ka lang kung hindi naman talaga." Umupo din yung lalaki sa harap ni Dominic.

Napangiti na lang si Dominic. Marami silang pinag-usapang dalawa. Tawa sila ng tawa, nagkukulitan at iba pa hanggang sa...

"Ako nga pala si Nilan." Inoffer niya yung kanang kamay niya para mag shake hands.

"Ako naman si Dominic." At kinuha ni Dom yung kamay niya saka sila nagshake hands.

"Teka, bakit may singsing ka? May asawa ka na ba?" Natawa naman siya sa tanong ni Dom.

"Wala ah. Binili ko lang 'to kanina."

"Ah."

Kinuha niya ni Nilan yung kamay ni Dom at sinabing, "Suotin mo 'tong singsing."

Sinuot niya kay Dom yung singsing. "Paglaki ko, pangako ko sa'yong hahanapin kita kahit nasaang lugar ka pa."

Ngumiti sila sa isa't-isa. Nabigla naman ako nang halikan ni Nilan si Dom sa noo saka dumating yung Lolo ni Nilan.

*FLASHBACK ENDS*

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon