XXXVI: CONFIRMED

6.8K 134 18
                                    

DYLAN OCAMPO'S POV

Hinalikan niya yung leeg ko pababa sa dibdib pero bigla kong naisip si JD kaya pinigilan ko siya at sinabing, "Dianne, mali ka ng nilalandi."

Tinigil niya yung paghubad sa blouse niya saka napahiya. "I'm sorry, sir. I think I need to go."

I clicked a button from the dashboard to open the passenger's door then she departed. Nang maka-alis na siya, napahinga ako ng malalim.

Tinignan ko si junior, buti na lang tulog pa din kundi baka natuklaw niya na si Dianne.

Hindi 'to dapat malaman ni JD, baka kung ano pa mangyari.

Napagpasyahan kong pumunta sa unit niya para kamustahin yung tugtog nila kaya nagsimula na 'kong magdrive. After fourty minutes, nakarating na din ako sa unit niya saka kumatok sa pintuan.

"Oh, Dylan... Pasok." She greeted when she opened the door.

Pumasok ako sa room at nawala yung ngiti ko sa labi nang makita na naman yung lalaking kasama ni JD nung lunch.

"Terrence, si Dylan nga pala, manager ng resort sa Tagaytay. Dylan, si Terrence, supervisor ng business namin." Tumayo yung Terrence sa couch at tila makikipag-shake hands sakin.

Ngumiti lang ako ng konti at hindi tinanggap yung kamay niya. "Oh, kasama ka na naman ni JD."

Tumingin ako kay JD at parang naguilty siya kaya hinawakan ko yung mukha niya at nilambing-lambing. "Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita."

Tumayo ulit si Terrence sa couch. "Ah JD, alis na 'ko. Thank you sa time. Bukas ah? Sabi mo yan." Nagawa niya pang kumindat.

Tinanggal naman ni JD yung paghawak ko sa mukha niya saka hinatid sa pintuan si Terrence. "Oo na. Sige, ingat. See you tomorrow."

Pagkasara niya ng pinto, nakakunot-noo akong nakaharap sa kanya. "Sino na naman yun? Ha? Ano na namang papel nung gagong yun sa buhay mo?"

Lumapit siya sakin at pinunasan yung ilong ko. "Punasan mo yung ilong mo, namamawis e. Halatang seloso." Maharot niyang sinabi saka pinalo yung pwet ko.

"JD, seryoso ako. Sino yung lalaking yun?" Inis kong tanong habang malapit yung mukha namin sa isa't-isa.

"Si Terrence nga." Mapang-asar niyang sagot.

"Ewan ko sa'yo." Aalis na sana ako pero bigla siyang nagsalita.

"Manliligaw ko."

Napatingin ako sa kanya at mas lalong kumunot yung noo ko. "What the fuck, JD?!"

"Ayaw niya kasing makinig saking ayoko dahil nanliligaw ka na kaya ayun, hinayaan ko na lang."

I scratched my hair and said, "So, ganon? Hinayaan mo din siyang pumasok dito sa unit mo ng hindi ko alam?"

"Nagpumilit e tsaka hindi ko naman sasagutin yun! As if naman. Sayo ako boto noh!" Hinawakan niya yung mukha ko saka nag-nose-to-nose pero hinayaan ko lang siyang gawin yun.

I rolled my eyes to her. "Bakit kasi hindi mo pa 'ko sagutin kung doon din naman yung patutunguhan natin?"

Siya naman yung nawala sa mood at umupo sa couch. "Chill ka lang kasi! Masyado kang nagmamadali eh. Mahal kita kaya wala kang dapat ikabahala."

DOMINIC'S POV

"Dylan, pwede bang dito ka na muna matulog? Namimiss na kita katabi e. Please?" I plead to him by making puppy look.

Binatukan niya naman ako saka napangiti. "Okay pero sa isang kondisyon; wag mo kong hahalayin."

Napataas naman yung kilay ko saka kinagat yung braso niya habang nasa couch kami. Nakaupo siya at nakahiga naman ako sa lap niya. Ayan yung pwesto namin. "Kapal naman ng mukha mo!"

"Aray ko! Tss. Totoo naman e! Nangangalabit ka kaya kapag madaling-araw tapos sasabihing 'Uy, Dylan.' Tapos matic na! HAHAHA!" Natawa kaming dalawa dahil totoo naman talaga.

Umupo ako sa lap niya at yayakapin ko sana siya pero may napansin akong kiss marks sa leeg niya. "Ano 'to?"

Tinakpan niya ito gamit yung kwelyo niya saka sinabing, "Wala yan. T-teka, kamusta nga pala yung tugtog niyo kanina?"

Nawala ako sa mood saka nagpout na lang. "Ayos lang."

Nagpout din siya. "Oh, bakit nawala ka sa mood? Ikaw talaga! Pabebe. Halika, matulog na tayo."

Binuhat niya ako at yumakap lang ako sa katawan niya habang naglalakad siya papunta sa kwarto. I miss this moment. ♡

Nang ihiga niya ako sa kama, hinubad niya yung suit niya saka tinira yung sando and boxer habang ako naman, naka-printed panda nightclothes. Tumabi siya sa akin saka dumantay sa legs ko at sinabing, "I love you."

Napangiti naman ako saka dinikit ko yung ilong ko sa ilong niya. "I love you too."

Yes, I really love him. Sa totoo lang, parang couple na din kami pero hinihintay ko na lang talaga dumating yung araw ng 24 para sagutin siya. Favorite number ko kasi yun. Edi ako na maarte!

I kissed him a peck and he also did it. Ang sarap sa pakiramdam kapag katabi mo yung taong mahal mo, noh? Agree?

Kinabukasan, naalimpungatan akong wala na siya sa tabi ko at napansing naiwan niya yung cellphone niya sa side table ng kama. Kinuha ko ito at may unread message.

I'm sorry for what I did last night. Hindi ko na po uulitin but I know you liked it. :) :*

Napakunot-noo naman ako sa text ng isang unregistered number. Siguro, wrong sent?

Tumayo ako kaagad saka naligo, kumain, nag-ayos at nagdamit para pumunta sa office niya. Sad to say pero wala pa rin akong kotse. Hindi daw kasi ako katiwa-tiwala sabi ni Papa sa pagdadrive kaya nagpadrive ako sa long-time driver ni Papa papunta sa office.

After few minutes, bumaba na kaagad ako saka sumakay ng elevator at sa wakas, first time kong mag-isa lang sa loob ngunit nagkamali ako. Bago pa sumara yung elevator, pumasok na kaagad yung nahuli kong kasama ni Dylan sa restau na kinainan namin nung isang araw at napansin ko ding parehas kami ng floor na pupuntahan.

"Ano ka ni Dylan?" Prangka kong tanong.

"Secretary niya, Ma'm. Bakit po?" Sagot niya.

Sa totoo lang, medyo naa-underestimate ko yung sarili ko. Literally. Matangkad kasi siya, sexy pero hipon.

"Wala lang. Dadalhin ko lang kasi 'tong cellphone sakanya na naiwan niya sa KWARTO ko. Katabi ko kasi siya kagabi e." Pang-iinggit ko.

"Ah, I see. Kaya pala hindi niya sinagot yung text ko kanina, nasayo pala."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya saka siya tinaasan ng kilay. "Secretary ka lang ba talaga niya?"

"Secretary and flirtmate, ma'm. Sa totoo lang, ang sarap nga humalik ni sir Dylan e. Di ba?" She smirked and when the elevator opened, she left me shocked.

Kaya pala may kiss marks siya kagabi.

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon