XVII: SECOND MEET

9K 155 0
                                    

  DYLAN OCAMPO'S POV

Weird but awesome. Akala ko masungit siya pero parang mas naging komportable ako sakanya. Hindi ko alam kung bakit, pero pati sila JD nagtaka din kung bakit siya bumait.

"Dylan, hijo, hindi mo ba natatandaan si Dominic?" Tanong ni Lolo habang naglalakad kami sa bakuran.

"H-ha? A-ano pong natatandaan? Sorry. Marami na po kasi akong nakilala kaya yung iba nakalimutan ko na." Sagot ko.

Hindi siya nagsalita at biglang tumigil sa paglakad saka humarap sa taas.

"Wala lang. Buhay nga naman, kung talagang para sa isa't-isa, pinagtatagpo ng tadhana." Saka siya ngumiti ng matamis.

Si Lolo lumalablayp pa! Wala pong forever.

"Pero anong naramdaman mo nung una mong nakita yung apo ko?" Tinutukoy niya si JD.

"Wala naman po. Yung parang normal lang. Pero yung beauty niya kasi parang ewan e, parang nakita ko na."

Nanlaki yung mata niya at nagtanong ng sunud-sunod. "Anong naramdaman mo? May naalala ka ba? Nabighani ka ba? Na---"

"Lolo, wala po kahit isa. Wala akong naramdaman sa kanya. Bakit po ba parang interesado kayo sa meet-up namin?"

"Wala lang. Naala---"

"Lolo, kain na po! Libang na libang kayong dalawa ah? Kanina pa kayo nagku-kwentuhan." Singit ni JD sa amin.

"Masarap kasing kausap itong si Dylan. O siya, kumain na tayo." Sabi ni Lolo at naglakad na kami. Pinauna namin si Lolo at si JD naman sumabay sa paglakad ko.

"Nakakatakot ba siya?" Tanong niya.

"Mas nakakatakot si Dominic. Kilala mo yun? Ay nako! Kung kilala mo lang siya, matatakot ka. Grabe yun magalit." Natawa naman siya dahil siya yung tinutukoy ko.

   DOMINIC'S POV

Matapos magpaalam ni Lolo kahapon, nagpaalam na din kami ni Dylan kila mama't papa. Nag-ready pa kasi kami para sa pagbabalik-aral. Back to reality kuno. Pasukan na naman.

Si Dylan, magtuturo muli sa amin. Nothing's new pero sa tingin ko kami na yung laman ng balita sa buong school.

Ano pa bang aasahan ko?

"Kung ako yung dahilan ng pagka-badtrip mo ngayon, I'm sorry. Hindi naman kasi ako mayaman kaya wala akong sariling sasakyan." Sabi ni Dylan habang nakasakay kami sa jeep.

Napatingin ako sa kanya at natawa. "Ano ka ba! Okay lang noh. Astig nga eh."

Pinagtinginan kami ng kapwa namin pasahero dito. Yung ibang estudyante, kinikilig samin pero 90% kinikilig kay Dylan. Tinignan ko ng masama yung mga babae at saka hinila si Dylan palapit sakin na sign na akin lang siya.

Tinarayan ko sila at nakita ako ni Dylan saka natawa. "Oo, sayo lang ako."

Ilang minuto ang nakalipas nang bumaba kami sa jeep. Nauna si Dylan sakin dahil baka ma-issue kami.

Habang naglalakad siya, nakatingin ako sa likod niya pababa sa pwet. Ang tambok. Ang sexy! Ugh. Boyfriend goals. ♡

Sa gitna ng pagnanasa ko, may nakabangga sa akin. "Ay, sorry!"

"H-ha? Okay la--- Uy. Ikaw pala yan, Calvin." Sabi ko.

Si Calvin, school mate ko, anak nila Tita Gina at Tito Dave Chua na ka-business associate nila Papa. Sila din yung gumawa ng contract na arranged marriage, pero sa tingin ko hindi na din yun matutuloy. Hindi naman kami pinipilit eh.

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon